"Ma'am..." umiiyak na si Arwana. "I swear... I followed the dosage written on the vial..." "Dosage?" Naningkit ang mga mata ni Marika. "Anong dosage ang sinasabi mo?" Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan. Doon lamang tila napagtanto ni Arwana ang sinabi niya. "M-Ma'am..." nanlamig ang mukha ni Marika. "Who gave you the vial?" Hindi agad nakasagot si Arwana. "Answer me!" "Ma'am... the man said he was sent by your people." Parang may kung anong kumislot sa dibdib ni Marika. "Ano'ng pangalan?" "Hindi ko po alam. Naka-face mask po siya. Sinabi niyang iyon na raw ang tamang vial..." Unti-unting nanlamig ang buong katawan ni Marika. Ibig sabihin... may ibang taong nakialam. May taong gumulo sa plano niya. At ang taong iyon... posibleng sadyang gustong mamatay si Astrid. Mahigpit n

