Chapter 3

1150 Words
“Soledad!” Bahagyang naitulak ni Benjamin ang babaeng bigla na lamang sumunggab sa kanya ng halik. Hindi niya inaasahan ang mga nangyari. Paanong bigla na lamang siyang hinalikan ng babaeng kakikilala pa lamang niya? Namilog ang mata ng dalagang kaharap sa gulat. Maging ito ay tila nagulat din sa ginawa. “S-Sorry, Gov.” Mabilis na binuksan ng dalaga ang pinto at hindi man lang siya nagawang lingunin nito. Tila nahiya ito sa nangyari. Pero noong mga oras na iyon, ramdam na ramdam ni Benjamin ang napakalambot nitong labi at halos lamunin siya ng apoy na saglit na lumiyab sa kanyang damdamin nang maglapat ang kanilang mga labi. Ni minsan ay hindi niya naramdaman ang ganoong klaseng pakiramdam. Kahit ang asawa niya ay hindi siya nagawang halikan nang ganoon. Sa unang pagkakataon, may nagparamdam kay Benjamin ng halik na hinding-hindi yata niya malilimutan sa tanang buhay niya. Habang pauwi, namalayan na lang niya na hawak niya ang kanyang labi. Ilang minuto na ang nakalilipas pero naroon pa rin ang pakiramdam. Bakit kaya ganoon ang naging epekto sa kanya ng halik na iyon? At bakit din nagawa ni Soledad na halikan siya? Sa ano’ng kadahilanan? Sari-sari ang naging tanong ni Benjamin sa utak habang pauwi siya sa bahay. Kung intensyon ng dalaga na halikan siya, mabuti na lang at hindi siya nagpadala sa damdamin. Kung hindi, malamang ay baka pagpiyestahan siya at kumalat ang maling akala sa buong Sta. Cecilia. Hindi lang pangalan niya ang masisira kundi pati na rin ang kanyang pangalan bilang gobernador ng bayan. Hindi niya puwedeng isaalang-alang ang pinangangalagaan niyang pangalan para lang sa panandaliang aliw. Nang makauwi, sumalubong sa kanyang ang isa sa kanilang kasambahay. “Good evening po, Gov.,” bati nito bago kinuhang kanyang leather jacket. “Si Ma’am Veronica mo, nasaan?” tanong niya sa kasambahay. “Nasa taas po. Kararating lang din.” Inaasahan niyang makikita niya ang asawa pagkauwi dahil bihira na lang sila nitong magkita. Madalas kasi itong nasa charity event at palagi na lang inaasikaso ang mga bagay na makapagpapaganda sa takbo ng karera niya. He appreciates all the efforts that his wife did for him but sometimes, it is not worth it. Madalas kasi ay nako-compromise noon ang pagiging ina niya sa kanilang anak na si Billy. Bata pa ang anak nila kaya mas kailangan pa ng kalinga ng ina. “Mang, scotch please.” Hinihilot niya ang sentidong umupo sa couch. He had a long day. Bago pa kasi siya pumunta sa event na iyon ay um-attend pa siya ng meeting sa legislative kaya hindi na siya gaanong nakapagbihis nang dumating siya sa Sta. Cecilia. “Umiinom ka na naman.” Naramdaman na lang niya ang paghagod ng kamay ng asawa sa kanyang sumasakit na sentido. Malamyos iyon na siyang nakapagpakalma sa kanyang utak. “I just had a long day, honey.” Hinawakan niya ang braso ni Veronica at marahang hinila iyon pababa sa kanya hanggang sa magpantay ang mukha nilang mag-asawa. Ngayon ay nakayakap sa kanyang likuran si Veronica. Ginawaran niya ito ng halik sa pisngi at labi. “How was your event? Did you enjoy it?” tanong niya. Doon pa lamang tumayo si Veronica sa likuran niya at minasahe ang kanyang balikat. “Well, medyo stressful pero nag-enjoy naman ako. Anyway, what do you want for dinner?” tanong nito sa kanya. “You.” A smirked draw to his face as he said that. “Well, come and get me.” Veronica naughtily slide her hand through his face and kissed him. Matapos iyon ay nagtatakbo ang kanyang asawa papasok ng kuwarto. *** PABAGSAK na isinara ni Soledad ang pinto nang makapasok siya sa loob ng kanilang bahay. Sumandal siya rito nang maisara dahil pakiramdam niya ay babagsak siya sa panghihina ng kanyang tuhod. Hindi niya mawari kung paano niya nagawang halikan si Governor Elizalde nang ganoon na lamang. Para bang may nagtulak sa kanya na gawin ang bagay na iyon na hindi na niya nagawa pang kontrolin ang sariling pag-iisip at sinunggaban na lang ang gobernador na walang kamalay-malay. Napahawak siya sa kanyang labi bago nasabi sa sariling, “Bakit ko ba siya hinalikan?” “Oh, apo, nandiyan ka na pala.” Saka lamang siya nakabalik sa sarili niyang pag-iisip nang marinig ang boses ng kanyang lola na pababa ng hagdan. Kagyat niya itong inalalayan pababa dahil mababanaag na sa matanda ang kahirapan sa paglalakad. “Kumain ka na ba? Nagluto ako ng hapunan kasi alam kong gutom ka,” alok ng matanda sa kanya. “O-Opo. Bakit gising pa po kayo?” usisa nito. “Paano’y hinihintay kita. Teka, sino ba ‘yong naghatid sa iyo na kotse rito. Bakit hindi mo muna siya pinapasok nang makapagkape man lang?” tanong muli ng lola niya. Nakita pala nito ang pagbaba niya sa sasakyan ng gobernador mula sa kuwarto niya sa itaas. Palibhasa’y hindi ito sanay matulog hangga’t wala pa siya sa bahay ay hindi nakaliligtas sa matanda ang mga nagaganap tuwing uuwi siya ng dis-oras ng gabi. “Wala iyon, ‘la. Kaibigan ko lang. Gabi na kasi kaya hindi ko na pinatuloy,” palusot niya. S’yempre hindi dapat malaman ng kanyang lola na ang gobernador ng Sta. Cecilia ang naghatid sa kanya pauwi dahil siguradong hindi siya makaliligtas sa mahapding kurot nito sa kanyang tagiliran. Ayaw pa naman nitong makikita na may kasama siyang lalaki lalo’t ang bilin sa kanya nito ay puwede na raw siyang mag-asawa kapag trenta-anyos na siya. Ganoon siya paghigpitan ng matanda. Nauunawaan naman niya ito dahil ayaw niyang matulad si Soledad sa nanay niyang nagpakamatay dahil iniwan siya ng asawa na tatay niya. “Teka, bakit parang basing-basa ka ng pawis? Hindi ba aircon iyong kotseng sinakyan mo?” usisa pa nito. Saka lang niya napansin na pinagpapawisan pala siya hindi dahil sa init kundi dahil sa kaba. “Ah, eh. . . ang init po kasi.” Nagmamadali niyang kinuha ang pitsel at nagsalin sa baso ng tubig na kaagad niyang ininum na akala mo’y uhaw na uhaw. Pero ang totoo, gustong-gusto na niyang lamunin siya ng lupa sa sobrang kaba. “Ganoon ba? Kung kumain ka na, bukas na lang natin kainin ang hinanda kong hapunan. Magpahinga na muna tayo,” wika ng matanda na kaagad humawak sa hagdanan. “Sige po.” Kaagad naman niyang inalalayan muli ang matanda papanhik sa silid nito. Nang masigurong nasa kuwarto na ang kanyang lola ay saka lamang siya pumasok sa sarling kuwarto. Nakatihayang humiga sa kama si Soledad bago dinampot ang unan at isinaklob sa mukha. “Gaga ka talaga!” angil niya sa sarili. Hindi niya tuloy alam kung may mukha pa siyang ihaharap sa gobernador kung sakaling magkita ulit sila nito. Baka iwasan na lang niya ang lalaking iyon oras na magkaharap sila. Kung may pinakanakakahiyang pangyayari sa buhay niya ang maisusulat niya, iyon na yata ang pinakauna sa listahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD