bc

Governor's Obsession

book_age18+
987
FOLLOW
9.4K
READ
BE
age gap
sweet
bxg
mystery
loser
office/work place
kingdom building
like
intro-logo
Blurb

Being in 40’s, everyone could say that Governor Elizalde is one of the most trusted public-servants of Sta. Cecilia. Mabait ang gobernador sa kanyang nasasakupan lalong-lalo na sa mga kapus-palad. Hindi rin niya hinahayaaang may maapi sa mga taong naninirahan sa Sta. Cecilia. Mabait na asawa at ama ang nasabing gobernador na hinahangaan ng lahat. Maraming gustong sumuporta sa kanya sa kanyang karera bilang tagpaglingkod ng bayan. Sa kanyang pamamalakad bilang gobernador, nakilala niya si Soledad, isang dalagang labis siyang hinahangaan. Isa sa mga volunteer-workers ng bayan na madalas din niyang makasama tuwing may charity event sa kanilang bayan.

Magkalayo man ang edad ay hindi nila napigilan ang sariling mahulog sa isa't isa. Ngunit tadhana ang kalaban nila sa bawal na pag-ibig. Ano kaya ang mas magiging matimbang sa dalawa: ang kanilang pagmamahalan o ang karera at dignidad na kanilang pinanghahawakan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“GOOD evening, Governor Elizalde. It’s a pleasure to meet you.” Iyon ang madalas na nariririnig ng kuwarenta-anyos na gobernador ng Sta. Cecilia na si Governor Benjamin Elizalde sa tuwing dadalaw siya sa mga karatig bayan upang makipag-ugnayan sa mga kapwa niya gobernador. Sa tikas at tindig ng gobernador, hindi mapagkakailang may taglay pa rin siyang kaguwapuhan kaya kahit may asawa at anak na siya ay marami pa ring nahuhumaling sa kanya at hiniling na sana’y sila na lang ang naging may-bahay nito. “Thank you, Governor Santiago.” Kinamayan niya ang kapwa gobernador at pagkatapos ay sinuotan siya ng kuwintas na gawa sa Sampaguita bilang pagsalubong sa kanyang pagdating. Hindi rin siya nakaligtas sa kabi-kabilang pagkuha ng litrato ng mga reporter na nakapalibot sa kanila. Tila ba isang celebrity ang turing kay Benjamin noong mga oras na iyon. Hindi rin siya nakaligtas sa mga tanong sa kanya tungkol sa politika. Pero ayaw niyang mabahiran ng politika ang mahalagang okasyon na iyon ng bayan ng Sta. Monica kaya minabuti niyang iwasan ang mga tanong ng mga mamamahayag. “This way, Gov.” Sinundan niya lang ang kapwa gobernador at pinaupo siya sa isang stool. Naimbitahan siya bilang isa sa mga judges ng isang beauty pageant ng Sta. Monica. Dahil malapit naman sa kanya si Governor Santiago ay hindi siya nagdalawang-isip na pagbigyan ito. Isa pa, may iba pang layunin si Benjamin kung bakit siya nasa Sta. Monica: iyon ay para magkaroon ng magandang ugnayan ang bayan ng Sta. Monica at Sta. Cecilia. Nang magsimula na ang programa ay isa-isang ipinakilala ang mga judges ng nasabing beauty pageant. Siyempre, kahuli-hulihang ipinakilala si Governor Elizalde. “We also like to welcome the governor of Sta. Cecilia as one of our judges. Please welcome, Governor Benjamin Elizalde!” anunsyo ng host ng nasabing programa at hindi magkamayaw ang mga tao sa pagpalakpak nang tumayo siya at kumaway sa madla. Inanyayahan siyang mag-speech sana pero hiniling niya sa mga organizers na huwag na lang dahil ayaw niyang mabahiran ng ibang kulay ang pagtitipon na iyon. Alam nmana niyang para sa mga taga-Sta. Monica ang pagdiriwang at hindi para sa kanilang nasa puwesto kaya hindi na niya sinira pa kung ano ang nasa program na dapat sundin. Nakita niya ang naggagandang mga kandidata ng Sta. Monica subalit wala sa isipan niya ang makipagkilala kahit isa sa mga ito. Nakatatak na rin sa isipan niya na may pamilya na siya at may pinangangalagaang pangalan kaya iwas siya sa mga bagay na maaaring maging mitsa ng maling haka-haka ng mga tao sa paligid tungkol sa kanya. Habang nasa kalagitnaan ng programa ay nakaramdam si Benjamin na kailangan niyang magbanyo. Kaagad siyang tumayo at lumapit sa organizer para magpaalam. “Miss, saan ba rito ang banyo?” tanong niya sa kausap na organizer. “Gov., kaliwa lang po kayo doon tapos makikita n’yo na ang men’s room,” wika ng organizer habang itinuturo ang daan kung saan niya makikita ang banyo. “Salamat.” Tumalima siya at agad na tinungo ang banyo. Ngunit habang binabagtas niya ang hallway patungo sa men’s room ay hindi niya sinasadyang matabig ang kasalubong. Hindi niya napansin ito dahil hawak niya ang phone niya habang naglalakad. Natapon ang bote ng tubig na hawak ng babae sa kanyang suot na puting T-shirt. Medyo manipis iyon kaya nang mabasa iyon ng tubig ay lumitaw ang malapad niyang dibdib at ang nagsusumigaw niyang abs. “S-Sorry po.” Nanginginig ang babaeng humingi ng paumanhin sa kanya. Pero teka? Babae? Doon niya napagtanto na ang nakatabig sa kanya at hindi sinasadyang mabasa ang kanyang suot ay babae pala. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang paningin at nakita ang dalaga na tila takot na takot sa nangyari. Nakaramdam siya ng awa dahil sa mga mata ng babae na tila ba naluluha na sa kaba. “Okay lang, miss. May suot naman ako leather-jacket. Hindi na mahahalata ito,” mahinahon niyang sambit sa nakakaawang dalaga. “Governor, kayo po pala. Pasensya na po talaga. Hindi ko po kasi kayo napansing di—” “No. Don’t worry. Ako itong hindi tumitingin sa dinaraanan kaya ako dapat ang humingi ng pasensya,” agad niyang wika sa babaeng nakabanggaan. “Pero, Gov., sorry po talaga.” Gumuhit sa mukha ng dalaga ang kalungkutan. “Papalitan ko na lang poi yang suot ninyo para makabawi ako. May dala naman akong extra sa bag ko. Kung gusto n’yo po, lalabhan ko na lang iyang suot ninyo. Huwag kayong mag-alala, iingatan ko po iyan,” sambit ng babaeng kausap niya. Napaisip si Benjamin sa alok na iyon ng babae, wala naman sigurong mawawala kung sakaling pumayag siya sa gusto nitong mangyari. Isa pa, nadumihan na rin ang suot niya kaya kailangan na rin niyang magpalit. Hindi naman niya maisara ang suot niyang leather-jacket dahil sa init ng panahon. Kung bakit kasi ganoon pa ang naisip niyang suotin? Akala kasi niya ay malamig ang stadium ng Sta. Monica kaya nagdoble siya ng leather-jacket. “Sige na nga. Saan ba ako puwedeng magpalit?” tanong niya sa dalaga. “Sumunod na lang po kayo sa akin.” Nakangiti na ang babae nang magtagpo ang kanilang mga mata. Doon niya napansin ang ganda ng ngiti nito at hindi mapagkakailang may taglay din itong alindog dahil sa fit nitong red-shirt na kitang-kita ang hubog ng katawan. Hindi napigilan ni Benjamin na mapahanga sa taglay na kagandahan ng dalaga. Ngunit wala sa plano niyang makipagkilala sa babaeng iyon. Kung hindi lang dahil kailangan ay tatanggihan na sana niya ang alok nito. Ngunit wala rin namang masama kung sakaling makipagkaibigan siya sa mga taong naninirahan sa Sta. Monica. Hindi naman siguro iyon magiging issue kung sakali dahil alam ng lahat na pamilyadong tao siya. Pumunta sila sa isang kuwarto na madaming upuan at lumapit sa isang mesa. Tingin niya ay isang meeting room iyon ng mga opisyal ng barangay. Hinalungkat ng babae ang bag at kinuha ang isang damit bago ibinigay sa kanya. “Sana po, magkasya sa inyo.” Inabot naman niya iyon at sinuri muna kung tama ba ang size. Kulay pink ang T-shirt na iyon pero hindi siya nangiming suotin. Kaagad niyang hinubad ang suot na damit at tumambad sa harapan ng babae ang kabuoan ng kanyang katawan. Napansin niyang napalunok ang babae at medyo namula ito. Sino ba namang hindi maglalaway sa taglay na ganda ng katawan ni Benjamin. Buong-buo ang mga muscles niya at malapad na dibdib. Maging ang six-pack abs niya ay tila ba batong pinagpatong-patong sa kanyang kalamnan. Nang maisuot naman niya ang ibinigay na damit ng babae ay saka lamang ito iniwas ang tingin sa kanya. Pakunwari pa nitong ibinaling ang paningin sa bag at umaktong may inaayos sa loob. Napangisi na lang si Benjamin sa babaeng hindi na siya magawang tingnan sa mga mata. “Here’s my shirt. Sabi mo, lalabhan mo iyan, ‘di ba?” aniya sa babae sabay abot ng damit na hinubad. “Y-Yes, Gov.!” Iwas pa rin ang tinging kinuha ng babae ang inabot niyang puting kamiseta. “By the way, what’s your name again?” tanong niya. “Soledad po. Soledad Francisco.” Ang luma namang pangalan. Benjamin chuckled as he heard her name. Sa panahon ngayon, may ganoon pa palang pangalan? “Nice to meet you, Soledad.” Iginiya niya ang kanyang kamay sapat lamang para mapansin iyon ng dalagang kanina pa siya iniiwasan ng tingin. “Nice to meet you, too, Governor,” wika nito sabay abot sa kanyang kamay ngunit hindi pa rin lumilingon sa kanya. “Anyway, I have to go. Baka hinahanap na ako sa event,” paalam niya sa dalaga bago umalis. Hindi niya maiwasang mapangiti sa naging reaksyon ng babae kanina nang maghubad siya sa harap nito. Hindi naman niya intensyon na akitin ang babae pero dahil sa malikot niyang isipan ay hindi niya naiwasang gumawa ng bagay na nakatutuwa paminsan-minsan. Pero kahit ganoon siya kapilyo ay nag-iingat pa rin siya sa mga bagay na maaaring makasira sa kanyang pangalan. Mabuti na nga lang at walang nakasunod sa kanila nang puntahan nila ang silid na iyon. “Oh, saan ka galing. Bakit parang nagpalit ka ng damit?” tanong sa kanya ng gobernador ng Sta. Cecilia nang umupo siya sa judges’ area. “Nabasa kasi ang damit ko, pare. Nagpalit lang ako.” “Kulay pink pa talaga, ha?” mapanuksong wika ni Governor Santiago sa kanya. Napailing na lang ito sa nakitang damit na suot niya. “Why? What’s wrong with the color pink?” tanong niya sa kaibigang gobernador. “Nothing. It’s just something unusual for the man like you wearing that kind of color.” “Bakit? Babae lang ba ang may karapatang magsuot ng pink?” depensa ni Benjamin. Alam kasi niya ang nasa utak ng kaibigan sa mga oras na iyon. “Wala akong sinabing ganyan, ha? Anyway, may party mamaya sa bahay. You want to join us?” anyaya ni Governor Santiago sa kanya. “Naku, pare. Mukhang malabo. I have constituent meeting tomorrow morning. Hindi ako puwedeng mawala roon. Isa pa, naghihintay ang misis ko sa bahay.” Alam kasi niyang inuman na naman ang kahihinatnan ng sinasabi ng kaibigang ‘party’. Gustohin man niya ay hindi puwede dahil sa patong-patong na trabaho sa legislative office. “Ganoon ba? Hindi bale, next time, huwag ka nang mawawala, ha?” Nagkibit-balikat si Benjamin. “Let me see. Alam mo naman sa trabaho natin, maraming umaasa kaya dapat kumilos tayo.” “Kung sa bagay.” Napabuntong-hininga na lang si Governor Santiago sa mga sinabi niya. Nagawi naman ang paningin niya sa mga taong nanonood at napansin niyang nakatingin sa kanya ang babaeng nakabangga niya kanina. Nginitian niya iyon at tinanguan. The lady smiled back at him before she left. Hindi na tuloy mawala sa isipan ni Benjamin ang ngiti ng dalaga. He was curious about that lady and he couldn’t help but to know about her. Muli siyang napaingon sa kaibigan. “Pare, do you know a girl named Soledad Francisco?” he asked. “Soledad Francisco?” tanong din ang ibinalik ni Governor Santiago. Nag-iisip ito sa pangalang binanggit niya pero mukhang wala siyang mahihita. “Wala naman, pare. Bakit?” “Ah, wala. May kaibigan kasi akong pinapahanap siya. Ang sabi, dito raw sa Sta. Monica nakatira,” pagsisinungaling niya. “Ah, ganoon ba? Sige, hayaan mo at ipagtatanong ko sa mga tauhan ko kung may kakilala silang Soledad Francisco.” “Salamat.” Ang gabing iyon na yata ang gabing hindi niya makalilimutan. Sa tanang buhay niya, doon pa lamang siya nakaramdam ng pagkasabik na makilala ang isang tao at babae pa talaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNCLE'S VIRGIN B*TCH (SPG)

read
211.5K
bc

The Two Gays Who Stabbed My Rose (S.I.O #2)

read
58.0K
bc

Wild Night Trilogy 1: CALIX DE VERA (One Hot Night With My Hot Neighbor)

read
24.3K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.4K
bc

HAYOK SA LAMAN - SPG

read
48.2K
bc

Until Our Lust Breathes (Seven Deadly Sins)

read
25.3K
bc

My Sweet, My Love Ninong(Spg)

read
94.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook