“SOL?” Tila napako sa kinatatayuan niya si Soledad nang bumungad sa kanya ang presensya ng napakaguwapo nilang gobernador. Kuwarenta anyos na ito pero parang kahit na sinong babae ang makakakita sa kanya ay siguradong mahuhulog hindi lang ang panty, pati na rin ang puso sa gobernador. Ibang-iba ang karisma nito kapag natitigan na sa mata. Subalit ipinangako ni Soledad sa kaniyang sarili na kahit na anong mangyari ay iiwasan na niya si Governor Elizalde. Ayaw na niyang magkaroon ng kahit katiting man lang na ugnayan dito lalo pa't balak na niyang tanggapin ang trabahong inalok sa kanya ng asawa nito. Pero sinasadya yata ng tadhana na pagtagpuin sila at magkausap. Alam naman niyang kahit anong iwas ang gawin niya sa guwapong gobernador ay hindi siya makakaiwas dito. Masyadong maliit ang m

