"Lumayas ka. Hindi na kita anak." Napapikit ako. Hindi... heto na naman… bakit naririto na naman ako sa ganitong sitwasyon? Ayaw ko na... Ayoko nang maranasan ulit iyon. Unti-unti akong napaluhod sa sahig. Parang nawalan ng lakas ang mga binti ko. "Please..." humihikbi akong tumingala sa mga pulis. Please po... pakinggan niyo muna ako. Wala akong kasalanan..." Nanginginig ang mga kamay kong pinagdikit ko sa harapan nila. "Hindi ko kayang saktan si Astrid. Please... maniwala kayo sa akin..." Ngunit ang tanging isinagot ng imbestigador ay isang mabigat na buntong-hininga. "Miss Elizabeth, everything you say will be included in your statement. Pero kailangan po naming sundin ang proseso." Proseso. Napapikit ako. Ganiyan din ang sinabi ng mga tao noon. "Hayaan mong matapos ang imbesti

