KATATAPOS lamang kumain nina Soledad at ng kaibigan niyang si Julieth. Paalis na sana sila sa kinapupuwestuhan nang sa pagtalikod niya ay may pamilyar na mukha ang bigla na lang bumulaga sa kanya. “Hi! Remember me?” It was Veronica. Halos malaglag ang panga niya sa nakita. Malapad ang ngiti ng babaeng lumapit sa kanya at walang paalam na nakipagbeso-beso. Hindi niya inaasahan ang bigla na lang paglapit nito sa kanila. Kasama nito ang tatlong body guard at isa pang babae na sopistikada rin ang pananamit at halatang may sinabi sa buhay. Hinuha niya ay kaibigan iyon ni Veronica. “K-Kayo po pala, ma’am.” Mapakla ang ngiti niyang tiningnan ang mga sumalubong sa kanila. Hindi niya rin naman kasi inakala na mamumukhaan pa pala siya ng asawa ng gobernador. Buong akala kasi niya ay balewala lang n

