12: Give me a good kiss and I'll consider sharing my secrets

2951 Words
"W-we just hang out." I gulped after I reasoned out. I smiled awkwardly like as if I had just made a lamest excused in my entire life. Gosh! Tinitigan lang nila kami na parang hindi sila kumbinsido sa naging dahilan ko. Eh, Sino ba naman kasi ang maniniwala kung ganito ang ayos naming tatlo? Mukha talaga kaming nakipagrambulan sa kalye. Mas lalong lumalim ang kunot sa noo niya dahil sa dahilan ko. “You three just hang out, but you came home like a homeless person? Who are you trying to fool, Asuna?" seryosong tanong nga ni Luca habang naniningkit pa ang mga mata nitong nakatingin sa akin. I just rolled my eyes at kasabay 'non ay ang pag hawi ko nang marahas sa hibla ng buhok na humarang pa sa mukha ko. "Manang Berta told us na pinatawag sa principal office ang kambal. Hindi niya kami ma-contact kaya ikaw ang pinapunta niya. What happened?" Amethyst asked, feeling confused. "Fine!" I surrendered. "Nakipag-away kami," pag-amin ko nang hindi makatingin ng deretso sa mga mata nila. There's no point if i continue lying. Hindi naman kasi umaayon ang itsura namin sa naisip kong dahilan. Mas lalo pang nagkasalubong ang dalawang makakapal na kilay ni Luca nang sabihin ko 'yon. What now? Papagalitan ba niya ako dahil tinuruan kong makipag-away ang mga anak niya? Well, I expected that from him dahil mga anak nga niya naman ang mga ito. Sino ba naman kasi ang mga magulang na matutuwa na magkaganito ang mga anak dahil nakipag-away, hindi ba? "What? Nakipag-away kayo? Bakit mo naman hinayaang makipag-away ang mga kapatid ko, Asuna?" galit na ngayong tanong ni Amethyst sa akin nang madali siyang makalapit sa gawi namin at sinuri ang kalagayan ng kambal. "Okay lang ba kayo ha?" nag-aalalang tanong niya sa mga ito. I raised my eyebrow and look at her in disbelief. "I just taught them how to fight back, Amethyst. What's wrong with that?,” inis ko ring tanong sa kaniya pabalik. Ipinapamukha niya kasi sa akin na ang laki ng kasalanan ko. Binalingan niya naman ako ng tingin. Galit ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon. "Mga bata lang kasi sila, Asuna! Tingnan mo nga oh. Nagkasugat pa sila ng dahil sayo. Matanda ka na kaya dapat hindi mo sila tinuturuan ng kung ano-ano!" galit niyang pangaral sa akin. Hindi ko itatangging hindi ako nasaktan sa paraan ng pananalita niya ngayon sa akin "Fine! Kasalanan ko na lahat! Ako na 'yong masamang empluwensya sa kanila. Masama akong tao, eh. Happy?" I snapped, giving her a disdainful look before forcefully bumping my shoulder against hers para makadaan ako. "That's not what I mean, Asuna," mahinahon na niyang sambit sa akin kaya tumigil ako sa paglalakad at hinarap ulit siya. Maamo na ang kaniyang mukha ngayon kumpara kanina, na para bang nahimasmasan siya. "But that's what I feel, Amethyst," I replied with a hint of bitterness in my voice. "I knew I always had a bad reputation. I am a troublemaker who gets into fights and causes problems. And now, seeing how you reacted as if I cause a huge problem, it just makes me want to hate you more. You're dramatic. b***h!!" asik ko sa kaniya. Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad papunta sa silid ko. Nagkatitigan pa kami ni Luca pero agad din ko naman siyang inirapan bago ako pumasok na sa kuwarto. Malakas ko pang isinara ang pinto na nakalikha ng malakas na ingay sa buong bahay. Padabog ko inihagis ang sarili sa malambot na kama. Naiinis lang ako dahil ako na nga itong nag malasakit ako pa 'yong masama. Kung tutuosin ay dapat pa nga nila akong pasalamatan dahil tinuruan kong gumanti ang kambal at para sa susunod ay hindi na sila kakaawin pa. "b***h!" I exclaimed. Hindi ko pa nga siya napapatawad dahil sa pag-iwan niya sa akin noon, dinagdagan naman niya ang galit ko sa kaniya ngayon. Dahil sa galit at inis ko ay nagkulong na lang ako sa kuwarto ng ilang oras. I didn't even plan to eat kahit ilang beses na nila akong kinakatok. I just lay here, staring at the ceiling and waiting for my death. Just kidding! I'm just not in the mood to face Amethyst right now dahil baka mabugahan ko pa siya ng apoy. Lalabas na lang siguro ako kapag tulog na ang lahat. Hindi ko pa rin kasi naaayos ang sarili ko. I stood up and look at the mirror. Damn! I didn't know I look like this. I look like an ugly witch! Buhaghag ang buhok ko. Marami rin akong kalmot sa katawan na doon na natutuyo 'yong mga dugo. Ang hahaba kasi ng kuko nong impaktang 'yon kaya madali akong nagkakasugat sa kalmot niya. At yong anit ko ay masakit pa rin. Madumi na rin akong tingnan. Mukha na nga yata akong pulubi sa lagay na 'to. Sinuri ko ang paa ko at gaya ng sabi ni Lewis ay mukhang lumala ito. Kahit may cast ay ramdam kong nagkulay-violet ito sa loob. Malalim na lang akong napabuntong hininga. Pumunta ako sa banyo para makaligo at maayos ko naman ang sarili ko. Ngunit, habang dumadampi naman sa sugat ko ang maligamgam na tubig ay napapangiwi ako sa hapdi. Hindi ko rin maayos na nakukuskos ang buhok ko dahil sa hapdi rin ng anit ko. Nagmadali na lang ako at pagkatapos ay lumabas na upang makapagbihis dahil kumakalam na rin ang sikmura ko. I waited for an hour at nang tumungtong na sa 10 ang orasan ay doon na ako lumabas. Natigilan ako nang pagbukas ko sa pinto ay bumungad sa akin ang dalawang bata na nakapantulog na at may daladala pang sariling unan. Gabing-gabi na pero gising pa ang dalawang to? Anong oras ba sila natutulog? Nakita ko rin ang mga sugat nila at mukhang ginamot naman ito. "What?" inis kong tanong sa kanila nang sumandal ako sa pintuan. "C-can we sleep over in your room?" nahihiyang tanong ni Hazel at hindi siya makatingin sa akin nang deretso. I crossed my arms bago ko sila pinaningkitan ng mata. "No," matigas kong sagot. "And can you please stop bothering me." Bakit ba lapit nang lapit ang 'to sa akin? Hindi ba nila nararamdaman na hindi ko sila gusto? "Please po, mommy." I turned my gaze to Lewis when he called me that term again. Ito ba 'yong epekto na walang kinalakihang ina kaya kung sino-sino na lang ang tinatawag nilang mommy? Tsk. "Stop calling me that, will you? At saka, may sarili kayong kuwarto, hindi ba? Kaya bumalik na kayo roon at huwag ninyo na akong guluhin pa. Shoosh!" pagtataboy ko sa kanila. Pinagtulakan ko pa sila paalis nang wala silang balak maglakad pabalik sa kuwarto nila. "Ate Amethyst is not mad at you. Nagulat lang po siya kaya ka niya nasigawan. She just loves us because we are her siblings at ayaw niya kaming nasasaktan kaya ka niya napagsabihan. She's a good person, mommy," sabi sa akin ni Hazel kaya napatigil ako sa pagtutulak sa kanila paalis. Kapatid din naman niya ako ah. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng biglaang sakit sa puso ko. Bumalik kasi sa alaala ko ang lahat. Noong hindi pa niya ako iniwan. Noong siya pa 'yong nasasandalan at naiiyakan ko. Noong siya pa 'yong laging pomoprotekta sa akin. Noong ...noong ako pa 'yong kapatid niya. "You're crying." I snapped back when I heard what Hazel said. Pinahiran ko kaagad ang luhang kumawala sa mata ko at itinuloy ang pagtataboy sa kanila. "I'm not crying. Bumalik na kayo sa sarili niyong kuwarto at matulog na," pilit ko sa kanila. "Fine. Pero kailangan niyo munang gamotin ang sarili niyo, mommy. Here, take it." Ibinigay nila sa akin ang bitbit nilang first aid kit. Kinuha ko naman agad ito upang tantanan na nila ako. "Thank you," I said. "Pero isa pang ulit niyong tawag na mommy sa akin ay titirisin ko na kayo," banta ko bago ko sila pinandilatan ng mata. Agad naman silang tumakbo paakyat sa taas habang humahagikhik pa. Napapailing na lang ako dahil sa kakulitan at kapilyohan nilang dalawa. Halatang hindi nila namana ang ugali ng kanilang ama. Siguro namana nila ang ugali ng kanilang ina. Yeah, ganon nga siguro. Imposible namang kay Luca. Inilapag ko na ang first aid kit sa lamesa dito sa dining table. Binuksan ko na rin ang isang ilaw para malinaw kong makita ang mga sugat ko. Kumuha muna ako ng makakain sa ref para naman may pantawid gutom ako habang ginagamot ang sarili ko. Bread is maybe enough ...or maybe not. Wala kasi ako sa mood mag luto ng sarili kong pagkain at isa pa…. I don't know how to cook. Umupo na ako at inilabas ang laman ng first aid kit. Sinimulan ko munang gamotin ang kalmot sa braso ko habang kumakain. I'm used to injuries like these. I grew up beaten by others. Kung hindi ako uuwing lasing sa bahay maybe pasa o sugat dahil sa pakikipag-away sa mga girlfriends ng mga lalaking nakakahalikan ko. I don't know, okay? Sadyang, hindi lang talaga makuntinto sa isa ang mga lalaki kaya pati tuloy ako napapahamak. Hayst! Ganon lang talaga ang mga pinagkakaabalahan ko sa buhay. Bahay at bar lang umiikot ang mundo ko. Not until, dumating 'yong matandang Luca na 'yon. He messed up my entire life. Ilang linggo na akong hindi na kakapag-bar dahil sa letsing utang na 'yan. Akala ko magiging okay na lahat sa akin dahil step dad naman siya ni Amethyst. Tsk. Ayaw pa niyang ipaalam. Argh! ilang araw na lang at isang buwan na! "You still awake?" Speaking of the devil. Hindi ko pinansin ang taong nagsalita sa likod ko. Alam ko naman kasi kung sino siya at wala ako sa mood na makipag-usap sa kaniya. "Do you need my help?" I let out a frustrated sigh and looked at him. "Stop bothering me. Wala ba kayong magawa sa buhay ng mga anak mo kundi ang guluhin ako?" inis kong sabi sa kaniya habang nakakunot pa ang noo ko bago ko ibinalik ang atensyon ko sa sugat. He walked pass by me at hindi na nagsalita, which is good to me. Nakita ko sa gilid ng mata ko na kumuha siya ng isang can na beer sa ref. Itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa panggagamot sa sarili ko. Hinawi ko ang buhok ko sa kabilang side at ginamot ang kalmot na nasa leeg ko. I can't see it dahil wala naman akong salamin pero ramdam ko ang hapdi doon noong naliligo ako. "It's on your right side," rinig kong sabi niya kaya sinunod ko naman. "No. Go up a little." Itinaas ko ng kaunti ang bulak sa kamay ko sa leeg gaya ng sinabi niya. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya at napapitlag pa ako sa gulat nang bigla niyang kinuha ang bulak sa kamay ko. "What...." "Come here," He commanded me. Umupo siya sa isang upuan at humarap sa akin. Lumayo naman ako nang kaunti sa kaniya dahil kumakabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa ginawa niya. Why am I palpitating? Hindi ko naman nakahiligan ang pagkakape araw-araw. "W-what are you doing, old man? Mind your own business." Kumuha ako ng isa pang bulak pero agad ko ring nabitawan ito when he immediately smacked my hand. "Come closer to me and let me take care of it," seryosong sabi niya habang titig na titig sa akin. What's wrong with him? Bakit siya biglang nag kaganito? Sinapian ba siya ng mabuting kaluluwa? "No way. Baka sakalin mo pa ako," pabulong kong tutol saka tumayo para sana bumalik na sa kuwarto ko. Pero agad akong napabalik nang upo nang maitapak ko sa sahig ang injured kung paa. Damn! I f*****g forgot it! "Fvck!" mahinang daig ko nang mapapikit ako sa sakit. "Tsk. Stop being stubborn," malamig niyang wika bago hinila ang upuan ko palapit sa kaniya. Pigil hininga akong napatingin sa mga mata niya habang siya ay dahan-dahan namang inilapat ang bulak sa sugat sa leeg ko. Hindi ako nakaramdam ng hapdi dahil nasa mukha lang niya ang buo kong atensyon. He's too close to me that I could even see the dark circle around his eyes. His clear 'Lake under the moonlight sky eyes' where also breathtaking. I gulped when my eyes went down to his proud nose, down to his defined jawline. I almost drooled when I stared at his lips. "Like what you see?" I snapped back when I heard his voice. I immediately rolled my eyes when I saw a hint of amusement behind his eyes and that made me blushed. Tapos na pala niyang gamotin ang kalmot sa leeg ko kaya lumayo na ako. "As if," matigas kong sagot. I continued treating my wound, while he sat back in his chair, watching me intently while sipping his beer. It was a strange sensation, having someone pay such close attention to me, but I couldn't deny the gentle patience in his gaze. Pa minsan-minsan ay napapasulyap ako sa kaniya pero ganon pa rin ang ayos niya. Naiilang na nga ako sa kinauupuan ko ngayon. Ano ba kasing problema ng isang 'to? Bakit hindi na lang kaya siya sa kuwarto niya uminom? Bakit ba kailangan guluhin niya pa ako rito? Why did he have to make things so difficult? Couldn't he just mind his own business and leave me alone? "Nag kuwento sa akin ang mga anak ko. They told me everything," basag niya sa katahimikan. Inis ko siyang binalingan ng tingin. "So, what? Papagalitan mo ba ako dahil itinuro ko 'yon sa mga anak mo? Na masama akong empluwensya sa kanila? Na mga bata pa sila para makipag-away? Na..." "No, Asuna," pagpuputol niya sa sasabihin ko sana. "They told me how you stood up for them, how you protected them when no one else would. And for that, I would like to say thank you." Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o ere-react ko man lang. This is not the reaction I expected from him. Akala ko papagalitan niya ako at papaalisin niya ako sa bahay niya. I was too stunned to speak. "If I was there, I would have done way worse....." "I might have killed her," He said with no emotions evident in his eyes as if killing someone wasn't a big deal for him. Napalunok ako sa sinabi niya. Natakot din ako sa tono ng pananalita niya at sa expression din ng kaniyang mga mata. K-killed? "P-pumapatay ka?" tanong ko habang deretsong nakatingin sa mga blanko niyang mga mata ngayon. Obviously, Asuna! Nagawa ka nga niyang tutukan ng baril hindi ba? Kaya hindi rin impossible na hindi siya pumapatay. "W-who are you, Luca?" I finally mustered the courage to ask after he didn't answer my first question. Biglang lumiwanag ang mukha niya at ngumisi sa akin nang nakakaloko, but his eyes were just empty as before. Nakasandal pa rin siya sa upuan at titig na titig sa akin at gano'n din ang ginawa ko sa kaniya. Nakikipaglaban ako sa mga titig niya. "I love it when you call my name, Asuna. It's like a music in my ears," nakangising usal niya. "Stop it! Just answer my freaking question! Who the fvck are you or what are you?" balik kong tanong. I was dying to know. Baka criminal na ang kasa-kasama ko sa isang bubong. "You don't have to know, Asuna," aniya sa akin kaya marahas akong napabuga ng hangin. "Ayokong magising na lang na nakipag-meet and great na ako kay San Pedro no," usal ko. "But, Fine! Kung ayaw mong sabihin, then I won't force you. But don't think this means I trust you completely. You still have a lot to prove, Mr." I said. He chuckled softly. I froze. This is my first time seeing him chuckled and I can't help but to be mesmerized by his beauty. Oh My God! He looks better when he laugh. "Fair enough," He replied before raising his can of beer in a mock toast. "But how about a good kiss? Maybe then I'll consider sharing my secrets," nakakalokong hirit niya sa akin sabay lagok ng laman ng beer habang nakatingin sa mga mata ko. I rolled my eyes again at his teasing tone, a mix of annoyance and embarrassment filling me. Napabuntong hininga na lang din ako dahil mukha namang hindi siya matinong kausap. I scoffed. "Dream on, Luca." "Wala na akong pakialam kung magnanakaw ka, sindikato, kriminal o ano pa. Just leave me in peace," sabi ko sa kaniya bago dahan-dahan na tumayo at pumunta sa ref para kumuha na rin ng maiinom para madali akong makatulog mamaya. "Not until you pay me," pahabol na sabi niya. "Fine. Babayaran naman talaga kita ng buo. Maghintay ka lang," inis kong sambit bago naglakad na paalis at iniwan siya roon. Pumasok ako sa kuwarto ko at humiga na. I looked at the small calendar na nasa side table ko lang. Dalawang linggo na lang pala ang naiwan bago mag isang buwan. Ayaw ko rin naman munang lapitan si Amethyst dahil sa nangyari kanina at ayaw ko namang lunukin 'yong pride ko, no. Dahil sa inis ay napasambunot na lang ako sa sarili kong buhok na agad ko din naman pinagsisihan. Nakalimotan ko na hindi pa pala okay 'yong anit ko tapos dinagdagan ko pa. Haist! "Argh! I hate this life! I miss the bar and I also miss the boys." Maghahanap siguro ako ng ibang paraan para magkapera muna bago ko iisipin' yong pagba-bar na naman or maybe kakusapin ko si Tasha, baka may alam siyang trabaho na puwede kong pagkakitaan nang malaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD