Mahigpit iyon na tila doon ako kumukuha ng kailangan kong lakas. Parang kailangan ko ng isang bagay na masasandalan. Hindi siya nagsalita. Hinayaan niya akong umiyak. Hanggang sa tuluyan akong mapagod. Nang marahan kong ipinatong ang ulo ko sa balikat niya, saka lamang niya banayad na hinaplos ang buhok ko. "I'm here." Dalawang salita lang ang inusal niya pero sapat na iyon sa akin. Napapikit ako. Mas lalo kong naramdaman ang isang bagay na pilit kong iniiwasan nitong mga nakaraang araw. Ngayon, sa bawat pagkakataong kailangan ko ng masasandalan... si Glenville ang laging nandoon. Hindi ko na alam kung gaano katagal akong umiyak. Parang naubusan na ako ng luha, pero patuloy pa rin ang pagbigat ng dibdib ko. Ilang beses kong pinahid ang pisngi ko gamit ang mga daliri ko bago ako tuluya

