7: He looks like your older brother

2463 Words
"Y-your step dad?“ hindi makapaniwalang tanong ko kahit napaka-obvious naman ng sagot. Kailangan ko lang talaga i-proseso sa utak ko dahil hindi ako makapaniwala. Like, paano nangyari? Paanong siya ang step dad ni Amethyst? Is these all part of a coincidence? Goodness! This can't be happening! Anong mukha pa ang maihaharap ko ngayon? Now, I feel embarassed after knowing that his my sister's f*****g step father. s**t! Napaka-wild ko pa naman 'nong gabing 'yon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagwawala na yong puso ko dahil sa pinaghalong kaba at takot. Bakit ba kasi sa dinamidami ng lalaki sa bar noong gabing 'yon, siya pa talaga ang napili kong paglaruan. Arghh! I'm sure know how to make trouble for myself. "Oo, Asuna. He's also the owner of this house," nakangiting tugon sa akin ni Amethyst na para bang ang saya-saya niyang ipakilala ito sa akin. Well, kung siya ay natutuwa, ako hindi. Gusto ko na ngang maglaho, o 'di kaya ay lamunin na ako ng lupa ngayon din. I wanted to turn around, run outside the house, out of their place and OUT OF THIS FREAKING COUNTY until I can't see him. Kung alam ko lang talaga ay hindi na sana ako sumama kay Amethyst dito. Pinili ko na lang sanang magpalipas ng gabi sa kalye. Tipid na lang akong ngumiti at pilit kinakalma ang sarili ko. I can't stay here. Definitely must not!! Hindi nga siya asawa ni Amethyst pero step dad niya naman ito at asawa pa ng mama niya. Ano bang pinagkaiba 'non? Ang lala nga ng pagiging step-dad niya may Amethyst. "What is she doing in my house, Ame?" malamig ang boses na tanong niya sa kapatid ko habang hindi pa rin inaalis ang pag katitig niya sa akin. His expression was unreadable. My limbs felt stiff and my throat dry after looking at him. "Hmm ...dad, can she stay here? Wala na kasi siyang matutuloyan pa." He scoffed and spat out. “Why? Wala ba siyang bahay?" I secretly gave him my death glare. I really wanted to take a megaphone and shout right into his ear like this 'Oo, wala na akong bahay dahil ibenenta ko na ito para pambayad sa'yo! Hinayupak ka!' Masama ko na lang siyang tiningnan nang maalala ko ang lahat ng paghihirap at sakripisyong kailangan kong gawin para makalikom ng pera para pambayad sa kaniya. Tsk. If my eyes could kill, he would probably have already been six feet under. Tumikhim ako. "N-no, I will not stay here, Amethyst," singit ko sa usapan nila. Sinubukan ko talagang huwag mautal pero hindi ko talaga kaya dahil hindi pa nawawala ang kaba sa puso ko and now he's looking at me like as if coming to his house is already my biggest mistake. Nabigla naman si Amethyst sa sinabi ko. “What? Why? Napag-usapan na natin 'to, hindi ba? And you agreed, Asuna," naguguluhan ang mukhang tanong niya sa akin. Seryoso ko lang siyang binalingan ng tingin. Kanina 'yon noong hindi ko pa kilala ang step dad niya. Iba na ngayon. Ang kapal naman ng mukha kong makitira sa pamamahay niya when he clearly doesn't like me to be here. In fact, baka nga natatakot 'yan dahil baka mabuking ang panloloko niya. Tsk. Men will always be men. "I change my mind," sagot ko na lang. Hindi ko kayang tumira sa isang bubong kasama ang step-dad niya at ang ina ni Amethyst matapos ang nangyari. Ngayon pa na alam ko na kung sino siya. Ayokong mapadali ang buhay ko rito. At saka, one mistake is already enough para matuto ako. Pero…. for a second thought, having him as my sister's step-father is not that bad. Siya ang pinag-utangan ng papa namin. If Amethyst finds out that her step-father is the creditor I'm talking about, maybe she can pledge him to lower the debt. Arghh!! Ano ba 'tong napasok ko? Gusto ko na lang talaga maglaho at lamunin ako ng lupa ngayon na. "She will not stay here, Ame," matigas at may halong awtoridad na sambit ng step-dad niya bago ito tumalikod at naglakad na paalis. Napapikit at nakahinga ako nang maluwag dahil sa pag-alis niya. Akala ko mahihimatay na ako kanina. "I'm leaving," sabi ko na rin at tumayo na matapos akong uminom ng tubig. Tahimik naman ang lahat at bakas sa mukha nilang naguguluhan sila sa eksena. Pumunta ako sa sala at kinuha ang maleta ko roon para umalis na sana pero hinabol pa rin ako ni Amethyst. "Asu, wait!" Hinawakan niya ang kamay ko. Natigilan ako nang marinig ang pangalang itinawag niya sa akin. It was my nickname na ilang taon ko ring hindi narinig. "Please stay here. Hayaan mo namang makabawi ako sayo sa kasalanang nagawa ko noon. You have no place to go at isa pa malaki ang bahay ni dad. Kasyang-kasya tayo ritong lahat," malambing na aniya sa akin. Hawak na niya ngayon nang mahigpit ang isa kong kamay, na para bang wala siyang balak na bitawan ako o paalisin ako ngayon. I bit my inside cheek, trying to suppress my emotions. Hinarap ko siya. "Look, Amethyst. Hindi mo na kailangang bumawi sa akin. Yes, I still hate you for abandoning me, pero tanggap ko na 'yon eh at nasanay na rin akong mag-isa, kaya please lang hayaan muna ako ngayon," seryoso kong sambit sa kaniya. Dahan-dahan naman niyang inalis ang pagkakahawak sa akin bago ito bumuntong hininga. Ilang segundo siyang hindi umimik at nanikip ang dibdib ko nang makita ko ang luhang lumandas sa kaniyang pisnge. Why are you crying now? Hindi ba't dapat ako 'yong umiiyak ngayon dahil ako naman 'yong naiwan? “Asu, I'm sorry.“ In that momet, I felt like all the thousand layers of barriers I created all these years almost collapsed. It was then I realized that all my suffering and resentment I felt when she left me could be easily resolved by just a simple 'sorry'. I clenched my fist as I used all my strength to hold back my tears. “It won't change a thing, Amethyst,” malamig kong tugon sa kaniya. “I know. Gusto ko lang humingi ng tawad sayo. These past few years was hard for me, but I knew better that anyone else that it was even hard for you.“ Umiwas ako nang tingin sa kaniya at huminga nang malalim. Marami akong gustong sabihin sa kaniya, marami akong gustong isumbat na inipon ko pa ng ilang taon, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para magsalita ngayon. I just couldn't find the right words to say. "If aalis ka talaga, then I wont stop you anymore," aniya bago may kinuha sa bag niyang nakalagay lang sa sofa. "Just call me here whenever you need me. Please, don't forget that I am still your ate. Matatakbohan mo pa rin ako kapag may problema ka,” She said to me with a reassuring smile. “Don't worry maghahanap ako ng paraan para sa limang bilyon na kakailanganin mo. I'm sorry for everything, bunso," dagdag niya bago inilagay sa kamay ko ang caller card at niyakap ako nang mahigpit. Pinigilan ko ang luhang gusto ng kumawala sa mga mata ko at hinayaan ko na rin na yakapin niya ako. I still can't forgive her. Umalis na rin ako sa bahay nila at ngayon nga ay nilalakad ko na ang kahabaan ng daan dala-dala ang maleta ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi naman pamilyar sa akin ang lugar na 'to. Hindi ko pinagsisihan na umalis ako sa bahay nila Amethyst at hindi itinuloy ang pag tira ko roon. Pakiramdam ko kasi na ang laki-laki ng kasalanan ko. Well, hindi ko naman itatanggi na malaking kasalanan talaga ang nagawa ko. Pero, hindi ko naman kasi alam 'yon eh. If I knew from the start, then I wouldn't do such thing. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinawagan si Tasha. Besides Tasha ay wala na akong kaibigan na puwedeng malapitan, except kay Jarren. Jarren is a nice guy too pero may kaunting trust issue pa rin ako sa kaniya. Hindi ko alam kong bakit ko ito nararamdaman. I just feel like may itinatago siya sa amin. Tasha is my only trusted friend na totoo sa akin. She's 3rd year college at sa sobrang busy niya ay napapadalang na ang pag ha-hang out namin. I brushed the strand of my hair back when she's not picking my call. "Tasha, pick up my call, please." Tinawagan ko ulit siya pero hindi talaga siya sumasagot. Napabuntong hininga na lang din ako. Hindi rin ako makapag-taxi ngayon dahil kulang ang dala kong pera. Inilagay ko kasi ang limang bilyon sa bank account ko para hindi ko ito magalaw. "Ahh!" gulat akong napasigaw nang may biglang humablot na lang sa cellphone ko at mabilis itong itinakbo paalis. Pag minamalas ka naman talaga oh! "Magnanakaw! Ibalik mo 'yang cellphone ko, hayop ka!" inis kong sigaw. Iniwan ko muna ang maletang dala ko bago ko siya hinabol. Hindi puwedeng wala akong cellphone ngayon. 'Yon na lang ang itinira ko sa sarili ko tapos kukunin lang niya. No! kailangan ko 'yon. Nakita kong tumawid siya kaya mabilis din akong tumawid para habolin sana siya pero... *Beeep!!!* *Bogsh* Naramdaman ko na lang ang pag tama ng sasakyan sa katawan ko at ang paggulong-gulong ko sa malamig na semento ng daan. Isang maiinit na likido ang naramdaman kong dahan-dahang lumandas mula sa ulo ko. Nagiging malabo na rin ang paningin ko at ang tanging naririnig ko lamang ngayon ay ang mga hiyawan ng mga taong naka paligid sa akin. Bumibigat ang talukap ng mga mata ko kahit pinilit kong aninagan ang mga taong nakapalibot sa akin. Hindi ko rin magawang igalaw ang katawan ko na para bang naparalisa na lang ako bigla sa nangyari. I can't feel anything. Hinayaan ko na lang ang pag pikit ng mga mata ko nang hindi ko na kaya ang bigat nito. _____ IMINULAT ko ang mga mata ko at ang puting kisame agad ang nabungaran ko. Pahirapan pa ang pagbangon ko sa pagkakahiga at nang makaupo na ako sa higaan ay hinihingal akong napasandal sa headboard ng kama. Mahina rin akong napaigik nang hawakan ko ang ulo ko dahil sumakit na lang ito bigla. Nahawakan ko naman ang bandage na nakapalibot dito. Hindi na ako magtataka kung saan ako ngayon dahil amoy pa lang ng silid na ito ay alam ko na ang sagot. "Oh, thanks god you're awake, Asuna," rinig kong sambit ni Amethyst. My forehead immediately creased as I saw her enters my room. Ano namang ginagawa niya rito? "What are you doing here?" magkasalubong ang kilay na tanong ko sa kaniya. Kahit sa ganitong kalagayan ay hindi ko pa rin makalimutang mag maldita. Agad siyang pumunta sa gawi ko at sinipat ako agad. “Someone saw my calling card in your pocket and called me at sinabing naaksidente ka raw, kaya dumiretso agad ako sa hospital na 'to. Thanks God at minor injury lang ang nakuha mo," aniya na may bahid na pag-aalala ang nahimigan ko sa boses niya. It's already 8 years simula noong nagkahiwalay kami. And she looked mature now. Pero, hindi pa rin siya nagbabago habang ako naman ay binago ko lahat sa akin. Hindi ko na nga kilala ang sarili ko. Napabuntong hininga ako sa harap niya. "I'm okay now, Amethyst. Kaya puwede muna akong iwanan dito katulad ng ginawa mo dati. You can pay my bill if you want, I don't mind," nababagot ang mukhang ani ko. Ayaw kong bawasan ang naipon kong pera sa bangko para lang sa bill ko rito. Pero, dapat nga ay hindi naman talaga ako ang magbabayad dito. Saan ba kasi 'yong nakabangga sa akin at bakit tinakasan ako? Tsk. Hindi naman niya binigyan pansin ang sinabi ko, na para bang hindi niya ito na rinig. "No, Asuna. Hindi kita iiwanan dito. At saka kahit gusto mo man o hindi ay doon ka na sa bahay namin magpapagaling at titira na rin. I'll talk dad about this. Hindi ko na kaya kung may mangyaring masama pa sa'yo," aniya kaya napataas ang sulok ng labi ko at napatawa na rin ako nang mapakla. Umaakto kasi siyang parang nakikipagkamay na ako ni San pedro ngayon. It's just a minor injury, hindi naman ako napuruhan talaga. Galos lang sa katawan ang natamo ko at pati na rin sa ulo at paa ko. Ang mas pinoproblema ko pa nga ngayon ay ang cellphone ko. I already experienced more than this before, kaya sanay na ako sa lahat. "Nasa bahay na rin ang mga gamit mo at nakahanda na rin doon ang matutulogan mo," dagdag niya pa. "How about your step-dad? Ayaw niya akong tumira roon, Amethyst," saad ko naman sa kaniya. Ayaw ko ring tumira roon kasama ang step-dad niya no. Baka patayin niya na lang ako bigla at edispatsya ang katawan ko. Hindi ko makakalimutan ang ginawa nilang pag trespassing sa bahay ko na may dala-dalang mga baril. "Kakausapin ko si dad. Papayagan niya naman ako pag nalaman niyang kailangan mo ng matutuluyan para sa pagpapagaling mo," sagot niya, na parang siguradong-sigurado siya na papayag ang step dad niya. Pinaningkitan ko siya ng mata. She's always say dad, dad, and dad. Eh hindi naman siguro nagkakakayo ang agwat nilang dalawa. Amethyst is 26 years old at baka nga 'yong tinatawag niyang dad ay nasa early 30s pa. "Are you two that even close? Parang ang sanay mo ng tawagin siyang 'dad' when in fact hindi naman siguro nagkakalayo ang agwat ninyong dalawa. He looks like your older brother," I said, making her laugh. Was it a joke for her? Mukha naman talagang bata 'yong step-dad niya. "Well, hindi naman talaga kami close talaga. I just respected him as my mom's husband. Simula kasi nang mamatay si mama ay siya na rin ang nag-aalaga sa akin. Sa kaniya ko naramdaman 'yong father's love na matagal ko ng hinahanap sa papa natin noon. He also provide all my needs, but that was before. Ngayon, ay may sarili naman akong trabaho kaya hindi na ako umaasa sa kaniya," mahabang paliwanang niya. Napatigil ako saglit at hindi rin ako makapagsalita nang marinig ko ang sinabi ni Amethyst tungkol sa ina niya. I didn't know that her mom is already died. Parang gumaan nang kaunti ang bigat sa puso ko nang malaman kong patay na pala ang ina niya. Hindi ko itatanggi na nakaramdam talaga ako ng takot noong nalaman kong step dad niya 'yon. Para sa akin ay malaking kasalanan na 'yong nagawa ko. And until now ay pinagsisihan ko pa rin na nangyari 'yon. I should be more careful in the future dahil baka mas higit pa rito ang babalik na karma sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD