Every inch and every touch. Gal's heartbeat began to bump out. Parang gusto niyang ikulong sa kaniyang mga bisig ang dalaga nang wala nang magtatangkang agawin ito mula sa kaniya. Mali man at hindi tama ang naiisip niya pero iyon ang tumatakbo sa isipan niya. At gusto niyang maranasan ang umibig at ibigin. Ang magpakabaliw din dahil, sa pag-ibig ay handang-handa siya. “You're smiling, Mr. Gustav?” untag rito ni Freya dahil, sa hindi na maalis sa labi ng binata ang ngiti nito. “I'm just happy. Bawal ba ’yun?” nakangiting pahayag ni Gal at saglit na tinapunan ng tingin ang dalagang nakatabi habang nakatuon ang paningin nito sa daan dahil, abala sa pagmamaneho. “Nah! Hiindi naman,” ani Freya habang palihim na ngumiwi't umikot ang kaniyang mga mata. Naiilang kasi siya sa totoo lamang. Ki

