"Dahan-dahan lang, Asuna,” paalala sa akin ni Amethyst nang alalayan niya ako sa pagpasok sa kotse niya.
Bukod kasi sa natamo kong minor injury sa ulo ay may minor injury din ako sa paa kaya saklay ngayon ang ginagamit ko para makalakad ako nang maayos.
1 week din akong na-confine at ngayon nga ay lalabas na kami dahil 'yon naman ang sinabi ng doktor. Bumubuti naman daw 'yong kalagayan ko, kaya puwede na raw akong magpahinga na lang sa bahay at babalik lang ako sa hospital kapag tatanggalin na 'yong cast na nakalagay sa paa ko.
"I can handle myself," mataray kong sambit sa kaniya nang makaupo na nga ako sa passenger seat. Hindi naman kasi ako baldado talaga. Kaya ko naman ang sarili ko kahit wala siya sa tabi ko, just like these past years. I survived without her.
Nakita ko naman ang pag ngiti niya bago sinara ang pinto at umikot para pumasok sa driver seat.
Minuto lang ang itinagal ni Amethyst sa pagda-drive. Hindi naman kasi gaanong kalayo ang hospital sa bahay nila. Pero habang papalapit kami ay hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nagkaharap na kami ni Luca. Ayaw ko ring malaman ni Amethyst na may nangyari sa amin ng step dad niya. That would embarrassed me. For real!
Mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko para pakalmahin ang sarili ko bago ako bumaba ng kotse dahil nandito na nga kami. Nasa tapat na kami ng bahay nila. Nasabi kasi sa akin ni Amethyst na hindi pa raw niya nakakausap ang step dad niya tungkol sa pagtira ko rito dahil agad daw itong umalis sa bansa dahil sa business trip no'ng araw na na aksidente ako.
Inalalayan pa rin ako ni Amethyst sa paglalakad hanggang sa makapasok na kami sa loob ng bahay. Sumalubong agad sa amin ang isang matandang katulong na alam kong si Manang Berta ito dahil narinig kong tinawag siya ni Amethyst noon.
"Nako, Iha. Buti naman at maayos ka na. Nag-aalala kami ng sobra sayo," mahinahong usal ni Manang Berta sa akin at kinuha ang mga dalang gamit ni Amethyst.
Tipid naman akong ngumiti sa kaniya. "Thank you, manang," sambit ko na lang kahit hindi ako naniniwalang nag-aalala talaga sila sa akin. Isang beses pa lang kaming nagkita at hindi ko nga sila kinakausap noong nandito ako. Impossibleng mahalaga na ako sa kanila.
"Manang, ihatid mo muna si Asuna sa magiging kuwarto niya. Ako na lang ang maghahatid sa tanghalian niya," wika ni Amethyst, kaya tumango si Manang berta bago ako inalalayan na maglakad papunta sa magiging kuwarto ko.
Hindi na kami umakyat pa sa hagdan dahil nasa first floor lang naman ang magiging kuwarto ko raw. Okay na rin ito para hindi ako mahirapan sa pagbaba at akyat ng hagdan araw-araw. Sa isang guest room kami pumasok at nakita ko nga na malinis at malaki ang loob nito.
Inalalayan na ako ni manang na umupo sa kama.
"Thank you, manang," pasasalamat ko sa kaniya nang maka-upo na nga ako. Hindi pa sanay ang sarili ko sa paggamit ng saklay kaya pahirapan pa sa akin ang maglakad pero sa tingin ko naman ay magiging okay na ako sa susunod na araw. Minor injury lang naman ito. Tsk. Napakalayo sa bituka.
"Walang ano man, Iha. Dito muna ang magiging kuwarto mo at saka ang mga gamit at damit mo ay naayos ko na rin sa closet mo. Magpahinga ka na lang muna," aniya sa akin kaya ngumiti akong tumango sa kaniya.
Nang makalabas siya ay pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama. Maganda at malaki ang kuwarto. May sarili din akong TV dito.
Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nililibang ang sarili ko dahil sa pagkabagot. Yes, you read it right. Nasa akin na ngayon ang cellphone ko. Ibinigay ito sa akin ni Amethyst at ang sabi niya ay nahuli raw 'yong magnanakaw na hinabol ko at naging sanhi ng aksidente ko.
I activated my f*******: account after I diactivated it for how many days when the news spread out. Wala kasi silang tigil kaka-message sa akin, kaya napilitan akong gawin 'yon. Ni-review ko na lang ang mga past post ko sa timeline at nakita ko nga na maraming nag react sa mga post ko at karamihan dito ay angry pa. Tsk! Wala talagang pinagkakaabalahan ang mga tao.
Pumunta ako sa comment section at agad na napataas ang kilay ko nang maraming negative comments pa ang mga nandito.
"Malandi ka! Nilandi mo ang boyfriend ko kaya kami nagkahiwalay. Karma mo na 'yan."
"Nilandi niya rin ang boyfriend ko! Napaka-walanghiya rin ang babaeng 'yan. Kating-kati ang katawan."
"Salot 'yan sa lipunan. Naninira ng ibang relasyon. Ang dapat sa kaniya ay makulong din katulad ng kaniyang ama."
That was just a few negative comments I read. Marami-rami pa ang nakita ko at hindi yata kasya ang isang araw para basahin ko ito lahat.
Kahit anong ngawa naman nila sa comment section ko, I still don't give a f**k. Hindi naman nakakamatay ang mga sinasabi nila.
May naisip akong tingnan sa f*******: kaya pumunta na lang ako sa search button at pinindot ito. I tried searching Amethyst's step dad name, pero pangalan lang niya ang naalala ko. Alam ko naman ang apelyido niya dahil nabasa ko 'yon sa kontrata pero hindi ko lang talaga maalala.
"Argh! Why bother searching him," inis kong wika sa sarili, bago ko pinatay ang cellphone at tulalang tiningnan na lang ang puting kisame ng kuwartong 'to hanggang sa bumigat nang bumigat ang mga talukap ko at dalawin ako ng antok. Hindi ko na nahintay pa ang pagkaing sinasabi ni Amethyst dahil gusto ko munang umidlip.
Naalimpungatan naman ako nang maramdaman ko ang pag-uga ng hinihigian kong kama at nakarinig pa ako nang mahinang bungisngisan ng mga bata.
My brows immediately furrowed as I opened my eyes at dalawang bata agad ang bumungad sa akin. Isang babae at lalaki na sa tingin ko ay kambal. Nasa kama ko sila ngayon at nagtatatalon kaya ako ay tumatalbog-talbog.
"Who are you?" inis kong tanong sa kanilang dalawa bago ko iniabot ang saklay at bumangon na sa pagkakahiga. What i hate the most is children. Lalo na kapag makukulit ....like them.
Tumigil naman sila sa pagtatalon at hinarap ako at bungisngis pa nang mapunta ang tingin nila sa paa kong may cast. Napunta rin naman ang tingin ko roon at masama ngang tingin agad ang ipinukol ko sa dalawang bata nang makita kong maraming drawing ng mga crayon at pentelpen ang nakalagay doon.
Ginawa pa talagang drawing book itong cast ko sa paa!
"I'm Hazel and this is my brother Lewis," sagot sa akin ni Hazel.
I rolled my eyes at nakapamaywang ko silang dalawa tiningnan ngayon. "And what are you doing in my room and do this to me? Hindi ba kayo tinuruan ng magandang asal ng mga mga magulang ninyo?" malditang sambit at tanong ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako dahilan upang mas lalo akong mainis.
"Come here. I'll teach you a lesson on your parents behalf," inis na sambit ko at pilit hinuhuli sila pero mukhang nasisiyahan sila sa kakatakbo at kakaiwas sa akin. I'm serious! Talagang papaluin ko sila kapag nahuli ko sila ngayon.
"It's time to have dinner kaya po ginising ka na namin," sagot naman ni Lewis habang tumatakbo palayo sa akin.
Hinihingal naman akong napatigil at tiningnan ko na lang sila nang masama. Pasalamat lang talaga sila dahil pilay ako ngayon dahil kung hindi ay kanina ko pa sila ibinitin patiwarik at nang matuto.
I rolled my eyes and sighed in defeat. Lumabas na lang ako ng kuwarto kahit wala pa ako sa ayos. Napahaba ang tulog ko.
Agad kong nakita si Amethyst sa hapag-kainan at napatigil lang ako sa paglalakad nang makita ko si Luca na nasa hapag-kainan din at kinakausap si Amethyst. Napalunok ako nang wala sa oras nang mapunta ang malamig niyang tingin sa akin, pero agad din naman niyang ibinalik ang tingin niya kay Amethyst.
Napahawak ako sa bandang dibdib ko nang hindi ko maikalma ang puso ko.
"Asuna, gising ka na pala," ani ni Amethyst sa akin nang makita niya akong papalapit. Dali-dali naman siyang pumunta sa gawi ko at inalalayan ulit ako sa paglalakad hanggang sa pag-upo ko sa hapag-kainan.
"Dinalhan kita ng pagkain kaninang tanghali pero nakita kong nakatulog ka kaya hinayaan na lang kitang magpahinga. Here eat this. Pinaluto ko 'yan kasi alam kong paborito po 'yan," nakangiting sabi niya sa akin habang nilalagyan ng pagkain at shirmp ang pinggan ko.
"I'm allergic to shrimp," biglang sabi ko kaya napatigil siya sa paglalagay nito sa akin at agad ding tinanggal agad ang mga iyon.
Paborito ko nga ito noon pero allergic na ako niyan ngayon. Bago ko lang nalaman na may allergic pala ako sa shrimp.
“I'm sorry. Kukunin ko na lang,” awkward na sabi niya at dali-daling kinuha ito sa pinggan ko.
"Anyways, Are those two brats is your children?" Inis kong tanong habang itinuro ang dalawang bata na kalalabas lang sa silid ko.
She just laughed. "No ...they are my siblings. They are adorable, right?"
Hindi naman maipinta ang mukha ko sa sinabi niya. Adorable? Tsk, more like f*****g annoying. Napaka likot nila. Para silang bulateng inasinan sa sobrang likot.
"Hazel and Lewis, set down and eat," seryosong utos ng papa nila at sumunod din naman sila kaagad.
I started eating at napapikit ako sa sarap nang malasahan ko ang pagkain. It's delicious.
"Pumayag na pala si dad na dito ka titira, pero...." simula ni Amethyst
"But what?" tanong ko kahit may pagkain pa sa bibig ko.
"You have to do all the household chores," singit ni Luca bago ako malamig na tiningnan. Napalunok naman ako sa klaseng titig niyang 'yon.
But, what? Household chores? Don't tell me gagawin nila akong julalay dito?
Ibinagsak ko nang malakas ang kubyertos na hawak ko. Nagulat naman doon ang lahat. Agad ko na ring kinuha ang saklay at tumayo na.
"I'm leaving the hell out of here!" inis kong sabi at inirapan silang lahat.
Hinawakan naman agad ako sa kamay ni Amethyst nang akma akong aalis.
"No, you stay here, Asuna. Wala kang mapupuntahan. At saka isa pa ay gabi na rin, baka mapano ka pa sa labas. You can't even barely walk. Hindi naman mahirap gawin ang gawaing bahay. Tutulong ka lang kila Manang Berta, that's all."
Itinabig ko nang malakas ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"The heck, Amethyst! Gagawin ninyo pa talaga akong maid dito? Forget it! Magmo-motel na lang ako," mariin na sabi ko. Motel is a friendly budget at kayang-kaya pa naman siguro ng bulsa ko ngayon.
"No, just stay here." maawtoridad na sabi niya sa akin, kaya tinaasan ko siya ng kilay. Agad namang lumambot ang expresyon ng kaniyang mukha.
"Hindi ka naman magiging katulong dito. You will just lend them a hand if they need it. 'Yon lang and you can feel at home. Besides, kung aalis ka ay hindi lang pangbayad sa m-motel ang babayaran mo. What about your foods? Your necessities? At saka kakalabas mo lang ng hospital, Asuna. Hindi ka pa makalakad nang maayos. Gumagawa na rin ako ng paraan para maibigay ko sayo ang 5 billion na hinihingi mo para makabayad ka na sa utang ni dad," mahabang litanya niya. Nang marinig ko naman iyon ay marahad akong napabuntong hininga ulit.
Kung hindi lang sa aksidente at kung hindi lang sa utang ay hindi ko masikmuraang tumira didto.
Masamang tingin ang ipinupukaw ko sa step dad ni Amethyst bago pabagsak na umupo ulit sa harap ng hapag-kainan. He's really giving me a headache right now! Pero tama naman ang sinabi ni Amethyst, kapag aalis ako ay hindi lang motel ang babayaran ko at saka injured pa ako, hindi ko pa kaya.
"Fine. I'll stay here," labag sa loob na pagkakasabi ko. "And about the creditor...." I stopped speaking when I saw how Amethyst's step-dad immediately glared at me, giving me a hint of warning.
I gulped when I felt a sudden goosebumps all over my body. Bakit ba ganiyan na lang siya makatingin sa akin? Parang lalapain ako nang buhay.
"What about the creditor?" nakakunot ang noong tanong ni Amethyst sa akin.
"Nothing. He'll just kill me if i didn't pay them right on time," I said casually and started eating again, while avoiding his sharp gaze.
"Ano? Anong klaseng tao ba ang pinagkakautangan ni dad at ganon na lang sila manakot?" hindi makapaniwalang tanong ni Amethyst.
I smirked. Hindi dapat niya sa akin tinatanong niyan. Itanong niya 'yan sa magaling niyang step-dad. Tsk.
"A devil," sagot ko na lang habang nakatingin sa step dad niya bago ako umiwas ng tingin nang mag tama na naman ang mga mata naming dalawa.
Hindi ko na lang pinansin ang mga sumunod na tanong ng kapatid ko at nagpatuloy na lang sa pagkain. Palaging nakaw na tingin na lang din ang nagagawa ko sa step-dad niya at pasimple itong iniirapan dahil sa galit ko sa kaniya ngayon.
He's really annoying! Kahit guwapo siya ay nakakainis pa rin ang mukha niya. Nakakataas ng presyon ng dugo!