Chapter 2

2174 Words
NAIWANG tulala si Soledad sa kuwarto nang lumabas si Governor Elizalde. It was her first time to meet that kind of man. Hindi niya alam kung ano’ng magiging reaction niya nang makita ang hubad na katawan ng gobernador sa harap niya. She couldn’t deny the fact that the governor was still had that kind of body at his age. Inaamin ni Soledad sa sarili na minsan na rin niyang inasam na makilala sa personal ang gobernador ng Sta. Cecilia pero masyado pa siyang bata noon at nag-aaral pa lamang kaya wala siyang pagkakataon na malapitan ito o makadaupang-palad man lang. Isa pa, napakalayo ng edad nila sa isa’t isa. Sa pagkakaalam niya ay nasa forty-three ang gobernador habang siya naman ay nasa mid-20’s pa lamang. Hindi naman niya inakala na sa Sta. Monica pa sila magkakakilala at sa maling sitwasyon pa. Habang lutang pa rin ang isipan niya ay hindi niya namalayan ang pagdating ng kanyang kaibigan na si Julieth. “Haay… nako! Ang daming tao sa labas! Nakaka-stress! Bakla, kumain ka na ba?” tanong nito sa kanya pero wala siyang naging sagot. Paano’y nasa isip pa rin niya kung gaano kaganda ang kaatawan ng gobernador nang maghubad ito sa harap niya. “Hoy, bakla!” Doon pa lamang siya nakabalik sa ulirat nang marinig ang nakaririnding boses ng kaibigan. “Ay, bakla!” Gulat ang reaksyon niyang napatingin sa kaibigan. “Ano ba? Aatakihin naman ako sa iyo, eh!” inis na dugtong niya kay Julieth. “Ay. . . lutang yarn? Kanina pa akong nagsasalita rito pero parang hangin ang kausap ko. Anyare, teh?” usisa ng kaibigan sa kanya. “Wala. May iniisip lang ako,” pagsisinungaling ni Soledad. “Ah, talaga ba?” Kaagad napansin ni Juliet hang hawak niyang puting kamiseta na kaagad nitong hinablot sa kanya. “Eh, kanino ito?” tanong niya hawak ang T-shirt. “Ano ba?! Akin na nga iyan! Pahablot din namang binawi ni Soledad ang T-shirt dito at isinilid sa bag niya. “Nako! May itinatago ka sa akin. Kanino ba kasing shirt iyong nakita ko. Mukhang damit ng lalaki iyon, ah! Huwag mo sabihing. . .” Napasinghap si Julieth at nanlaki ang mga mata matapos bitiwan ang mga salitang iyon na para bang may kung ano’ng lumikot sa isipan nito. “Hoy, Julieth! Mali ’yong iniisip mo. Walang ganoong nangyari sa amin ni Governor Elizalde!” Huli na nang mapagtanto niyang nasabi pala niya kung sino ang may-ari ng white T-shirt na kanina lamang ay pinag-aagawan nila. “Ano? Si Gov.?!” Bahagya pang lumapit si Julieth sa kanya na mas lalong naging curious kung bakit nga ba nasa kanya ang damit ng gobernador. “Ibig mong sabihin, kay Gov. Elizalde ang damit?! O to the M to the G!” eksaheradang wika nito sa nalaman. Paanong hindi mabibigla ang kaibigan, alam naman ni Julieth na matagal na niyang gusto si Governor Elizalde kaya ganoon na lamang kung mag-react si ang matalik niyang kaibigan. High school pa lamang ay lantaran na kung paano ibalandra ni Soledad kay Julieth ang paghanga nito sa governor ng Sta. Cecilia. May mga pagkakataong halos lahat ng speech nito sa iba’t ibang karatig barangay ay hinihila niya ang kaibigan para lang panoorin itong magsalita sa harap ng mga tao. Doon siya napahanga ni Governor Elizalde: sa kung paano siya magsalita sa harap ng karamihan at tumulong sa mga taong mas higit na nangangailangan lalo na sa mga naninirahan sa Sta. Cecilia. Pero nang mabalitaan niyang ikakasal na ito sa isang sikat na modelo ay labis siyang nanghinayang at kahit paano nama’y nasaktan. Pero sino nga ba siya noong mga panahon na iyon para pansinin ng isang Governor Elizalde? Isang simpleng mamamayan lang naman siya ng Sta. Cecilia na walang ginawa kundi ang sundan ang gobernador saan man ito magpunta. Kahit masakit sa kanya, nagawa niya noong dumalo sa kasal ng gobernador. Hindi rin niya alam kung ano’ng pumasok sa isipan niya noong mga panahon na iyon kaya siya dumalo sa kasal ng gobernador kahit alam niyang sa huli ay wala naman na talaga siyang magagawa. Pero heto ngayon si tadhana at parang pinagtatagpo talaga sila pero huli na ang lahat. May panghihinayang man ay hindi naman pumasok sa isipan ni Soledad na panghimasukan ang buhay ng gobernador at maging kerida nito. Alam niyang kahit kailan ay hindi pa nasangkot si Governor Elizalde sa mga issue ng pambabae hindi tulad ng ibang gobernador na halos lantaran ang pambabae. Kaya kahit gustohin ni Soledad na magkaroon sila ng koneksyon ay hindi puwede. What happened to them earlier would be the first and last encounter. At hindi na dapat masundan pa dahil kung sakali man ay baka hindi na niya mapigilan ang sarili. Hanggang ngayon kasi ay naroon pa rin ang paghanga niya sa gobernador at sa tingin niya ay hinding-hindi iyon mawawala kahit may asawa at anak na ito. “Hindi. Hindi puwedeng mangyari iyon.” Inalog-alog ni Soledad ang ulo na parang may tinatanggal sa kanyang isipan. “Ang OA mo naman, teh! Nakita mo lang ang ultimate crush mo, hindi na natahimik iyang kipay mo,” tukso ni Julieth bago siya nilapitan nito at bumulong, “Yummy ba si Gov.?” Nakangising tumingin ang kaibigan sa kanya. Kung tatanungin si Soledad, malamang ang sasabihin niya ay oo. Sino ba namang hindi mahuhumaling sa katawan tulad ng kay Governor Elizalde? Kahit yata binabae ay iaalay ang sarili nila sa gobernador matikman lang ang nakapanghihinang katawan nito. Nang makita niya nga iyon ay halos mag-init ang pisngi niya at pagpawisan nang malagkit dahil sa maskulado nitong katawan. Napaisip nga rin siya na napakasuwerte ng asawa nito dahil ganoong klase ng lalaki ang nakikita nito araw-araw at nakakasiping sa gabi. Kung siya lang sana ang nakatuluyan nito, malamang ay hindi lang isang anak ang maibibigay niya rito. Hindi rin siya magsasawang ibigay ang sarili sa gobernador kahit pa gabi-gabi silang magtalik. Pero ang lahat ng iyon ay pawang kathang-isip lamang sa kanya. Siyempre, kahit babae siya, hindi rin niya hahayang ibigay na lang basta ang iniingatan niya lalo pa sa lalaking may asawa. “Ano bang klaseng tanong iyan, Julieth?” iwas niya sa tanong ng kaibigan. “Ay, ang damot mag-share?! Para ka namang others!” Hindi na lang niya pinansin ang kaibigan at sinukbit ang maliit na backpack. “Kita na lang tayo bukas sa headquarters!” bilin niya kay Julieth bago lumabas ng silid. Narinig pa niyang tinawag siya ng kaibigan pero wala na siyang panahon para makipag-usap dito dahil kailangan na niyang umuwi. Naghihintay na kasi ang lola niya sa kanya sa bahay kaya hindi siya puwedeng abutin ng dilim sa daan dahil walang magbabanta sa kanyang lola. Bago siya makalabas ng stadium ng Sta. Monica kung saan ginaganap ang beauty pageant ay napatigil siya saglit sa upuan kung saan naroon si Governor. Hindi sinasadyang magtama ang kanilang mga mata nang mabaling sa kanya ang atensyon nito. Nakaramdam siya ng mabilis na pagtibok ng puso nang sandaling magsalubong ang tingin nila sa isa’t isa. Mas lalo pang nakaramdam ng kakaibang kiliti sa kalamnan si Soledad nang ngumiti si Governor Elizalde sa kanya. Ngingitian ko ba siya? Ang tanong na iyon ni Soledad sa sarili ay balewala dahil kusa ring umarko ang kanyang mga labi na para bang may sarili itong buhay. Pero saglit lang ang naging titigan nilang iyon dahil kaagad din itong kinalabit ni Governor Santiago kaya umalis na rin siya pagkatapos. Mahigit thirty-minutes na rin siyang naghihintay sa labas at nag-aabang ng jeep na masasakyan pero kahit isa sa mga dumaraang sasakyan ay walang nagpapasakay sa kanya; kung hindi puno ay pauwi na ang mga jeepney drivers dahil tapos na ang pasada nila. “Ano ba ’yan? Paano kaya ako makakauwo nito?” Walang siyang choice. Mukhang kailangan niyang maglakad para lang makarating sa sakayan. Kung sakali mang makarating siya roon ay baka wala na ring nakaparadang jeep dahil masyado nang gabi. Ilang metro din ang lalakbayin niya makarating lang doon kaya kailangan niyang tiisin ang pagod para lamang makauwi. Subalit sa kanyang paglalakad ay bigla siyang nakarinig ng busina ng isang sasakyan. Nang lumingon siya ay itim na kotse ang sa kanya ngayo’y papalapit. Hindi niya alam kung bakit panay ang busina nito pero nang tumigil ito sa tapat niya ay ganoon na lang ang kaba niya nang makita kung sino ang nagmamaneho ng sasakyan. Para bang slow-motion ang nangyari sa kanya nang bumaba ang bintan ng kotse ay tumambad sa kanyang harapan ang napakaguwapong nilalang. “Gov.?” Halos malaglag ang panga niya nang makita si Governor Elizalde. “Soledad? Bakit ka naglalakad? Baka kung mapaano ka. Sumabay ka na sa akin,” alok nito at binuksan ang pinto ng shotgun seat ng sasakyan. “N-Naku! Hindi na po. Kaya ko na po ang sarili ko. Isa pa, malapit na naman po ang sakayan dito kaya okay lang po,” pagtanggi niya. Gustohin man niyang makisabay ay nakakahiya sa gobernador. “Sige na. Ayaw ko namang may mangyari sa iyo riyan. Konsensya ko pa kung sakaling mapaano ka kaya sumakay ka na,” pagpupumilit nito sa kanya. Mukhang wala na rin siyang takas sa pagkakataong iyon at no choice na rin siya dahil masyado na nga namang delikado para maglakad mag-isa sa ganoong kadilim na daan. Kung hindi adik ay baka holdaper o rapist ang makasalubong niya. Kahit pa sabihing safe ang Sta. Monica, may mga insidenta na may mga dayo sa lugar na doon nahuhuli na gumagawa ng krimen. “S-Sige po, Gov.,” wika niya at sumakay na sa sasakyan. Habang nasa loob ay hindi magawang ikibo ni Soledad ang katawan sa kinauupuan. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa kaba habang katabi ang lalaking pinapantasya niya noon pa man. Napakagat siya sa labi at napapikit sa kilig. Gustong-gusto niyang sumigaw pero hindi niya puwedeng ipahalata sa gobernador iyon dahil baka kung ano ang isipin nito. “So, tagasaan ka nga pala?” tanong ng gobernador sa kanya. Mukhang hindi talaga siya kilala nito dahil hindi nito alam na taga Sta. Cecilia lang din siya. Kung sa bagay, sino ba naman siya para mag-exist sa paningin ng isang kagalang-galang na gobernador tulad ni Governor Elizalde? Kaya hindi na rin siya dapat magtaka kung bakit wala itong ideya kung saan siya nakatira. “Taga-Sta. Cecilia din po ako,” saad niya. Nangunot naman ang noo ng gobernador sa narinig. Tila ba hindi nito inakala na magkababayan lang pala sila. “Ha? Talaga ba? Bakit parang hindi naman kita nakikita roon? Saan k aba sa Sta. Cecilia?” tanong nito. “Barangay Talisay po. Malapit sa munisipyo. Hindi lang talaga po ako naglalalabas ng bahay kaya siguro hindi ninyo ako napapansin. Pero madalas po akong manood kapag guest of honor kayo tuwing fiesta. Idol ko po kasi kayo, eh,” paliwanag ni Soledad sa kausap. Natawa lang si Governor Elizalde sa narinig mula sa kanya. “Paano mo naman ako naging idol?” tanong nito. “Kasi po, ang galing ninyo. Hindi lang kayo puro salita tulad ibang gobernador. Ginagawa n’yo rin po kung ano’ng mga ipinangako ninyo noong eleksyon. Alam n’yo ’yon? Kahit ano’ng sabihin ninyo, nangyayari dahil umaaksyon kayo,” nakangiting paliwanag ni Soledad at saglit na sinulyapan ang gobernador. Nakita niya kung paano pasimpleng ngumiti si Governor Elizalde. Kinilig ba siya sa sinabi ko? Kung kinilig nga ito sa mga narinig mula sa kanya, para na rin siyang naka-jackpot dahil nahuli niya ang kiliti nito. “That’s part of my job as a public servant. Kung hindi ko gagawin ang mga bagay na ipinangako ko sa mga kababayan natin, para na rin akong nagtapon ng perang ibinabayad ng taumbayan saa akin. Hindi makakaya ng konsensya ko ang ganoon kung sakaling hindi ko matupad ang mga ipinangako ko.” Mas lalo siyang napahanga mula sa narinig sa gobernador. Hindi na niya nagawa pang makaimik noong mga oras na iyon. Tila nawala ang pagiging madaldal na personalidad ni Soledad nang makatabi ang lalaking matagal na niyang pinapangarap pero hindi na mapapasakanya. Okay lang naman siguro iyon dahil alam niyang malabong mangyari na patulan siya ng gobernador dahil sa layo ng estado ng buhay nila sa isa’t isa. “Dito na po ako.” Tumigil ang sasakyan sa simpleng barong-barong. “Salamat po, Gov.,” sambit niya sa gobernador nang tingnan niya ito. “Don’t mention it.” Bahagya itong lumapit sa kanya upang alisin ang kanyang seat-belt dahilan para maamoy niya ang napakabango nitong perfume. Ilang pulgada lamang ang pagitan ng kanilang mukha kaya kitang-kita niya kung gaano kaguwapo at kakisig si Governor Elizalde. Mas lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib at mas nagsumidhi ang kanyang damdamin. Pagkakataon na niya iyon. Kahit isang halik lang! Kahit isang halik lang! Mabilis ang naging pagkilos ng kanyang mga kamay. Kinabig niya ang magkabilang pisngi ng gobernador at sinunggaban ang mga labi nito ng halik. Ang matagal na niyang inaasam na mangyari ay nagawa na niya. Pikit-mata niyang sinibasib ang labi nito na para bang ayaw na niyang pakawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD