Mabilis naman siyang tumayo nang para siyang mapapaso sa hawak nito. At mabilis na siyang lumabas. Pagkasara ng pintuan ay ramdam niya ang pagbilis nang t***k ng puso niya pero mabilis niya itong ipinagsawalang bahala. Bumaba siya kahit wala naman talaga siyang kukunin o gagawin, gusto niya lang makaiwas kay Damien. Ilang minuto lang ay narinig niya ang iyak ng anak niya pero bigla rin itong tumigil. Nang bumalik sa kwarto ay nagulat siya sa nadatnan. Kalong-kalong ni Damien ang anak nila at masayang kinakausap, para naman itong naiintindihan ng anak dahil nakikita niya ang pag ngiti nito. "I'm your daddy, I love you so much son" At hinalikan ito sa may noo. Kung sana ay mahal din siya ni Damien ay magiging mas masaya sana at buo ang pamilya nila. Ilang sandali lang ay nakatulog an

