Hindi pa nga ako nakakatagal sa pagkakahiga ay may kumatok na agad sa pinto ng kuwarto ko. Inis akong bumangon at binuksan ang pinto pero nang makita kong si manang Berta lang pala ito ay nagbago agad ang expresyon ko.
I smiled. “Ano pong kailangan niyo manang?"
Mukha namang balisa at hindi mapakali si Manang kaya agad na kumunot ang noo ko at hinintay ang sasabihin niya.
“May tumawag kasi sa telepono ngayon, Asuna,” simula niya na halata sa boses ang pagkataranta.
“And then? Ano pong konek sa pagkatok niyo sa pinto ko? ” takang tanong ko at hindi ko nga mapigilang mamilosopo. Letseng bunganga naman kasi 'to. May sarili isip yata.
“Principal ng skwelahang pinapasukan nila Hazel at Lewis ang tumawag. Pinapatawag daw ang mga magulang ng dalawa dahil nakipag-away ito sa isang kaklase nila. Eh, hindi naman sumasagot ng tawag si sir Luca at Amethyst,” paliwanag ni manang.
I rolled my eyes nang alam ko na agad kung anong susunod na sasabihin ni manang.
"So, what do you want me to do, manang? Ako 'yong pupunta kasi wala 'yong dad at ate nila? The hell! No," matigas kong tutol bago ko ipinag-cross ang mga kamay ko sa dibdib.
"Tawagan niyo na lang ulit 'yong papa nila at si Amethyst. I'm not available right now. Pagod pa ako at saka," Itinuro ko naman ang paa ko. "Pilay ako."
"Pe ...pero Asuna kahit anong tawag ko kasi ay hindi sumasagot si sir Luca pati na si Ms. Amethyst. Sige na, Iha. Ikaw na lang talaga 'yong malalapitan ko. Kawawa naman kasi 'yong dalawa ngayon sa principal office. Narinig ko pang sinisigawan sila ng isang babae." Hinawakan ni manang ang kamay ko at tiningnan niya ako nang may pagsusumamo sa mga mata niya.
I took a deep breath and sighed. Argh! Ano na naman kasing kalokohan ang pinaggagawa ng kambal para mapunta sila sa principal office.
"Fine. Mag-aayos muna ako," inis kung sagot bago isinara ang pinto ng kuwarto.
Naligo nga muna ako at nag bihis ng simple skirt na abot hanggang tuhod at white V-neck shirt at tsinelas lang ang ipinaris ko dahil hindi pa gaanong magaling itong paa ko. Ewan ko ba sa kanila. Dapat nga nagpapahinga ako sa lagay kong 'to.
Hinanda ko muna ang lahat bago lumabas ng kuwarto habang naka-saklay.
Tinanong ko muna si Manang kung anong address ng skwelahang pinapasukan ng kambal. Sinabi naman niya agad sa akin kaya lumabas na ako ng bahay.
I plan to take a taxi. Buti nga at may pera si manang kaya pinahiram niya muna ako.
Nang makarating ako sa skwelahang sinasabi ni manang Berta ay nagtanong-tanong pa ako kung nasaan 'yong principal office. Sinabi naman ito agad ng guard kaya nagtungo agad ako sa sinabi niyang daan.
Malaki ang paaralan at mukhang mga mayayaman lang ang nagpapaaral dito.
"I want these children to be expelled! Walang kapatawaran ang ginawa nila sa anak ko!" Kusang napataas ang kilay ko sa narinig kong sigaw.
Hindi pa nga ako nakakapasok ay dinig ko na ang sigaw na nanggagaling sa principal office. Hindi na ako kumatok pa. Pumasok na agad ako nang marinig ko ang iyak ni Hazel at Lewis sa loob.
Nag-init naman agad ang ulo ko nang makita ko kung paano pinagpapalo ng babaeng 'to ang puwetan ni Lewis na ngayon ay umiiyak-iyak na at walang magawa habang pinipigilan siya ng principal at ni Hazel.
"Bitawan niyo po ang kapatid ko," iyak ni Hazel.
Kahit paika-ika ay nilapitan ko kaagad sila at walang pasabing hinila si Lewis palayo sa bruhang 'to. Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataong magsalita dahil malakas ko na siyang sinampal gamit ang likod ng palad ko. Dahil sa lakas ng pagkakasampal ay malapit pa siyang mawalan nang balanse.
Tinanggal ko ang sunglasses na suot ko and I gave her my death glare look. Gulat naman siyang tinapunan din ako ng tingin. Ngunit, tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Everyone! Please calm down. Hindi ito magiging mabuti para sa mga bata. Mrs. Rivera, huwag niyo po sanang saktan ang bata. Pakinggan muna natin ang sasabihin nila," sabi ng Principal at pumagitna pa sa aming dalawa dahil kulang na yata ay mag p*****n kami gamit ang mga tinginan namin.
In fact, kanina pa ako handang gilitan ang lalamunan niya.
Padabog akong umupo sa kaharap na upuan habang hindi ko pa rin inaalis ang masamang tingin sa babaeng kaharap ko.
"Who the hell are you to slap me!?" nanggagalaiti sa galit ang mukhang sigaw niya sa akin. Napaatras pa ang principal dahil sa biglaang pag sigaw nito. Tsk. Napakaeskandalusa naman niya.
"Don't tell me you're these brats mom?" tanong niya ulit pero sa pagkakataong ito ay mukhang kumalma na siya. She even made a mocking sound.
Sumandal ako sa upuan at nag cross-arms. Tinaasan ko ulit siya ng kilay.
"Yes, I'm their mother. So, who the fvcking hell are you to hit my child?" matapang ko ring tanong pabalik sa kaniya.
Nakita ko kung paano tumaas ang gilid ng kaniyang labi at nginisihan pa niya ako habang naka-cross arm ang dalawang kamay niya. What with that look? Huh?
My eyebrow twitched again. My instinct told me that this person would definitely not say anything that please me.
"It looks like you had them out of wedlock!" pang-iinsulto niya ulit sa akin.
"Kaya pala ganiyan ang ugali ng mga anak mo dahil hindi mo naturuan nang maayos." Nginisihan ko lang siya pero sa totoo lang ay gusto ko na siyang sakmalin agad. Nagtitimpi lang ako dahil nasa harap kami ng mga bata ngayon at ng principal.
"You know what, Mrs. Salvez," Binalingan niya naman ng tingin ang principal. "You should separate the kids from those kids who don't have a proper and problematic parents," dagdag niya bago ako tiningnan ulit.
I scoffed and spat out, "Wow! The statement you've just said shows how a great parent you are." A laughter filled of ridicule came out of my mouth. Pumalakpak pa ako nang malakas pero pabagsak na paraan.
"Fvcking b***h," I mouthed at her.
Nakita ko naman kung paano bumilis ang paghinga niya na parang ano mang oras ay sasabog na siya sa galit.
"Alam mo ba ang ginawa ng mga anak mo sa anak ko!?" halos pasigaw na niyang tanong sa akin pero inirapan ko lang siya.
"Tingnan mo ang anak ko. Nagkasugat siya dahil itinulak siya ng mga anak mo," sabi niya at ipinakita pa sa akin ang sugat ng anak niyang halos hugis bigas lang ang laki.
Mas lalong uminit ang ulo ko nang makita ko kung gaano kaliit ang sugat ng anak niya para pagbuhatan niya ng kamay si Lewis.
"Eh siya naman po ang nauna. Malakas niyang pinalo ang kapatid ko kaya nag kapasa siya sa braso. Gumanti lang naman po ako," sumbong naman ni Lewis.
Mas lalong tumalim ang tingin ko sa mag-inang nasa harapan ko. Kaya pala nag kapasa si Hazel sa braso dahil sa anak niya at napagalitan pa tuloy si Lewis ng wala sa oras kanina.
"You fuc..."
Mabilis kong pinigilan ang ano mang salitang ilalabas ng bibig niya. Mabilis pa sa alas-kwatro akong tumayo at pumunta sa harapan niya bago ko siya tinapunan ng nakakamatay na tingin.
"Subukan mong ituloy ang sasabihin mo at talagang papasok itong kamao ko sa bunganga mo," I gritted my teeth and warned her.
Natahimik naman agad siya pero kalaunan din ay nakakalokong ngiti ang ibinigay niya ulit sa akin matapos niyang matitigan nang mabuti ang pagmumukha ko.
She smirked. "I remember you. I saw you on the news. Ikaw 'yong anak ng sindikatong tatakbong Gobernador sana, hindi ba? 'Yong malanding babae na kung sino-sino lang nagpapatira," aniya.
Bitch! She's wrong! Isang lalaki lang ang nakatikim sa akin. At ang video at picture na nakita niya ay hanggang halikan at hawakan lang ang naganap. Nothing more.
"Ahh." Nakangising napatango-tango siya at natatawang tiningnan ang kambal na nasa likuran ko. Halatang nang-iinis siya sa akin. "So, that's explains them hahahaha," aniya at natatawang itinuro pa ang kambal. Nginisihan ko lang siya dahil sa sinabi niya.
"Mrs. Rivera, please stop. Nandito po tayo para pag-usapan ang nangyari hindi ang makipag-away," saway ng principal.
"No, Ms. Principal. Wala na tayong pag-uusapan pa. Now, I know what kind of mother they have," usal niya bago binalingan ng tingin si Hazel at ngumiti. "No doubt if her daughter would end up like her. Right, baby? A Fvcking slut."
Napantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya kay Hazel. Nawala na rin ang ngiti ko sa labi sa kadahilanang hindi ko nagustuhan ang huli niyang sinabi. Masamang tingin ang ipinupukaw ko sa kaniya ngayon. Kung kutsilyo lang ang tingin ko ay kanina pa tumagos ito sa katawan niya.
I can't let this slide!
Okay lang naman na ako ang insultuhin niya hanggang sa mawalan siya ng hininga, tatanggapin ko pero ibang usapan na kung idadamay niya ang kambal lalo na ang pagsalitaan ng ganoon si Hazel. Hindi ko 'yon matatanggap. Kahit naman ayaw ko sa kambal ay hindi ibig sabihin 'non na hahayaan ko na lang na pagsasalitaan sila ng gano'n. They are too young to hear those words!
"Ililipat ko na lang ang anak ko sa ibang school at sisiguradohin kung mananagot ang skwelahang ito," sabi niya bago padabog na umalis. Naikuyom ko ang kamao ko sa galit.
"Oh my goodness! I'm so sorry Mrs ...humantong pa sa ganito ang lahat," wika ng principal nang lingonin niya ako.
Pekeng ngiti lang ibinigay ko sa kaniya bago ko hinawakan sa mag kabilang kamay ang kambal at lumabas na rin kami agad ng principal office.
"I'm sorry, tita," mahinang sabi ni Lewis sa akin na sapat lang para marinig ko. Huminto ako at hinarap siya. Nakayuko ang kaniyang ulo na para bang malaki ang naging kasalanan niya.
"Look at me, Lewis," maawtoridad na utos ko sa kaniya na siya namang sinunod niya kaagad.
Mangilid-ngilid ang kaniyang luhang iniangat ang kaniyang tingin.
"Don't be sorry. It's not your fault," malambingi kong sabi saka hinaplos nang marahan ang mukha niya.
Lumabas na kami ng skwelahan at gaya nga ng inaasahan ko ay nasa labas din ang mag-inang kanina ko pa gustong kalbohin.
Tumigil kaming tatlong sa paglalakad.
"You see them?" kausap ko sa kambal habang itinuro ang mag-ina kanina na papalapit sa kotse nila. Nakita ko namang tumango ang dalawa.
"I will take care the mom and you will take care of her daughter. Okay?"
Sabay silang napaangat ng tingin sa akin. "Tita, what are you doing po? Hindi pa po magaling ang paa ninyo," wika ni Hazel nang bumaba ang tingin niya sa paa ko at sa saklay na gamit ko.
Hindi pa nga magaling pero ayokong ipunin ang galit na 'to sa loob ko, baka ikamatay ko pa 'to. Pilay lang ako, kayang-kaya ko pang makipagrambulan. This is nothing.
"Don't worry about me Hazel. Ano, Deal?" tanong ko ulit sa kanila.
"Deal," sang-ayon agad ni Lewis na halatang determinadong iganti ang kapatid. I smirked.
"But, it's bad tita. Baka magalit po sa atin si daddy and ate Amethyst kapag nalaman nilang nakikipag-away po kami."
I rolled my eyes dahil sa sinabi ni Hazel. I check her bruise at nandoon pa rin 'yon sa braso niya. Umupo ako para mapantayan siya.
"Yes, it's bad. Pero hindi sa lahat ng oras ay magiging mabait tayo, Hazel. You have to keep in mind that once someone throw you a stone, do not throw them back a bread. Instead, throw back a dagger. Okay?" sabi ko sa kaniya.
She has a good heart and I can see it. But I need to teach her how to fight. Hindi palagi na siya ang naaapi.
Dahan-dahan siyang tumango na parang hindi siya sigurado kaya I smiled at binalingan ko ng tingin ang mag-ina.
"Lewis, do not hit a girl no matter how bad or annoying she is. Only your sister can hit her. Your job is to protect your sister while she is hitting someone. Hazel safety is your first priority, okay? And remember this! Boys don't hit girls. Understood?" paalala ko sa kaniya.
"Yes, tita," sagot niya.
"And one more thing, do not call me tita," sabi ko sa kanilang dalawa.
"Yes, mommy," they said in chorus. Napailing-iling na lang ako dahil sa kapilyohan ng dalawa.
I tossed my scrunches somewhere at mabibilis ang hakbang kong pumunta sa gawi ng mag-ina kahit pa paika-ika ako. Hinablot ko kaagad ang buhok ng babae upang hindi siya makapasok sa loob ng sasakyan niya.
"Oh my ghad! How dare you pulled my hair," sigaw niya nang makita niya ako. Mas hinila ko pa ang buhok niya dahil sa inis ko kaya siya napaigik nang malakas.
"How dare you hit my son."
"How dare you insult me."
"How dare your daughter hit my daughter."
"How dare you open your filthy mouth."
Sinambunot niya rin ako nang malakas na halos matatanggal na ang anit ko. I slapped her hard and she slapped me back. Halos magpatayan na kami sa labas ng skwelahan.
Kung sa loob ay hinahayaan ko lang siya sa pinaggagawa at pinagsasabi niya sa akin at sa kambal. Well, I will not let her go this time. Kakalbuhin ko ang ulo niya.
Sisiguraduhin kung walang matitirang isang buhok sa ulo niya.
Hindi pa rin namin binibitawan ang isa't-isa kahit nagpagulong-gulong na kami sa lupa. May pagkakataon pang napupuruhan ang injury ko sa paa pero pilit ko na lang iniinda ito.
I will make sure she will pay for what she did to Lewis earlier and for what she said to Hazel. Kahit naman naiinis ako sa mga bata dahil sa kakulitan nila ay hindi ko pa rin hahayaang madihado sila.
Natigil lang ang awayan namin nang may pumagitna ng dalawang guard sa amin.
"You will pay for this," asik niya sa akin bago kinuha ang anak niya at sumakay na sa sasakyan.
"Sure! Bring it on!" pahabol ko and I salute my middle finger bago siya makaalis.
Marahas akong napabuga nang hangin nang pinuntahan ko ang kambal na gulong-gulo na rin ang sarili dahil din sa pakikipag-away sa anak ng babaeng 'yon.
Kinuha ko muna ang saklay at ginamit ito. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang mas sumakit ang paa ko.
"Did you hit her?" tanong ko kaagad kay Hazel.
"Yes. I pulled her hair too," pagmamalaki pa niya.
"Wala ka bang sugat o masakit sa katawan mo?" tanong ko na naman nang suriin ko siya.
Lagot ako sa Daddy nila kapag nagkataon na nagkasugat at pasa ang kambal niya.
"No. Kuya protected me. Hinawakan niya nang mahigpit 'yong kamay ni Fatima para hindi siya makalaban. Pero nang makaalis siya sa pagkakahawak ni kuya ay sinambunutan niya agad si kuya at kinalmot pa niya ang braso," paliwanag ni Hazel.
Tiningnan ko naman ang braso ni Lewis at may kalmot nga ito at dumudugo pa. Tsk! Pinaglihi ba sa pusa ang mag-inang 'yon?
"But I didn't hit her," hirit niya naman kaya napangiti na lang ako at ginulo ang buhok niya.
"Okay, let's go home bago pa dumating ang ate niyo at dad sa bahay. Kailangan ko munang magamot kayo at mabihisan," sabi ko at naglakad.
Umisang hakbang pa lang ako ay agad na akong nawalan nang balanse. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang mamilipit ako sa sakit. Tiningnan ko ang pilay kong paa na mukhang napuruhan kanina.
"Tita, parang lumala po ang paa ninyo," nag-aalalang wika ni Lewis.
Tumayo ako nang tuwid at ininda ang sakit. "It's nothing. Hindi naman masakit."
Sumakay na kami ng taxi para makauwi kami agad at para na rin magamot ko na ang sugat ni Lewis at pati na ang sarili ko na puno na ng pasa at kalmot.
Masakit din ang katawan ko at mukhang bugbog sarado rin ako. 'Yong pilay ko ang masyadong napuruhan sa away namin.
Nang makarating kami ay agad akong bumaba sa taxi at sumunod naman ang kambal. Hawak ko sila sa magkabilang kamay na pumasok sa bahay. Inalalayan pa nila ako dahil paika-ika akong naglakad.
Nang makapasok ay natigilan pa kaming tatlo dahil sakto ring bumaba ang daddy nila sa hagdanan at nakita kami. Muli na namang nagkasalubong ang makakapal niyang kilay.
Shit! Bakit ang aga naman yata niyang nakauwi?
"A-asuna?"
Gulat akong napatingin kay Amethyst na nandito rin.
Hindi ko pa naayos ang sarili ko. Gulong-gulo pa ang buhok naming tatlo dahil sa away at madumi pa ang puti kong damit. Akala ko kasi ay hindi pa sila makakauwi. Maaga pa naman.
"What the hell is happening the three of you? Bakit ganiyan ang ayos niyo?" Nakakunot ang noo ngang tanong ni Luca nang makababa siya nang tuluyan sa hagdan.
I gulped before I lied. “W ...we just hang out."