Maaga akong nagising at nag-ayos dahil magkikita kami ni Tasha ngayon. I need to unwind and free my mind. Mababaliw ako kapag iniisip ko pa ang mga nangyayari.
I texted Tasha last night at pumayag naman siyang magkita kami dahil ilang linggo na rin naman kaming hindi nakapag-bonding dahil nga sa nangyari sa akin this past few weeks at sa pagiging busy niya sa thesis.
Hindi na ako nagpaalam pa sa mga tao rito sa bahay. Dere-deretso lang akong lumabas.
"Where are you going?"
Napatigil pa ako sa paglalakad nang marinig ko ang malamig at seryosong boses ni Luca. I looked around to find him.
"Look up, Asuna."
Itinaas ko naman ang tingin ko at kunot noo ko siyang tiningnan. Nakita ko siyang nagkakape sa balcony ng kuwarto niya.
I didn't know na nakauwi na pala siya. Nag dinner kasi kami kagabi na wala pa siya. Tsk. Why he acted like as if walang bantaan ang naganap kahapon. What? He want to kill me? Dahil lang sa gusto kong buksan ang safe room niya?
"Looking for trouble," pabarang kong sagot saka ko siya inirapan. Naiinis ako sa pagmumukha niya.
Marahas naman siyang napabuga ng hangin. "You live in my house and I am the one feeding you. At least you have to tell me where you are going, and besides, you are not staying here for free," seryosong usal niya.
Marahas din akong napabuntong hininga. "Fine! Gagala lang ako. I will do the household chores tomorrow," simpleng sagot ko na lang at diniinan pa ang huling salita.
"Who's with you?" tanong niya ulit na ikinainis ko naman.
Bakit ba ang dami niyang tanong? Bakit ba hindi na lang niya ako hayaang makaalis nang maayos dito? Hindi naman ako bata pa para magpaalam sa kaniya. Nang i-interview pa eh.
"Oh my goodness! Just my friend. What's wrong with you? Daig mo pa ang isang magulang sa kakatanong mo niyan. Stop it," reklamo ko sa kaniya dahil kating-kati na talaga ang paa kung umalis sa bahay na 'to.
"You have to be home before 9 PM kung ayaw mong mapagsarhan ng pinto at matulog sa labas ng bahay," seryosong utos niya bago pumasok sa loob ng kuwarto.
Mapakla naman akong natawa. Hindi ako makapaniwalang may curfew ako. Goodness! Tumanda na ako, ngayon pa ako nagka-curfew. Tsk. What a damn life!!
Hindi ko na siya pinansin at padabog na umalis na lang ako. Taxi ang sinakyan ko papunta sa lugar na pinag-usapan namin ni Tasha at pagdating ko nga ay agad ko siyang nakita sa isang table at hinihintay na lang ako. Naka-order na rin siya ng mga pagkain.
"Hey, what's up," bati ko bago umupo.
"Hey girl, long time no see," masigla ang boses na bati niya rin sa akin pabalik, na para bang hindi siya dumaan sa kalbaryo ng thesis niya.
Nginitian ko na lang siya bago kumuha na ng pagkain sa lamesa. Mukhang ayos na ang thesis niya dahil pumayag siyang makipagkita sa akin.
"How are you? Now you have to tell me the whole story, Asuna. Hindi mo na ako puwedeng bitinin. Saan ka ngayon tumitira? Did you and Amethyst met by chance?"
Hindi pa nga nag-iinit ang puwetan ko sa upuan ay sunod-sunod na tanong agad ang ibinabato niya sa akin.
"It's a freaking long story, Tasha," walang gana kong sagot sa kaniya habang nag uumpisa na akong sumubo ng pagkain.
"Well, you knew me. Tumatanggap ako ng summarization lang," nakangisi niyang usal.
I sighed, feeling defeated.
"Do you remember the guy that I met in the bar?" tanong ko sa kaniya habang sumusubo ulit ng pagkain. I didn't had breakfast earlier kaya siguro patay gutom ako ngayon.
"Who? Ang dami mong guy na nakilala sa bar kaya alin ba doon?" takang tanong naman niya pabalik sa akin.
I rolled my eyes. " That guy who stand out among the guys i've played on. The one with a tattoo on his chest."
Mas lumiwanag ang mukha niya nang may maalala siya.
"Yeah, I remember him! How can I forgot that guy. He's so freaking hot and masculine," aniya at kumikinang-kinang pa nga ang mga mata nito habang inaalala si Luca noong gabing 'yon sa bar.
Napapailing na lang ako at ipinagpatuloy ang pagsubo ko. Kulang na lang yata ay tumulo ang laway niya sa kakapantasya sa lalaking 'yon. Tsk.
Kung alam lang niya. Taliwas sa mukha at katawan ng lalaking 'yon ang ugali niya. Kung gaano kaganda ang katawan nito at kaguwapo ang mukha, ganoon din kaitim ang buthi niya.
"Well, we slept together that night," walang gana ko pa ring sabi sa kaniya.
Her lips formed an "O" when I said that.
Alam naman ni Tasha na paglalaro lang ang plano ko noon kay Luca but I didn't expect that he took what precious to me.
"No, doubt. His a type of guy that no woman can resist on him," usal niya nang nakangisi.
I will not disagree for that. He really have this powerful charisma na para bang isang tingin mo pa lang sa kaniya ay mahihila ka na papunta sa kaniya.
"And..." I stopped talking.
"And? what about him?"
Tumigil ako sa pagkain at tiningnan si Tasha.
"He...." napakagat ako sa labi at hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin ko.
Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko kay Tasha ang lahat tungkol kay Luca. Alam ko namang mabibigla siya at siya lang ang pagsasabihin ko nito.
I don't have any trusted friend beside her though.
Tinaasan naman niya ako ng dalawang kilay na para bang hinihintay niya ang susunod kong sasabihin.
"His what? Bakit hindi mo maituloy 'yang sasabihin mo sa akin? Nasama mo bang nalunok ang dila mo?" hindi makapaghintay na tanong naman niya.
Itutuloy ko na sana ang sasabihin ko nang magulat ako sa biglaang pagsigaw at pagtayo niya sa upuan.
"Oh my gosh!" Napatakip pa siya sa kaniyang bibig.
"Don't freaking tell me na hindi kayo gumamit ng protection at... at ...." gulat niyang sabi habang bumaba ang tingin niya sa tiyan ko, kaya marahan ko siyang pinalo dahil sa pagtaas ng kaniyang boses at dahil na rin pinapangunahan niya ako.
Napapalingon na tuloy sa amin ang mga ibang customers dito. Napakaeskandalosa talaga ng babaeng 'to.
"Damn! Lower your voice, b***h. Hindi naman gano'n ang nangyari. Napakapaladesisyon mo talaga e no? Gusto mo ikaw na lang maging ako?" I rolled my eyes after saying that. Nakakainis kasi.
Mukha namang kumalma si Tasha pagkatapos kong sabihin 'yon sa kaniya. Umupo siya ulit na parang nakahinga nang maluwag.
"So, ano nga? Ano nga ang gusto mong sabihin tungkol sa kaniya?"
"Amethyst and I met again after 6 years. And I found out that...." Tigil ko.
"That what? Can you f*****g finish your sentence for god sake, Asuna! Huwag mo nga akong binibitin, babae ka. Gusto mo bang hulaan ko pa ang gusto mong sabihin?" inis na reklamo ni Tasha na mukhang atat na atat ng marinig ang susunod kong sasabihin.
Humugot ako nang hangin. "He is Amethyst's freaking step-dad," pagpapatuloy ko.
“….“
"HE'S WHAT?!!" Napatayo ulit siya a gulat pero agad ko rin naman siyang hinila paupo.
"Do you need me to borrow a microphone for you? Mukhang hindi pa sapat 'yang sigaw mo eh," I sarcastically said as I rolled my eyes for nth times.
Bumuntong hininga ako bago ko inulit ang sinabi ko kanina. "He's amethyst's step-dad, Okay?"
"W-why?... I mean... What the heck, Asuna! This... This is ridiculous! I'm going to have a heart attack." Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat habang nakahawak pa sa puso niya at umaaktong magkakaroon ng sakit sa puso.
Tsk. Saksakan talaga ng arte ang isang 'to. Kapag ito natuluyan ay ewan ko na lang.
"Nagulat din ako noong nakita ko siya sa tinitirhang bahay ni Amethyst. Step-dad niya pala 'yon at may-ari pa ng bahay," sabi ko na lang nang maalala ang unang pagkikita namin ni Luca. That was the most intense and horrifying day ever!
"Don't tell me na sa kaniya ka nakatira ngayon?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
Hindi ako umimik at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain. Naramdaman ko na naman ang mahinang pag singhap niya.
"Hey girl! You gonna be kidding me! Baliw ka ba?"
She looked at me like I was the most ridiculous person on earth.
"How I wish," I said, letting a deep breathe.
"Alam ba 'to ng kapatid mo? Nang mama niya? Gosh, you are making a trouble!“ tarantang tanong niya sa akin.
"Syempre hindi ko pinagsigawan sa lahat no. And his wife is already dead. At isa pa, may golden rule tayo, at pinaghahawakan ko 'yon. Hindi ako bumabalik sa isang lalaki," usal ko.
Bigla niya naman akong binato ng tissue na pinaggamitan na niya. "Talaga lang ha! Talaga lang kayang mong panindigan 'yang golden rule mo," parang hindi naniniwalang sabi niya.
Hindi na ako umimik. Napabuntong hininga naman si Tasha. Mukhang siya pa ang na stress kaysa sa akin.
"Is it just a small world or it is already destiny?" aniya.
Tsk. Destiny my foot! Tatanggapin ko pa kung sasabihin niyang nightmare lang lahat ng 'to.
Napairap na naman ako. "Anyways, I'm not here just to chitchat with you, Tasha. Kailangan ko ng trabaho. 'Yong madaling pagkakitaan sana. May alam ka ba? Anything, kahit ano pa 'yan basta malaki ang kita," pag-iiba ko sa usapan namin.
Ayaw ko munang pag-usapan ang tungkol kay Luca dahil baka hindi kayanin ni Tasha ang lahat ng sasabihin ko. Hindi ko pa nga sinasabi na siya ang pinagkakautangan ni dad at kung anong klaseng tao si Luca pero 'yong reaksyon niya ay sobrang lala na. Baka mahimatay pa siya rito.
"Is this all about tito's debt, again?" nag-aalang tanong niya. Tumango naman ako sa kaniya bilang sagot. Ano pa nga ba?
"Bakit? Magkano ba ang kulang? Maybe, puwede kong dagdagan," alok niya sa akin but I just smiled at her.
Sariling problema ko ito kaya ako lang dapat ang lulutas. Alam ko rin namang may sarili ring problema ang pamilya niya. Ayaw ko na ring dumagdag pa.
Kahit naman ayaw ng family ni Tasha sa akin ay mag business partners parin naman sila ni dad. That's business!! Kaya nang makulong si dad at masira ang career nito ay damay din sila.
They've lost a huge money because of that old man. At masyadong makapal naman ang mukha ko kapag humingi pa ako ng tulong niya, no.
"No, Tasha. Thank you but I can manage this. Nag-kausap na rin kami ni Amethyst and we decided ...no ...I decided that we split the debt. Para naman may silbi siyang anak kay dad."
"Then, why are looking for a job?" may pagtataka niyang tanong sa akin.
Napabuntong hininga ulit ako. Mukhang mapapasabak na naman ako sa kwentohan ngayon. I started telling her about sa nangyari sa skwelahan ng kambal at kung anong ginawa ko sa mag-inang 'yon pati kung paano ako sinigawan ni Amethyst matapos malaman ang lahat ay naikuwento ko na rin sa kaniya.
"Girl, kahit ako ay masisigawan talaga kita. Hindi lang 'yon. Talagang masasambunotan pa kita nang wagas," natatawang sambit niya nang matapos akong mag-kuwento sa nangyari.
Napairap naman ako.
"Understandable naman kasi 'yong reaksyon ng ate mo. Syempre kapatid niya ang mga 'yon at nag-aalala rin siya. At saka anim na taong gulang pa lang pero tinuturuan muna ng kung ano-ano," dagdag pa niya.
Masamang tingin naman agad ang ipinukaw ko sa kaniya.
"Kanino ka ba kampi ha? Sabihin mo nga at nang magkaliwanagan tayo ngayon," inis kong sambit na marahan lang niyang ikinatawa.
"Syempre sayo, duh! Kahit ganiyan ang ugali mo, mabait ka naman. And I know everything you do has a reason. Hindi ka naman nagiging amazona kung hindi ka inunahan eh. You're the kindest evil I've ever met," mabilis niyang usal bago sumubo ng pagkain.
Tsk. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako sa sinabi niya.
Sumubo ulit ako nang pagkain.
"So, ano nga? Hindi mo siya kakausapin tungkol sa utang ng dad mo dahil ayaw mong lunukin ang pride mo? Eh paano 'yan? Isang linggo na lang ang natitira at mag-iisang buwan na. Saan ka naman makakakuha ng malaking pera, lalo na ang bilyon na pera?" tanong niya.
"I don't know. Pagod na 'yong utak ko kakaisip kung anong puwede kong gawin para matapos-tapos na ang problemang ito," sagot ko naman.
Nakita ko naman ang nakakalokong ngiti ni Tasha ngayon.
"You know what? Set aside your worries muna. Mag shopping na lang tayo at ililibre kita para naman mahimasmasan 'yang utak mo at makapag-isip ka nang maayos. And after that...." Huminto siya sa pagsasalita at tinaas-baba niya ang dalawang kilay niya habang nakakalokong tingin ang ibinibigay sa akin.
I grinned. I knew what she's talking about.
"Just like what we used to do!" masayang sabi ko at tumayo na dahil hindi na ako makapaghintay pag mag shopping at bar. Ito ang pinakahihintay ko. Gusto ko munang kalimotan lahat ng problema at magsaya na lang muna.
This is my first time going to the bar matapos ang nangyari kay dad. And I can't explain how excited I am. Para akong bumabalik sa dati kung buhay. 'Yong bang wala akong iisiping problema at puro lang pag-iinom.
Excited namang tumayo si Tasha bago kumapit sa braso ko at sabay na kaming lumabas ng restaurant. Agad naming ginawa ang kinagisnan naming gawin ni Tasha noon, ang mag shopping at gaya nga ng sabi niya ay nilibre niya ako sa lahat. Hindi na ako tumutol pa dahil kailangan ko rin naman ng bag at saka mga damit.
Sinukat namin ang mga damit na nagugustuhan namin at agad itong binibili. Lahat yata ng mga shop sa mall ay pinapasukan namin para tumitingin-tingin ng mga damit at gamit. Inabutan kami ng tanghali sa mall kaya doon na lang din kami nag tanghalian.
Naglalakad kami ngayon at tumitingin-tingin ng iba pang store na puwede naming pasukan. Kaliwa't-kanan na nga ang shopping bags na bibit namin pero hindi pa rin tumitigil si Tasha kakahila sa akin.
Habang palinga-linga ang tingin ko. Hindi ko inaasahang may mahagip ang mata ko. Tumigil ako sa paglalakad, ganon din naman si Tasha.
"What's wrong?" tanong niya sa akin.
"Gusto mo bang bilhin 'yong set ng painting materials?" tanong niya ulit sa akin nang makita niya akong doon nakatingin.
Naikuyom ko ang kamay ko bago ko binalingan ng tingin si Tasha.
"Of course not. Aanhin ko naman 'yan," natatawang sabi ko bago nagsimula na ulit maglakad.
"Let's just watch some movie," excited na sabi ko kay Tasha na sinang-ayonan naman niya agad.
Habang papalayo kami ay nilingon ko sa huling pagkakataon ang painting materials na nakita ko kanina. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago umiwas na ng tingin sa bagay na iyon.
Nanood kami ng Cine ni Tasha ng ilang ulit hanggang sa sumapit na ang gabi.
'Yong mga sexy na dress na binili pa namin kanina ay sinuot agad namin ni Tasha for the girls night tonight. 8 PM nang dumating kami sa mamahaling bar na hindi pa namin napupuntahan. Bagong bukas kasi ito kaya ito ang pinili ni Tasha para mabinyagan ulit ako dahil nga ilang linggo na akong hindi nakakapunta ng bar.
Malakas na musika at sari-saring makukulay na ilaw agad ang bumungad sa amin. Maraming tao at lahat yata sila ay galing sa mga mayayamang angkan na pamilya.
"Let's enjoy this night!" masayang sigaw ni Tasha nang makapasok kami sa loob at dumeretso agad siya sa gitna upang makipagsayawan.
Umorder naman agad ako ng paborito naming alak sa counter at ibinigay ko ito sa kaniya.
"Tonight..." sigaw ko sa kaniya. Dahil sa lakas ng music ay kailangan talaga naming sumigaw para magkarinigan.
Nginisihan naman niya ako na parang alam niya na ang susunod kong sasabihin.
"Let's drink until we become someone else problem!!" sabay naming sigaw ni Tasha bago nilagok ang basong alak na hawak namin.
Sumayaw kami nang sumayaw na halos wala ng bukas. May lumalapit sa aming mga lalaki pero hinahayaan lang namin ito ni Tasha. Sanay na kasi kami sa ganito at hindi na bago ito para sa amin.
Open minded naman kaming dalawa sa lahat nang bagay, kaya lang hindi rin namin nakakalimutan ang mag-ingat.
Someone held my waist habang sinasabayan ko pa rin ng sayaw ang musika kaya napapangiti na lang ako at mas lalo pa akong gumiling.
I'm happy.
I'm really happy. Bar is really my home. This is where I find peace and enjoyment. Sa tuwing iniiwasan ko ang pambubugbog ni dad ay sa kahit anong bar ako pumupunta. Nag-e-enjoy ako para makalimutan ang lahat.
If you think my life is easy. You are wrong. I just make it look like easy. But the truth is it's was freaking hard.
Nang maubos ang inumin namin ni Tasha ay akmang babalik sana ako sa counter para mag order ulit ng drinks pero pinigilan ako ng isang lalaking humawak sa bewang ko kanina. When I look at him. He looks young and also hot at the same time.
Pero ...wala pa ring tatalo kay Luca. His charisma is on another level.
Iniiling-iling ko naman ang ulo ko nang maisip ko 'yon. Natatawa na lang ako dahil bakit ko nga ba inisip 'yon. I hate him! Kahit pa siya ang pinakaguwapo at charismatic na lalaki sa mundo ay naiinis at nagagalit pa rin ako sa kaniya. Epekto lang siguro ito ng alak. Nagsisimula na rin kasi akong malasing.
"Here, our treat," aniya bago nakangiting inilahad ang dalawang basong alak sa akin. Kinuha ko naman kaagad ito at ibinigay kay Tasha ang isa.
"Thank you, babe," usal ko sa malanding boses at ininom ko ito sa harap niya without taking my eyes off from him.
Nakita ko ang kakaibang ngisi niya nang makita niyang naubos ko ito. Hindi ko na lang 'yon pinansin at mas lalo ko na lang itinuon ang atensyon ko sa pagsasayaw at sa pagsasaya. Dahil hindi ko alam kung kailangan ko ulit magagawa ang mga bagay na ito.