NAKANGISING hiniwa ni Sabel ang mansanas nang humakbang ito palapit kay Freya habang nakasilay sa labi ang pilyang ngiti. Pumwesto ito ng upo sa isang bakanteng upuan sabay dumekwatro ng upo. “Tagumpay ba ang plano, Frey?” usisa nito. Isang ngising tagumpay naman ang itinugon sa kaniya ni Freya. “Unti-unting naayon sa plano ko ang nangyayari, Sab. Ang Leon na ang mismong lumapit sa bitag niya!” “That's good, then! Mas lalong mainam dahil, mapadali ang lahat. Kailan mo ba balak simulan ang susunod na plano?” usisa nito bago tumayo mula sa kinauupuan at sabay kagat sa binalatan nitong mansanas. Isang simpleng titig ang ibinigay ni Freya saka sumilay sa labi ang malademonyang ngiti. “At the Celebdation party, I guess?” “If that so, nandito lang ako. Suportado ako sa lakad mo,” ani Sabe

