13: Does it hurt?

2971 Words
Lumabas kaagad ako ng kuwarto nang magising ako. Nakita ko namang nakabihis ang lahat at mukhang may lalakarin sila. Even manang Berta at ang ibang katulong ay nakabihis din. "Asuna, gising ka na pala. Kumain ka muna ng agahan tapos magbihis ka na rin," nakangiting sabi sa akin ni Rona nang malapitan niya ako at inalalayan agad papunta sa kusina. I furrowed my brow. “Why? Saan ang lakad natin?" Pinaghain naman niya ako ng almusal. Mukhang kakatapos lang nilang mag-almusal lahat. Late na kasi ako nagising. "Mag sisimba kaming lahat. Sumama ka ha," excited na ani niya. Oh yeah! Sunday pala ngayon. Kusang tumaas ang isang kilay ko nang marinig ang sinabi niya. Sumubo ako nang pagkain at umuling. "No, thanks. Kayo na lang ang mag simba," walang kagana-gana kong tugon. Kumunot naman ang kaniyang noo. "Bakit naman? Hindi ka ba nagsisimba? Ano bang relihiyon mo? Nako, mag simba ka para naman mabawas-bawasan 'yong mga kasalanan mo," aniya na parang naninirmon sa akin at parang pinapahiwatig pa niyang napakadami kong kasalanan. Ang daming tanong ng babaeng 'to. Gusto yata niya malaman ang buhay ko. Binigyan nga tayo nag tig-iisang buhay, pinapakialaman pa niya 'yong akin. Masama ko siyang binalingan ng tingin. "I'm just too tired at isa pa..." Ipinakita ko ang namamaga ko pa ring injured na paa. "I am still injured. Hindi pa ako nakakalakad nang maayos." masungit kong sabi sa kaniya. Ang aga-aga pa kasi eh. Bumalik ako sa pagsubo matapos kung mag dahilan at mag taray sa kaniya na ayaw kung sumama. Honestly! Ayaw ko lang talagang mag simba. Kahit pa hindi ako pilay ay hindi pa rin ako sasama sa kanila. Baka kapag pumasok pa ko sa loob ng simbahan ay masunog pa ako nang wala sa oras dahil sa ugaling mayroon ako. Tsk. I can't take the risk. "Sino ba naman kasi ang may sabing makipag-away kayo," pasimpleng bulong niya habang papaalis. I just rolled my eyes at tinapos na lang ang almusal ko. Silang lahat ang aalis ng bahay. So, ako lang ang maiiwan dito nang mag-isa. Okay na rin 'yon para naman magkaroon ako ng isang araw na katahimikan. Cancelled muna ang pagiging instant julalay ko sa bahay na 'to dahil sa injury ko na lumala dahil sa pakikipag-away. Buti nga't naawa pa si Luca sa akin at hindi muna ako pinapatulong kila Manang Berta. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad pabalik sa kuwarto ko. Kukunin ko ang cellphone ko para tawagan si Tasha. Nakalimutan na yata ako ng babaeng 'yon. "Asuna." Hindi ko na kailangang lingonin pa kung sino ang tumawag sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Lumapit naman siya sa akin at inalalayan ako bigla. "Kamusta ang paa mo? Bakit hindi mo gamit ang saklay mo? Do you want me to take you to the doctor?" tanong ni Amethyst nang sa paa ko siya ngayon nakatingin. Nakabihis din siya at nakita ko ang kambal na nag-uunahang bumaba na rin at bihis na bihis. I stop walking. Itinabig ko rin ang kamay niya na nakahawak sa akin. "Don't touch me,” I warned her bago ako nagpatuloy sa paglalakad papasok sa kuwarto ko at isinirado agad ang pinto. Wala pa ako sa mood na makipag-usap sa kaniya. Kinuha ko kaagad ang phone ko sa side table at denial ang number ni Tasha. Ilang araw na kaming hindi nagkausap simula noong hindi niya sinagot ang tawag ko at naaksidente pa ako and I forgot to call her too after that. Medyo pre-occupied pa kasi ang utak ko this past few days dahil nga sa revelation na nalaman ko at nag a-adjust pa nga ako ngayon sa sitwasyong pinasok ko. Halos mag dikit na ang kilay ko nang hindi na naman sumasagot ang babaeng 'to. What happened to her 'just call me if you need anything. I'm just right here' huh? *Knock* *Knock* *Knock* Nabaling ang tingin ko sa pinto nang may kumatok dito. Wala akong balak na buksan ito dahil ramdam ko kung sino ang nasa labas. "Asuna, magsisimba lang muna kami. Sabi ni Rona ay ayaw mo raw sumama. Magpahinga ka na lang muna rito. May gusto ka bang ipabili sa amin?" rinig kong sabi ni Amethyst mula sa labas ng kuwarto ko. Hindi ko siya sinagot. Tinalikuran ko lang ang pinto at denial ulit ang number ni Tasha. Hindi ko naman ulit narinig ang boses ni Amethyst kaya baka umalis na silang lahat. "Ano bang nangyare sa babaeng 'to?" Inis ko na lang na itinapon ang cellphone ko sa kama dahil hindi pa rin sumasagot si Tasha. Pumunta na lang ako ng banyo para makaligo man lang dahil gagamotin ko pa ulit ang mga sugat na natamo ko kahapon. Mahapdi pa rin ang bawat kalmot sa katawan ko at hindi ko rin maayos na nailalakad ang napuruhan kong paa, kaya ingat na ingat ako rito sa banyo para hindi madulas. Nang matapos akong maligo ay nag bihis kaagad ako ng simpleng damit lang na pambahay—simpleng oversize black shirt at cotton shorts. Hindi na rin ako nag-abala pang mag blower ng buhok. Inilugay ko lang ito at pinatuyo ng siya lang. *Kring* *Kring* *Kring* "At last! Tumawag ka rin," ani ko bago kinuha sa kama ang tumutunog kong cellphone. I answered Tasha's call as I get out of the room. "Buti naman at naalala mo pang may kaibigan ka pa," inis kong bungad sa kaniya habang naglalakad ako rito sa bahay. I planned to tour myself sa malaking bahay na 'to. Hindi ko kasi nagawa 'yon this past few days. Hindi na ako nag saklay para mapabilis ang paggaling ko at magalaw-galaw ko ang paa ko. Naitatapak ko naman siya sa sahig pero hindi ko talaga ibinibigay lahat ng bigat ko roon gaya noon at saka madalian lang ang pagtapak ko sa sahig. "I'm sorry, Asuna. May thesis kasi kaming tinatapos dahil malapit na ang defense schedule namin. Kaya, hindi talaga ako humahawak ng cellphone ngayon. Hindi ko alam kong matatapos ko pa ba ito o ito na ang tatapos sa akin," rason niya kaya napairap na lang ako sa kawalan. Kaya ayaw ko talagang mag-aral eh. Masyadong sagabal lang 'yan sa buhay ko. Mukhang busy naman talaga siya dahil rinig na rinig ko sa linya ang tunog ng mabilisang pag type niya sa keyboard. "Anyways, how are you? Saang hotel ka ngayon nakatira? Para naman madalhan kita ng foods after ko matapos ito at makapag-bonding na rin tayo. I really miss you. Miss ko narin 'yong bar ni Jarren. Magpapalibre talaga ako ng inumin sa kaniya pagkatapos ng kalbaryong ito." Hindi ko alam kung saan na ako dinadala ng mga paa ko. Nilalakad ko lang ang sa tingin ko namang puwedeng lakarin na daan habang nakikinig sa mga sinasabi ni Tasha. "I'm not living in a hotel," sagot ko sa kaniya saka tumitingin sa paligid. Sobrang ganda talaga ng bahay na ito. Galanteng-galante tingnan. Nasa first floor pa lang ako pero ang laki na ng space ng mansyon. Balak ko sanang akyatin ang third floor pero mukhang hindi ko matatapos libotin ang buong mansyon ng isang araw lang, lalo na na hirap pa ako maglakad ngayon. Kung hindi lang step-dad ni Amethyst si Luca ay baka pumasok pa sa isip ko ang maging sugar baby niya because he is so f*****g rich daddy. But nah! The situation is different. Narinig ko naman ang paghinto ng tunog ng keyboard ni Tasha kaya alam kong natigilan siya. "Kung hindi ka nakatira sa hotel, then where the hell god put you? May bumili na sa bahay ninyo at isa pa lahat ng condominium mo ay ipinagbili mo na rin. Oh my god! Don't freaking tell me na nasa kalye ka ngayon nagpapalipas ng araw!!" Nailayo ko kaagad sa tenga ko ang cellphone dahil sa biglaang pagsigaw niya. Papagalitan ko na sana si Tasha nang matigilan ako. Dinala kasi ako ng mga paa ko sa isang pintong nakaawang nang malaki. Mula sa labas ay kitang-kita ko ang gym equipment sa loob kaya namangha ako dahil may mini-gym pala sila rito. This is my dream house. Pangarap ko talagang mag karoon ng mini-gym. Napangiti ako. Hindi pala magiging boring ang buhay ko kapag gumaling na itong paa ko. Bukod sa pagba-bar ay nakahiligan ko rin ang paggi-gym. Pumasok ako sa loob at namangha ako dahil kompleto nga sa gamit. Natigilan ako sa paglalakad at kakatingin sa loob nang makita ko si Luca na nandito. Why is he here? Hindi ba siya sumama sa pagsisimba? He is on the pull up bar. Nakatalikod siya sa gawi ko habang nakasabit sa bar, kaya siguro hindi niya napansin ang pagpasok ko. Pahirapan ang paglunok ko nang mapagsandahan ko ng tingin ang likurang bahagi ng kaniyang katawan. He's just wearing a black shorts, and he is freakin' shirtless. I unconsciously bit my lower lips when I saw his firm yet not too bulky back muscles and biceps, who is fully tattooed. His back muscles and biceps clenched every time he pull up. Damn! That body. He can wreck me at all. Pasok na pasok siya sa pagiging model. Honestly! Hindi ko maayos nakita ang tattoo niya noon dahil madilim ang kotse niya and fragments lang din ang naalala ko because of that drug. I really wanted to see his chest tattoos. Kung kinakailangan kong magdala ng magnifying glass para lang makita nang maayos ang bawat detalye ng tattoo niya ay gagawin ko. Fully tattooed ang kaliwang kamay niya hanggang sa balikat at hindi ko lang ito makita nang buo dahil nakatalikod siya sa gawi ko ngayon. His back was fully tattooed din. He has a huge black snake tattoo on his back at napapalibutan ito ng mga samo't-saring makukulay na rosas na bulaklak na halata ang thorns nito. Maganda ito tingnan sa katawan niya at hindi rin ito makalat. Seeing his tattoos makes me realize how beautiful they can be... Damn! He really turns me on with just his body. How can someone's back, covered in tattoos, be so perfect? Huh? Honestly, kung ibang katawan lang ang tinitingnan ko ngayon ay baka sabihin ko pang adik siya, but Luca is different. His body is different. Walang-walang ang mga modelo sa katawan niya. "Asuna! Hey! Nandiyan ka pa ba?" Napapitlag ako sa gulat dahil sa biglaang pag sigaw ni Tasha sa kabilang linya. Gosh! I momentarily forgot her. "I call you back later. Finish your thesis first." Pinatay ko na agad ang tawag at hindi na hinintay pa ang sasabihin ni Tasha. Tiningnan ko muli si Luca upang pagpantasyahan sana pero agad akong napasinghap at aksidente ko pang naihakbang paatras ang injured kung paa nang makita kong nasa harapan ko na siya at seryoso na siyang nakatingin sa akin. Nag tama pa ang mga mata naming dalawa. Napunta roon ang bigat ko kaya hindi ako nakaayos ng tayo dahil sa sakit. I almost lost my balance, but someone's hand quickly wrapped around my waist and pulled me close to him. Dahil sa pagkabigla ay aksidente kong nayakap din ang leeg ni Luca para doon kumapit. I slowly jerked my face up and I gulped when the tip of my nose almost graze his clear-cut jawline. My chest heaved up and down as my lips parted while looking at his kissable lips. Isang dangkal na lang ang layo ng mukha naming dalawa. Malapit na ngang magdikit ang mga ilong namin. Where too close, so close that I could even count his long dark eyelashes. I gulped hard when I inhaled his manly scent. Kahit pawisan siya ay nakakaadik pa rin ang amoy niya. Hindi siguro ako magsasawa kung araw-araw ko itong maaamoy. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko mula sa labi niya papunta sa kaniyang mga mata. Napahigpit ang kapit ko sa kaniyang leegan nang maramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko. I suddenly felt my heart stop beating when our eyes met. Nakakatunaw ng pagkatao ang titig niya. I can't even stare his eyes longer than 5 seconds. In fact, his stare is something you will never be able to forget. His gaze makes me weak, I don't even know why. Damn it! What has he done to me? I could do nothing but hold tightly onto Luca's neck as though I was drowning. His stare is drowning me. How could he do this to me? "How could you comfortably walk around with your injured foot?" malamig niyang sabi sa akin na para bang senesermonan niya ako kung bakit palakad-lakad ako sa bahay niya sa halip na magpahinga. "Ah!" Napasigaw ako sa gulat nang basta-basta na lang niya akong kinarga nang pa-bridal style pero ang kaibahan lang ay isang kamay lang niya sa paa ko ang bumubuhat sa akin. Hindi ko naramdaman ang isa niyang kamay sa likuran ko, kaya tudo kapit ako sa leegan niya dahil baka ano mang oras ay mahulog ako. "L-luca, hold me correctly," mahina kong sabi sa kaniya nang mag-umpisa siyang maglakad palabas ng mini-gym. I don't know if I was too heavy or not for him. But, I was uncomfortable because this was my first time got carried like this. A hint of a smirk played on his lips as his forehead creased, "You are light as a feather, Asuna." He murmured. "I could lift you for an hour, even with just one hand." Napatahimik ako. Ganoon na ba talaga ako ka gaan? Parang ngang papel lang ako na binitbit niya ngayon. Kumapit na lang ako nang mahigpit sa leegan niya. Mula sa gawi ko ay malaya kong napagmasdan ang side view ng kaniyang mukha. Klarong-klaro ang matangos niyang ilong pati na ang mahahaba at makakapal niyang pilik mata. "Bakit hindi ka sumama sa pagsisimba?" I asked him out of nowhere. Curious lang naman ako. "God will just throw me outside before I could even step inside," He only threw a side glance at me as he responded. Palihim naman akong natawa sa sinabi niya. Seryosong-seryoso talaga ang pagsagot niya. Hindi ko alam na marunong pala siyang mag biro. He slowly and gently put me in the couch. Umalis naman agad siya pagkatapos niyang gawin iyon kaya napabuntong hininga ako. I feel disappointed. Akala ko susuriin pa niya ang paa ko. Masakit kasi. What's wrong with me? Akala ko ba iiwasan ko siya para hindi na lumaki ang kasalanan ko? Why am I this disappointed at bakit ang saya-saya ko pa nang hindi siya sumama sa pagsisimba? Nababaliw na yata ako. Tumayo na ako para bumalik sa kuwarto. Doon ko na lang titingnan ang paa ko. "Do you want to be amputated?" Marahan akong napapitlag sa boses niya. Lumapit siya sa akin na may dala-dala ng ice packs. Kumuha ba siya 'non para sa akin? "H-ha?" Hindi ko alam kong anong sasabihin ko. Akala ko iniwan na niya ako rito. "Sit still," maawtoridad na utos niya. Hindi ko naman alam kong bakit bigla na lang akong sumunod sa kaniya. Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa couch. Umupo din naman siya sa mini table na kaharap ko. I was startled when he gently held my injured foot and put it on his lap. Bumigat ang paghinga ko dahil sa ginawa niya. Napahigpit ang kapit ko sa couch nang pagmasdan ko siya habang marahan niyang dinadampian ng ice packs ang ibabaw ng cast sa injured kong paa. He was still topless at klarong-klaro na ng mga mata ko ang katawan niya pati ang tattoo niya sa dibdib. He has a big dragon tattoo on his chest. Mukha lang ng dragon ang nasa chest niya at ang katawan nito ay fully tattooed sa left arm niya. Hindi ko alam kung dragon ito dahil hindi naman siya typical na dragon na nakikita ko sa mga movies. Hindi ito makalat tingnan. He has these six-pack abs that would make anyone drool if they looked at them, and that someone seemed to be me. I've never been more attracted to a man in my life than I am to Luca right now. How could he make me feel so crazy just by looking at his drop-dead gorgeous body? But, why do he have this big dragon like tattoo? Hindi ba siya nasasaktan kapag inilalagay ito sa katawan niya? Halos buong likod niya ay napuno rin ng mga tattoo. Ang sakit siguro 'non. Hindi maipinta ang mukha ko habang ini-imagine ko kung paano inilalagay 'yong lahat ng tattoo sa katawan niya. Syringe nga ay kinakatakutan ko ng tumusok sa akin iyon pa kayang napakaraming needle na sabay-sabay na tutusok sayo. I slowly leaned forward and I unconsciously touch his arm, tracing the body of his dragon up to his firm chest. Luca frozed at once as though he was dumped a bucket of cold water. Sinundan naman niya ang bawat haplos ng kamay ko. I saw how his Adam's apple moved. Nakalimutan niya rin tangal-tanggalin ang ice packs sa paa ko kaya nagsisimula na ang paa kong mamanhid sa lamig. "Does it hurt?" mahina kong tanong sa kaniya. Hindi ko alam pero ako 'yong nakaramdamn ng sakit ng mga oras na 'to para sa kaniya. It's obviously hurt, Asuna. Napakabobo ko naman para tanongin pa iyon. Napapitlag ako sa gulat nang biglang hinuli ni Luca ang kamay ko at hinawakan ito nang mahigpit habang nakahawak pa rin ako sa matigas niyang dibdib. Napatingin ako sa mga mata niya. His eyes are weird. His eyes slightly bloodshot. "Stop doing this, Asuna," He warned me in a deep and husky voice. Saglit akong natigilan. Sapilitan ko namang tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya. What did I do? I was just asking if it hurts. Bakit ganito na lang siya makapag-react? Masyado ba siyang sensitive sa hawak ko? Or maybe... I slowly looked at him down there at napalunok ako habang bumibilis ang t***k ng puso ko. Goodness, why I am always digging my own grave?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD