“LET'S share this night together.” Benjamin couldn't help himself. He wanted to own Soledad and felt the heat of her body. Gumala pa ang mga labi niya patungo sa leeg ng dalaga. Ang bawat hingal at ungol na narininig niya mula sa dalaga ay tila ba isang musika sa kaniyang pandinig. Musika na maaaring makapagpasayaw sa kanilang dalawa sa kakaibang init ng gabi. Hindi niya inalintana ang malamig na paligid dahil nagliliyab ang kaniyang damdamin. Tinatalo noon ang nag-aapoy niyang pakiramdam. Hindi rin siya makapapayag na putulin iyon ng kahit anumang ingay sa paligid. Dahil ang tanging magiging saksi lamang sa mainit nilang pagniniig ay ang apat na sulok ng salas kung saan sila naroroon. Marahan niyang hiniga ang dalaga sa couch na nasa harapan lang nila. Matapos iyon ay tila expertong p

