Continuation.. After what happened between him and Natasha ay wala na siyang narinig mula sa babae na ipinagpasalamat naman niya, pero sa totoo lang ay naaawa rin siya sa babae. He knows that this is all his fault. Hindi man niya sinasadya pero nasaktan niya ito. Pinilit naman niyang labanan ang nararamdaman at itinulak palayo si Jane pero hindi na niya mapigilan. Hulog na hulog na siya sa babaeng dati ay kinamumuhian niya lang. Wala na siyang pakialam kung paikutin man siya nito sa mga palad nito. "Hijo, would you mind kung ihatid mo ako sa bahay nina Jane? Naka-off kasi iyong driver natin" biglang sabi ng mommy niya sa kan'ya, nandoon kasi siya ngayon sa bahay ng parents niya. Bigla siyang natigilan sa sinabi ng mommy niya. How he miss her so much. Agad naman siyang tumango, ilang

