MARAMING beses nang nagkaroon ng tampuhan sina Soledad at Julieth, pero iyon na yata ang pinakamalala. Pasikat na ang araw nang dumating si Soledad sa kuwarto ng kaniyang lola sa ospital. Nadatnan pa niya ang isang nurse na tsine-check ang vital signs ng kaniyang lola. Dahan-dahan siya lumapit sa kinahihigaan ni Julieth upang gisingin ito. Halatang pagod at wala ring tulog ang kaibigan dahil medyo nahirapan pa siyang gisingin si Julieth. Marahan niyang tinapik ang balikat nito subalit hindi man lang iminumulat ang mga mata. Kaya naman wala na siyang nagawa kundi lakasan ang pagtapik niya, rito at doon pa lang nagising si Julieth. “Nariyan ka na pala,” wika nito sa basag na boses. Halatang bagong gising nga ito. Kaagad namang bumangon ang kaibigan niya at nilapitan ang matanda, na sa mga o

