bc

He Hates Everything About Me-SPG

book_age18+
69.0K
FOLLOW
353.9K
READ
sex
pregnant
boss
drama
tragedy
bxg
childhood crush
enimies to lovers
first love
stubborn
like
intro-logo
Blurb

TAGALOG COMPLETED (R18)

Bata palang si Jane Mendoza ay crush na crush na niya ang masungit na anak ng kaibigan ng Mommy niya na si Damien Montemayor. Pero hindi siya nito pinapansin, at kung papansinin man siya nito ay paniguradong gyera ang palaging nangyayari.

Kaya nang magtayo ang lalaki ng sarili nitong restaurant ay nagpumilit siyang makapasok dito, pero imbis na paper works ang ibigay nitong trabaho sa kan'ya ay iniharap siya nito sa kusina para maghugas nang sangkatutak na plato?

Paano kaya niya magagawang paamuhin ang tila batong puso ng gwapong binata?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
The Past.. "Jane, hija meet my Son, Damien." Nakangiting pakilala sa kan'ya ng kaibigan ng mommy niya sa anak nito habang nakaakbay ito sa balikat ng batang lalaki. "Hello! Damien," ngiti niya rin dito. Pero ni hindi man lang siya nito nginitian.  "Ma, I'm tired. I will go back to my room." Sabi nito sa mommy nito at mabilis na silang tinalikuran. "Pagpasensiyahan niyo na ang Anak kong 'yon kumare ha? may pagkamasungit lang talaga siya," ngiti ng mommy nito pagkaalis ng anak. "Okay lang kumare, bata pa naman ang mga 'yan," ngiti  naman ng mommy niya.  Pero nakatulala lamang siya sa pintong pinasukan ng batang lalaki. Parang biglang nagka crush ang batang puso niya. "Damien! Damien!" Tawag niya rito nang nasa may sala siya ng bahay nito. Busy kasi ang mga mommy nila na naglalaro ng majong. "What do you want?!" inis na baling nito sa kan'ya. "Why you are sungit ba? I just want to make friends with you lang naman e!" Inis na sabi niya rito at pinagkrus ang magkabilang mga kamay sa may dibdib. "I don't like you! Stay away from me!" at mabilis na siya nitong iniwanan.  Ah ganun ah, agad niyang kinagatan ang sarili niyang braso at umiyak nang malakas. Ilang sandali lang ay dumating na ang mommy niya kasama ang mommy ni Damien. "Why are you crying, baby?" Nag-aalalang tanong ng mommy niya sa kan'ya habang inaalo-alo siya. "Damien, bite me!" At lalong lumakas ang pag-iyak niya.  Agad namang tinawag ng mommy nito si Damien at pinababa sa may sala kung saan sila naroroon. "Why?" takang tanong ng batang lalaki. "Say sorry to her, or you will be grounded for a week from playing your PSP!" Galit na sabi ng mommy nito sa batang lalaki na tila naguguluhan. "Why do I need to apologize?" tanong nito sa namamanghang mukha. "Look what you've done to Jane," at itinuro ang braso niyang may malaking kagat. "What?! I, didn't do anything to her!" at matalim siya nitong tinitigan. Siya naman ay seryoso lang nakatingin dito at sumisinghot-singhot pa. "Damien! I said, apologize to her! Nakakahiya sa Mommy ni Jane!" pagalit na sabi pa nito sa anak. "No! I will never say sorry to her! That's not my fault!" Matigas na sagot naman nito sa mommy nito habang nakahalukipkip. "Okay, then you are not allowed to use any of your gadgets from now on, understand?! Now, go back to your room!" sigaw pa ng mommy nito rito. Matagal muna siya nitong tinitigan bago ito umalis. Bago pa ito tuluyang umakyat sa kwarto nito ay lumingon pa ito ulit sa kan'ya. Nginisihan lang niya ito sabay labas ng dila. Buti nga sa iyo! Ang sungit-sungit mo kasi!  Hanggang sa mag-dalaga siya at makagraduate ng kolehiyo ay hindi sila nagkasundo ni Damien. Lalo lamang itong naiinis kapag nakikita siya.  Present... "Mommy, sabihin mo naman kay Tita Diana na ipasok ako roon sa may restaurant ni Damien, please." Sabi niya sa mommy niya na busy'ng-busy sa pagba-bake ng carrot cake. "Why there? I mean, your Dad's company is always open for you. Isa pa, ang layo-layo naman yata ng tinapos mong kurso para sa restaurant ka magtrabaho," kunot-noong sabi ng Mommy niya. "Mommy, gusto ko kasing magtayo ng sarili kong restaurant someday kaya mag-prapractice muna ako sa restaurant ni Damien," ngiti pa niya sa ina. "Nako Jane, alam mo namang inis na inis 'yang si Damien sa iyo. Ewan ko ba at ang hilig-hilig mong ipagsiksikan 'yang sarili mo sa kan'ya."  "Basta My, sabihin mo kay Tita Diana na ipasok ako roon okay? Thank you, My." Mabilis niyang hinalikan ang ina sa isang pisngi nito at mabilis na pumasok siya sa loob ng kwarto niyang pink na pink ang kulay. Napapangiti siya habang tinitignan ang f******k profile ni Damien, pero halos mapangiwi siya nang makita ang mga haliparot na nagpapapansin dito. Subukan niyong agawin ang Damien ko at ililibing ko kayo ng buhay! Ang papangit niyo! Inis na bulong niya habang binabasa ang mga comment ng mga ito. Kainis naman itong Damien, na ito hanggang ngayon following parin ang status niya sa kan'ya sa f******k! Ni hindi man lang ako i-accept! Simangot niya.  Nang makaisip ng magandang plano ay napangiti siya, makapambwiset nga. Mabilis siyang naligo at nagbihis ng isang super sexy white highwaisted short shorts at itim na sleeveless na pang-itaas exposing her tiny waist.  Nagsuot din siya ng itim na lowcut booties. Kinulot niya rin ang dulo ng brownish niyang buhok at naglagay ng blush-on at paborito niyang lippies. Viola! I'm ready! Ngiti niya pa sa harap ng salamin nang mapagmasdan ang sarili.  Mabilis siyang sumakay sa itim niyang BMW at mabilis na tinungo ang restaurant ni Damien.  Pagpasok palang niya sa loob ng restaurant ay halos magtinginan na sa kan'ya ang mga customer na kumakain doon. Agad siyang umupo sa pinakamalapit na table papunta sa opisina ng binata.  Agad namang may lumapit na waiter sa kan'ya. "Goodafternoon Ma'am, may I take your order?" Nakangiting bati nito sa kan'ya. "Where is Damien?" taas kilay na tanong niya. "Ho?" gulat na tanong nito sa kan'ya. "Can I order Damien, and take him out?" ngisi niya pa sa waiter.  Kita niyang namulta ito. Alam niyang kinatatakutan ng mga ito si Damien, dahil may pagkamasungit ito. Agad naman siyang tumawa rito. "Just kidding! Please give me some fresh mango shake and that's it for now." Pagkatapos ay maarteng ibinalik na rito ang hawak niyang menu. Wala naman siyang balak kumain talaga at hindi naman siya nagugutom, masisira lang ang figure niya.  Makalipas ang halos isang oras ay hindi pa rin niya nakikita si Damien, alam niyang nandoon lang ito sa opisina at hindi lumalabas. Nagngingitngit na siya sa galit. Agad naman niyang tinawag ang isang waiter na nakita niya. "Ang Sir Damien, niyo hindi ba siya lalabas?"  "Naku Ma'am, busy po kasi ngayon si Boss, ayaw pa istorbo." Apologetic na sabi nito sa kan'ya habang nakayuko. "Okay, just give me another glass of mango shake," sabi niya rito, basta! hihintayin niya pa rin ito.  Dumaan na naman ang dalawa pang oras pero hindi pa rin ito lumalabas. Nakaka-tatlong order na siya ng shake pero ni anino ni Damien, ay hindi niya makita. Halos nakapag-selfie, ** at twitter na rin siya.  Halos kabagin na siya sa dami ng mango shake na nainom niya. Dahil sa inis ay agad siyang tumayo at akmang papasok na sa opisina nito nang bigla siyang harangan ng isang babae. Nakataas kilay na tinignan niya ang name plate na nasa suot nitong uniform.  Bianca Supervisor. "Sorry Ma'am, pero hindi po kayo pwedeng pumasok d'yan, mga empleyado lang po rito sa may restaurant ang pwedeng makapasok d'yan, Ma'am." Magalang na sabi nito sa kan'ya habang nakayuko. "Really? You don't know me?!" Inis na sabi niya rito at bahagyang lumakas pa ang boses. Kita naman niya ang gulat sa mukha ng babae.  "Girlfriend ako ng boss mo kaya, I have all the rights to go here, understand?!" Taas kilay na sabi niya pa rito na may halong pagkainis. Nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina nito at lumabas ang nakakunot-noong si Damien. "What's happening here?" Sabay tingin sa kan'ya "And you? What the f*ck are you doing here?!" inis na baling sa kan'ya ng lalaki.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Their Desire (Super SPG)

read
964.2K
bc

His Property

read
946.4K
bc

CLOSER

read
140.9K
bc

Married By Mistake

read
170.9K
bc

Lucas Sebastian III - SPG

read
2.7M
bc

Billionaire's Twins

read
263.5K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
454.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook