15. Threatening me with some random woman?

2729 Words
"Asuna, help me. Pinaulit na naman kami sa thesis namin. Hindi ko na kaya," ngawa sa akin ni Tasha nang sagotin ko ang tawag niya. Noong isang araw lang ay nag-aaya pa sa akin mag bar. Ngayon naman, ganito na. I drank the remaining can of beer while listening to her through my airpods. Bigla siyang napatawag sa akin. Akala ko kukulitin na naman niya akong magkuwento sa nangyayari sa buhay ko, but no. Mas piniproblema pa niya ang thesis niya na hindi matapos-tapos kaysa sa akin. Sinubukan ko nga siyang ayain kahapon na mag hangout since maayos-ayos naman na ang paa ko, pero siya na naman ang tumanggi dahil sa letseng thesis niya. Napairap na lang ako habang nakataas ang kilay kong binubuksan ang pangatlong can of beer na kinuha ko sa fridge kanina. I need to sleep kaya kailangan kong mag lasing. "Bakit hindi ka na lang kaya mag drop? E drop mo na lang 'yan para wala ka ng poproblemahin," suhestiyon ko at walang ganang ininom ang alak habang nakaupo ako sa sahig at nakasandal ang likod at ulo ko sa gilid ng kama. "Baliw ka ba? Pangarap ko kayang maging psychologist no," singhal kaagad niya sa akin. Napabangon naman ako sa pagkakasandal at natawa sa sinabi niya. "Psychologist?" hindi makapaniwalang tanong ko. Gusto pala niyang maging psychologist, sa lagay niyang 'yan? Napailing-iling ako habang nakangisi. "More like, you have more potential to be a patient," pang-aasar ko na may kasama namang katotohanan. "Nakakatawa! Kapag ako natuluyan, wala ka ng matinong kaibigan," sarkastikong sabi niya sa kabilang linya. Ininom ko ulit ang beer at pabagsak na isinandal ang likod ko sa gilid ng kama. "Tsk. Akitin mo na lang kasi 'yong professor mo sa thesis para hindi mo na kailangan pumasa at magpakahirap na e-revise 'yan," ani ko. Narinig ko naman ang malalim na buntong hininga niya sa kabilang linya. "Grabe! Ang laki ng naitulong mo," sarkastikong sabi na naman niya sa akin. Napangisi naman ako nang nai-imagine ko na ngayon ang pag-ikot ng mga mata niya. I make face because of her response kahit na hindi naman niya nakikita 'yon. Napatingin ako sa bintana nang may marinig akong ugong ng sasakyan. I looked at my wall clock at nakita kong malapit ng mag 10 pm. Umuwi na siya? I am referring to that old man. "Saan ka nga pala nakatira ngayon? At saka ano na nangyari sa buhay mo? Did you and your sister met already?" tanong ni Tasha. I heard her keyboard again. "Sa susunod ko na lang ikukuwento sa'yo," mabilisan kong sagot bago pinatay na ang tawag. Tumayo ako at lumabas ng kuwarto para masilayan siya. Madilim na sa labas at iilang ilaw lang ang nakabukas. This past few days ay madalang ko na lang nakikita si Luca after noong nangyari sa hospital. May pagkakataon din na hindi namin siya nakikita buong araw at hindi siya kumakain dito. Nagtataka na nga ako pero sila Amethyst at ang ibang katulong ay hindi na nagtaka dahil may ugali daw talaga si Luca na hindi umuuwi. Narinig ko rin na may condominium siya at baka roon muna siya nanunuluyan. Dali-dali akong nagtago sa madilim na parte nang makita ko siyang papasok na. Lukot ang buong mukha niya at magkasalubong din ang dalawa niyang kilay, na para bang magdudugtong na ito. Napalunok ako nang wala sa oras nang makaramdam ako ng takot dahil sa presensya niya ngayon. Nakakatakot siya ngayon. Para siyang leon na nakawala sa hawla at manglalapa na ano mang oras. Anong nangyari sa kaniya? Wala ba siya sa mood? Tumigil siya sa pag-akyat nang tumunog ang cellphone niya. Pagalit na sinagot niya naman ito. "f**k! Can't you finish them without me?" may diin ang bawat salitang sabi niya. Mahina ang pagkakasabi niya, para siguro walang makarinig at hindi siya maka-istorbo. Nakinig lang ako at hindi gumagawa ng kahit na anong ingay. Pati nga paghinga ko ay kinokontrol ko na. I can feel the tension in the air, and Luca's seems like he could blow a fuse any minute. Marahas niyang ibinaba ang cellphone at tahimik lang siyang nakatayo, pero ramdam ko sa kinatatayuan ko ang galit niya. He was breathing hard, and his face was all tense. Madilim ang paligid pero, walang didilim sa itsura at mga mata niya ngayon. The longer I looked at him, the more I saw a different person. Umakyat siya sa hagdan and went to his room. Naiwan akong nagtataka sa pinagtataguan ko. Babalik na sana ako sa kuwarto ko para matulog nang marinig kong may nagmamadaling bumaba sa hagdan. Nang silipin ko naman ito ay nakita kong si Luca ito. He still wearing his emotionless expression, pero iba ang expression ng kaniyang mukha ngayon. Sobrang dilim. Nakakatakot. His face was the most frightening thing I had ever seen. My eyes slowly moved down to what he was holding, and I gasped, quickly covering my mouth in surprise. "Holy crap!" My eyes widened. "Why the hell is he holding a gun?" I thought. Bigla siyang naglakad papunta sa pinto at lumabas ulit. Napakunot ang noo ko. Hindi ba kakauwi lang niya? Bakit aalis siya kaagad? And the serious question here is why is he holding a f*****g gun? Patakbo akong bumalik sa kuwarto at kumuha ng jacket. Pumunta rin ako sa lagayan ng susi ng sasakyan dito sa bahay at dinampot ko lang ang una kong nahawakan. I immediately followed him. Kakalabas lang ng sasakyan niya sa gate at iniwan pa niya itong bukas dahil sa kakamadali. Pinuntahan ko ang garahe at hindi ko maiwasang magulat dahil sa dami ng sasakyan at motor na nandito. Pero wala na akong oras mamangha sa nakikita ko ngayon. I need to follow him. Pinindot ko na agad ang key at pinuntahan ang tumunog na sasakyan. I was lucky because it's a sport car. Matagal na rin akong hindi nakakapag-drive ng kotse. Mukhang ayos naman na ang paa ko dahil nakakalakad na ako ng normal, kaya kayang-kaya ko na sigurong mag drive. I immediately rushed to the gate and followed Luca's car. I don't know what I'm doing. Kinokontrol ako ng koryosidad ko ngayon. At isa pa, I want to know who he is. Hindi lang pangalan niya ang gusto kong malaman. Gusto kong malaman kung ano siya at kung anong klaseng pagkatao ang meron siya. He didn't tell me before, kaya alam kong hindi siya normal lang na businessman. No normal person would just barge into your house with a bunch of guys, pull out a gun, and threaten you like that. If he wasn't part of the syndicate, then I had to figure out what he was up to. Binuntotan ko lang si Luca at hindi ako nagpahalata. I want to know where he's planning to go. Ilang minuto na akong bumubuntot sa kaniya kaya alam kung malayong-malayo na ito sa mansyon. Tumigil siya sa isang abandonadong gusali rito sa liblib na lugar. Tago ang lugar at walang kahit na anong gusali o bahay ang nandito. Tumigil din ako sa hindi kalayuan. Hinintay ko siyang lumabas sa kotse niya at pumasok sa loob bago ako lumabas sa kotse. I snuck in after him. Hindi ko itatanggi na nakakaramdam ako ng takot nang makapasok ako sa loob. This place is kinda scary. The air felt heavy, and the silence was almost deafening. It was so dark that I couldn't even see what was around me. If someone went over, wouldn't they have been searching for their own death? Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at binuksan ang flashlight bago tuluyan ng pumasok sa loob. Napatakip ako sa ilong ko nang may maamoy akong napakalansa. I don't know what is this pero ang baho. Parang masusuka ako nito. "Aray! Bwesit naman," mahinang maktol ko nang matisud pa ako sa nilalakaran ko at mabitawan ko ang cellphone. Napasobsob pa ako sa semento dahil doon. Hindi naman maipinta agad ang mukha ko nang may maramdaman akong basang bagay na nadaganan ko. Argh! Maarte pa naman ako! Baka ihi o laway na 'to ha. "Bwesit talaga! Nasaan na ba kasi si Luca!" inis kong bulong bago maarteng tumayo at pinuntahan ang gawi kung saan napunta ang cellphone ko. Kukunin ko na sana ito nang... "Ahhhhh!" malakas kung sigaw at nanginginig na napaupo ulit ako sa semento. Isang nakabukas na mga pares ng mata ang nasilayan ko nang mapunta sa kaniya ang ilaw. Wala na itong buhay at duguan din ang ulo nito. More like he was in a deep shocked when he was killed. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang cellphone at inilawan ang palagid ko. Doon ako napatakip sa bibig at para bang lahat ng dugo sa katawan ko ay bigla na lang nawala nang makita kong maraming patay ang nakahandusay lang sa semento. Duguan at wala na silang mga buhay. I almost felt my soul was about to leave my body. Naluluha sa takot kong tiningnan ang kamay ko at ganoon na lamang ang paninigas ng katawan ko nang mapagtanto kong dugo ang nadaganan ko kanina at ang bagay na naging dahilan upang matisud ako ay ang bangkay na nakaharang sa daan ko. W-what place is this? I felt like I was about to faint. Does the smell earlier was come from their own blood? Tinakpan ko nang mariin ang bibig ko nang magsimulang bumaliktad ang sikmura ko. "I ...I want to go home." I was scared to death. Tatakbo na sana ako palabas sa gusaling ito nang may bigla na lang humila sa akin at sa sobrang bilis ng pangyayari ay naramdaman ko na lang na may matulis na bagay na ang nakatutok sa leegan ko. Muling nanigas ang buo kong katawan. Nanlalamig din ang mga kamay at batok ko. "Lumakad ka!" maawtoridad na utos niya sa akin kaya napapitlag ako. "N-nanapadaan lang ako rito," usal ko pero idiniin niya lang lalo ang kutsilyo sa leeg ko kaya napapikit ako at napakagat sa labi dahil sa sakit. Hindi na lang ako nagsalita pa. "K-kailangan ko lang iligtas ang pamilya ko," bulong niya na parang napipilitan siya sa ginagawa niya. Lumakad ako sa daan na kung saan niya ako itinutulak. "Bullshit!! Isang tao lang ay hinayaan niyo pang makatakas!" Boses iyon ni Luca ang narinig ko na umalingawngaw sa buong gusali. Napaiyak na lang ako ng wala sa oras. Hindi ko na lang sana siya sinundan. Why I am digging my own grave again! *BANG* Napapitlag ako sa gulat dahil sa lakas ng putok ng baril na iyon. Gusto ng lumabas ng puso ko dahil sa kaba. I am receiving too many shocks and I don't know if I can still handle this. Mabilis akong itinulak ng lalaki sa isang direksyon kaya bumilis ang lakad ko. Nasilayan ko si Luca at ang ibang mga kalalakihan na nasa gitnang bahagi ng gusali. They are holding guns at may mga patay din sa paligid nila. Sa harap nila ay dalawang babae na sa tingin ko ay mag-iina na umiiyak. "Supreme, look." seryosong sabi ng isa at itinuro kami. Napunta ang atensyon nilang lahat sa amin at nagulat ako nang sabay-sabay nilang itinutok ang hawak nilang baril sa direksiyon ko. Napalunok ako. I am being held as a hostage now tapos may mga baril pa ang tututok sa akin. May mga patay pa sa paligid ko. Wala na bang mas ikalalala sa sitwasyong 'to? Malamig na tingin lang ang ipinukaw ni Luca sa akin. I didn't even see sa mga mata niya na, na surprise na nandito ako. He was just coldly stare at me as if I was an unimportant person. "P-papa," umiiyak na tawag ng isang babae. "Anak, huwag kang mag-aalala. Ililigtas ko kayo. Aalis tayo dito," aniya at napaliyad na lang ako nang mas idiniin niya ang kutsilyo sa leeg ko. I bit my lower lips as I look at Luca, crying. Naramdaman kung may dumaloy na mainit na likido mula sa leeg ko at mahapdi na rin ito. "Ibigay niyo sa akin ang mag-ina ko at hindi ko papatayin ang babaeng 'to!" sigaw niya. Luca curled his lips into sinister smile. Malamig na tawa rin ang pinakawalan niya habang nilalaro niya sa daliri ang baril na hawak niya ngayon. He's crazy! How can he laugh in this situation? "Are you threathening me with some random woman?" malamig niyang tanong. "A-alam kong kasama mo siya. Pumasok siya sa gusali at hinahanap ka, kaya ibigay muna sa akin ang mag-ina ko bago ko pa ibaon ang kutsilyong ito sa leeg niya." He showed me his evil smirk. "Then, kill her. I don't care. If you do that, then we are even." *BANG* My eyes widened in terror nang matapos sabihin iyon ni Luca ay agad niyang ipinutok ang hawak niyang baril sa ina ng bata. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, tanging sa umaagos na dugo lang ng babaeng wala ng buhay nakapako ang tingin ko. D-did he just shoot her? Gulat akong napatingin kay Luca. He remained emotionless as he stared me back with his coldest eyes. Napatakip ako sa bibig ko habang nauunahang umagos ang luha ko sa takot. What... What did I just saw? Pu ...pumapatay siya ng tao? Nabitawan ng lalaki ang pagkakatutok niya sa akin ng kutsilyo dahil siguro ay nagulat siya at hindi pa siya nakakabawi. Nanlaki ang mata ko nang dahan-dahang itinutok ni Luca ang baril sa harapan ko. He aimed me like as if I was his target. "L-luca," I muttered. Ubos na ang lakas ko dahil sa nangyayari kaya wala na akong lakas na bigkasin ang pangalan niya nang malakas. Is he going to kill me too dahil sa nasaksihan ko ngayon? Is he going to silence me because I found out his secret? *BANG* Kinalabit niya na ang gantilyo kaya napasinghap ako at mariing napapikit habang hinintay ang balang tatama sa akin, pero nanginig ang katawan ko nang maramdaman kong natumba ang lalaking nasa likuran ko. I slowly opened my eyes at siya nga ang tinamaan ng bala at hindi ako. "Papa!" malakas na sigaw ng bata. Gulat na naman akong napatingin kay Luca. He was still emotionless. Nanlaki ang mga mata ko nang nilipat ni Luca ang pagkatutok ng baril sa bata. Is he going to kill a child too? Anong klaseng puso ang mayroon siya? Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong tumakbo at pumagitna sa kanila. I spread my arms para itago ang bata sa likuran ko, kaya ngayon ay harap-harapan akong nakatutok sa baril. Napahinto rin si Luca sa pagkalabit sana ng gantilyo dahil sa ginawa ko. "D-dont kill her. Bata lang siya, Luca," nauutal na sabi ko sa mahinang boses. Nasilayan ko ang pag-igting ng panga niya at ang pag higpit ng hawak niya sa baril. Mariin din niya akong tinitigan. "Go away, Asuna. Don't push your luck just because I save you. I still can kill you if I want too," mariin na sambit niya, pero hindi ako nagpatinag sa kaniya. Matapang ko siyang tiningnan kahit nanginginig na ang mga tuhod ko. "Then, I dare you to kill me! I have nothing to lose anyways. If worst comes to worst, the only thing I have to lose.... is my life." Hindi na siya muling nagsalita pa. He was just staring at me blankly. Ilang segundo akong nakipagtagisan sa kaniya ng titig. Biglang ibinaba naman niya ang baril na siyang ikinahinga ko nang maluwag. Marahas niya akong hinila palabas ng gusali. "Get in," utos niya nang nasa harap na kami ng kotse niya pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Hindi rin ako makatingin nang deretso sa kaniya dahil sa takot pa rin. "Get the f*****g in Asuna before I change my mind at balikan ang batang 'yon," pananakot niya sa akin kaya dali-dali akong pumasok sa kotse niya. Pumasok din naman siya agad at bigla niya lang itinapon sa dashboard ang baril at pinaharurot ang kotse paalis. "You are getting brave for tailing me, huh? You deserve a f*****g heavy punishment, Asuna." Napahawak ako sa seatbelt dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya na para bang may balak pa siyang paliparin ang kotse. "L-luca, hindi ito ang daan pa... pauwi sa mansyon," natatakot na sabi ko nang bigla na lang siyang lumiko sa ibang daan. "Who said we are going home?" seryoso niyang sabi kaya napalingon agad ako sa kaniya. Sa ...saan niya ako dadalhin? Is he going to silence me? Kill me? Or bury me alive?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD