Ilang oras lang ay napagpasiyahan niya na ring umuwi. Gaya ng inaasahan niya ay wala pa si Damien, hindi na niya alam kung ano pa bang emosyon ang hindi niya nararamdaman dahil halos yata ng dapat maramdaman ay naramdaman na niya dahil lang sa pagmamahal niya kay Damien. Hindi nga niya alam kung bakit sinayang niya ang halos buong buhay niya sa pag sunod-sunod at pagkulit-kulit dito. Ngayon niya lang naramdaman ang labis na kalungkutan, ngayon lang niya ganap na na-realize na no matter how you chase someone, if he isn't even interested in you, he will never be. Hindi niya na tuloy alam kung dapat pa siyang maniwala na natututunan ang pagmamahal sa tagal ng panahon. Hindi man niya ganap na nakuha ang pagmamahal ni Damien, nagpapasalamat pa rin siya na may iniwang ala-ala sa kan'ya si Damie

