bc

OBSESSION SERIES 1: Gal Gustav

book_age18+
354
FOLLOW
1.7K
READ
billionaire
revenge
one-night stand
HE
dominant
blue collar
drama
bxg
small town
addiction
like
intro-logo
Blurb

Gal Gustav, iginagalang at kinagigiliwan ng lahat ngunit sa kabila niyon ay may nakatagong sikreto sa kaniyang pagkatao.Freya Gozales-she vowed to make Gal Gustav fall for her... to get her revenge.Will Freya be able to grant her forgiveness to Gal, if she discovers they are both victims from yesterday’s past?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Love at first sight
“Tulungan ang mga mahihirap at iahon sa kahirapan!” sigaw ng spokesman ni Gal mula sa mikropono na nakatayo sa gitna ng entablado. Pahapyaw na napangiti naman ang binatang konsehal saka kumampanteng dumekwatro mula sa upuang kanyang kinauupuan at katabi niya ang iba pang mga kandidatong kinabibilangan. “Ilagay sa inyong balota! Gal Gustav, numero uno sa pagka-konsehal!” patuloy nitong pahayag. Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga nanunuod kung kaya’t may ngiti sa labing tumayo si Gal, itinaas niya ang kanyang kanang kamay para iwagayway iyon. Humakbang siya't tumungo sa harap upang pormal na ipakilala ang sarili. “Nakakataba talaga nang puso, nagpapasalamat ako at nasisiyahan din ngayon dahil, sa walang sawang pagsuporta ninyo,” simula niya, dahilan para humiyaw na naman ang ilan at muling nagpalakpak, katibayan na sila’y natutuwa. “Hindi ako perpektong tao pero iisa lamang ang maipapangako ko sa inyo. Lahat ng inyong hinanaing ay tutuparin ko sa abot ng aking makakaya. Lubos akong nagpapasalamat sa pagtiwala ninyo, kaya sana huwag ninyong pakakalimutan---’’ “Gal Gustav! Iboto pagkakonsehal at ilagay sa inyong balota, numero uno! Salamat at magandang araw sa inyo!” mabahang wika niya saka matamis na ngumiti. Nakangiti niyang ibinalik sa emcee ang hawak na mikropono habang patuloy lamang sa pagpalakpak ang mga tao. Bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan at pag-asang maisasa-katuparan ang kanilang nais. SINUNDAN ni Miggy nang pag-iling at pag-ikot ng kanyang mga mata, pagkatapos magsalita ng unang tatakbo bilang konsehal sa kanilang bayan bagay na ikinatitig sa kaniya ng nobyo niyang si Jared. “Nakabusangot na naman ang mukha ng baby ko. May problema ba, ha?” pilyong tanong nito sabay kabig sa kaniya para ilapit siya at ikulong sa bisig nito. “Wala! Naiinis lang ako sa pagmumukha nang Gustav, na ‘yun. Tch! Sa pagmumukha pa lang, alam na alam mong hindi gagawa nang matino. Paano kaya nila nagugustuhan ang isang ‘yan?” naningkit ang mga mata niyang sabi. “Naku! I’m so sure. Isa din siya sa mga kurakot sa politiko. Nagpapalinis masyado!” dugtong pa niya. Naiiling na lamang si Jared sabay ngiti nito. Hinalikan nito sa tuktok ng kanyang ulo ang dalaga. “Masyado ka namang high blood diyan. Halika nga rito! Magseselos ako niyan ah, dapat kasi sa ‘kin ka lang titingin e. Huwag sa Gustav na ‘yun, basagin ko mukha nun, kita mo!” pabirong sabi nito bagay na ikinalawak nang ngiti ng dalaga. Hindi na rin napigilan ni Miggy ang pagtawa niya nang mahina saka niya pinisil ang ilong ng nobyo at kinurot ang pisngi nito. “Tse! Bolero. Gawin mo kung kaya mo. Baka isang pitik ka lang nun e,” natatawang sabi nito. “Malakas ako nuh! Nag gi-gym kaya ako araw-araw. Gusto mo, ipakita ko sayo kung ilan na?” nakangising nakakalokong wika ni Jared saka sumeryoso ang mukha nito sabay inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ng dalaga saka ningitian ito nang napakalawak. “Gag*! Oo na. Subukan mong ipakita ‘yan. Ikaw ang babasagin ko ng mukha,” pairap at nakangiting babala ng dalaga. Natawa nang mahina si Jared saka inakbayan ang dalaga at bumulong rito. “Ang ganda mo kahit, masungit ka,” Bumungisngis si Miggy sa ibinulong nito bagay na ikinangiti ni Jared at bahagyang naikagat ang ibabang labi. WHILE Gal's eyes were focused on the two lovers. He admit it, but the girl with a sweet smile was distracting him. Ang maamo nitong mukha at nakakabighaning ganda ay hindi nakaligtas sa kaniya. He cleared his throat and clenched his jaw, pasimple niyang inayos ang colar ng kanyang suot na simpleng kulay Navy Blue T-shirt. Nagtagis ang bagang niya nang sinundan niya ng tingin ang dalawa dahil, nakaramdam siya nang pagkairita sa hindi malamang dahilan. He’s obsessed, at hindi niya maitatanggi iyon sa sarili. Tila para siyang nanaginip nang gising at nagsimulang lumakbay sa malilikot niyang isipan ang imahe ng dalagita. “D*mn! Stop it!” he was curse to himself and forcefully resisted his demonic mind. He tried to calmed and distracting himself from staring at her. Namamawis ang noo niyang inayos ang pag-upo. Laking pasasalamat na lamang niya dahil lumayo ang dalawa at nawala sa kaniyang paningin. “D*mn! D*mn!” muli niyang naimura sa kaniyang isipan at naipikit nang mariin ang kaniyang mga mata. Before he can't help it, awtomatiko niyang iminulat ang kanyang mga mata saka iniwas ang tingin. Hindi niya mapigilan ang pagtakbo ng kanyang isipan sa mga sandaling matitigan niya ang dalagitang may magandang mga mata kaya, nawala sa kanyang isipan ang sumunod na gagawin sa entablado. Ang pananahimik niya ay napansin iyon ng kaniyang alalay na si Mang Canor, bahagya itong lumapit sa kinauupuan niya saka bumulong. “Mr. Gustav! Tayo na ho,” pabulong ani sa kaniya ni Mang Canor. “H-ha?” tila wala sa sariling naitugon niya. “Kanina pa po tapos ang lahat, maliban sayo dahil ikaw na lang ang hinihintay. Samahan niyo po sila sa harap at pormal na magpaalam,” mahinang bulong ulit ni Mang Canor. Pasimpleng huminga nang malalim si Gal, bago tumayo at dala nito sa labi ang pekeng ngiti. MATAPOS ang campaign ni Gal ay nagpasya na itong umuwi. Sumulyap si Mang Canor mula sa front mirror, ang kanina pang tahimik na binata ay kabakasan ng paglalakbay ng diwa bagay na ikinatikhim ni Mang Canor dahilan niyon para matauhan ang binata mula sa malalim na pag-iisip. “Mukhang malalim yata ang iniisip natin, Senyorito ah? Nabibigatan ka ba sa mga ipinangako mo kanina lang?” nakangising tanong nito bagay na ikanasama ng mukha ni Gal. Kunot-noong sumagot ito sa habang sa labas nakatingin. “Tch! I'm not, Mang Canor. Hindi pa ako ganun kasama para hindi tuparin ang ipinangako ko. I'm Gustav and you know what my rule,” seryoso ang tonong naisagot ni Gal. “Ay! Kung ganun! Aba’y bakit ganyan kalayo ang tingin mo? May gumugulo ba sa isipan mo?’’ pag usisa’t nag-aalalang wika ni Mang Canor. Bumuntonghininga si Gal sabay ayos nito nang upo at sumeryoso ang mukhang tumingin. “By the way, have you notice the girl in red t-shirt while ago, Mang Canor? She wear jeans and red t-shirt with a big ID. Sa pagkakaalam ko, isa sa mga pole watcher. Nasa bandang gate ng gym siya kanina nakatayo at may kasamang lalaki. I think they’re in both 18 years old,” pag-memorise niya bagay na ikinabahagyang ikanalingon ni Mang Canor bago inihinto ang minamanehong sasakyan. “Grabe! Magaling ka palang mag-memorise ah, akalain mo ’yun?” biglang paghanga nitong wika at napangiti nang malapad. Sumeryoso ang mukha ni Gal kung kaya’t natahimik na rin si Mang Canor. “Just answer me if you notice her or not,” nagtitimping tanong nito. “Ah, eh. . . ang totoo niyan---” nahintong sagot ni Mang Canor nang magkasunod-sunod na tunog ng cellphone ni Gal ang nag-ingay at pagsilip nito sa screen display, si Ralph Sebastian ang tumatawag, ang kasosyo ni Gal sa mga negosyong ilegal. Kunot-noo, hindi binigyan pansin ni Gal ang tumutunog na cellphone, hinayaan niya ito hanggang sa tumigil kakatunog. Sumeryosong muli ang kaniyang mga mata nang balingan niya ng titig ang matanda. “Find her for me, Mang Canor. And don’t you dare dis-obey me,” seryoso ang mukhang utos nito bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Sige na, ako na ang magmamaneho pauwi---’’ paghinto niya sabay kuha sa puting sobre na naglalaman nang malaking halaga ng pera at iniabot iyon kay Mang Canor. “Take this, and gave it to her. Kailangan, bukas nasa bahay ka na at kasama siya,” dugtong nitong utos. Literal na napanganga si Mang Canor bago nalipat ang kaniyang paningin sa makapal na sobreng hawak ng binata bago lumunok ng laway. “Pe-pero senyorito, imposibleng mangyari ang gusto mo,” nauutal sambit nito at wala na rin nagawa kundi ang bumaba nang sasakyan matapos siyang titigan ni Gal nang pagka-seryoso. Kilala niya ito kung paano ito tumitig. Alam niyang oras na susuway siya rito ay tiyak niyang may paglalagyan siya. “Dios mio naman! Aanhin ko ito?” naisaloob na lamang niya pagkatapos niyang matitigan ang sobreng hawak-hawak. Ngumisi sa kaniya ang binata bago nito binuhay ang makina ng kaniyang sasakyan. “Maghihintay ako sayo sa bahay, Mang Canor. Just make it sure na mapapayag mo siya. It’s a simple invitation. Make it soft and don’t force her. . .kaya mo ‘yan,” nakangiting sabi ni Gal na ikinakamot na lamang niya sa batok. “Naloko na! Napaka-obsessed mo naman Gal. Pati bata kapag nagustuhan, naku! walang imposible. Mapapahamak ako sayong bata ka!” naiinis niyang sabi habang kausap ang sarili saka nilakad pabalik ang daanang pabalik ng San Joaquin kung saan nakatira doon ang pamilya ni Miggy, ang dalagitang tinutukoy ni Gal. Kakilala niya ang dalagita dahil taga-roon din siya at inaanak naman niya si Jared na nobyo ng dalagang si Miggy. Siya ang dahilan kung kaya’t naipasok bilang pole watcher si Miggy. “Si Miggy pa ei, may nobyo na iyong bata. Ang hirap naman nito. Sus! na lang!” napapitik sa noo niyang naisambit at nagpatuloy sa paghakbang. NAHINTO mula sa kaniyang paghakbang si Mang Canor nang mapansin niya ang mga maskuladong kalalakihan sa tabi ng daan. Hindi rin masyadong mapapansin ang kanilang kinalalagyan dahil walang ilaw ang parteng bahaging iyon. Sandali siyang kumubli sa isang malaking punong-kahoy at pinilit kinilala ang mga ito. Ganun na lamang ang pagkunot-noo niya nang makita niya ang pamilyar na mukha. Si Ralph. “Ano kaya ang ginagawa rito ng taong ‘to? Hindi ba’t siya ang tumawag kay Gal kanina?” nagtataka niyang naitanong sa kanyang isipan. Bigla siyang kinutuban sa lalaki. Kung kaya’t mabilis niyang kinapa ang kanyang cellphone sa bulsa niya at dali-daling dina-ial ang numero ni Gal. Tensyon at pag-aalala ang nadarama nito para kay Gal sa mga oras na ‘yun dahil, nasisiguro niyang may binabalak na masama si Ralph, laban sa binata. “Hay naku! Sagutin mo naman. Ano na naman ba pinagkakaabalahan mo ngayon, Gal?” naisatinig niya at hindi tinigilan ang pagkontak sa binata. Tila sinilihan ang pwet ni Mang Canor, sa kagustuhang makausap kaagad si Gal. Subalit, kailangan niya rin makita si Miggy dahil, baka mapatay pa siya ni Gal, kapag sumuway siya sa kagustuhan nito. Naguguluhan tuloy siya at isang pasya ang nabuo sa kanyang isipan. “Bahala na nga si batman, si Miggy muna pupuntahan ko,” pasya niya at nagtuloy sa paghakbang sabay 'on' niya sa GPS monitor ng kanyang cellphone. KASALUKUYANG naghaharutan ang dalawang magkasintahan at hindi maiwasang tumawa nang malakas ni Miggy sa simpleng kuwento ng nobyo nitong si Jared. Tungkol sa pagong at kuneho ang kuwento nito. Mababaw lamang ang kaligayahan ng dalaga kung kaya ganun kalakas ang epekto ng kuwento sa kanya. “Grabe ka! Naiiyak ako sa sobrang tawa. Ganun ba ang nangyari, iyong pagong talaga ang nanalo?” tawang-tawang wika niya na ikinabungisngis ni Jared saka tumango. “Oo nga! Alam mo ba kung saan ko ’yun nalaman?” nakangising wika ni Jared na ikinatitig rito ni Miggy. “Saan nga ba?” kuryusidad nitong tanong. “Hehe, sa libro. Sa libro ko kasi nabasa. HAHA!” tawang-tawang sagot ni Jared na ikinairap ni Miggy nang matindi. “Pfft! Shunga! Haha. Tara na nga, Gabi na oh!” tawang sambit nito. Magkahawak kamay silang dalawa habang tinatahak ang madilim na parteng bahaging pauwi ng San Joaquin. Matagal na silang magkasintahan mula pa grade 6 hanggang sa sabay silang ga-graduate nang Senior High. “Dala mo ba ’yung cellphone mo? Baka hinahanap kana ni Tita. Magalit pa ’yun sa ’kin,” nakangusong sabi ni Miggy bagay na ikinangiti naman ng binata. “Opo! Huwag kang mag-aalala, legal naman tayo sa mga mata nila, kaya don’t worry. Hindi sila maghahanap kasi alam nilang ikaw ang kasama ko,” nakangiting saad ni Jared nang matitigan ang dalaga at bahagyang kinurot nang mahina ang magkabilang pisngi nito. Ngunit, bago pa man makahakbang si Jared ay may kung anong tumama sa kaniyang likuran bagay na ikinabagsak nito sa lupa. Nagulat at nanlaki ang mga matang sisigaw na sana si Miggy ngunit, hindi nito nagawa dahil, may humatak sa kanya at tinakpan ng puting panyo ang kaniyang ilong at bibig. Nagpupumiglas si Miggy, pero sadyang malakas ang taong may hawak sa kanya hanggang sa paunti-unting nanlabo ang kaniyang paningin bagay na ikanawalan niya nang lakas. Habang duguan naman ang ulong pinilit bumangon ni Jared, ngunit malakas ang hatak nang antok at dilim sa kanya kung kaya't napapikit siya ng kaniyang mga mata at tanging nagawa na lamang niya ay pagmasdan ang nobyang karga ng lalaking may mala-demonyong ngiting tumitig pa muna sa kaniya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook