Lucy Pagkatapos ng isang sweet na sayaw kagabi isang masarap at Masayang breakfast naman ang pinagsaluhan namin ni Marco ngayon umaga. Pero hindi rin nagtagal, bumalik sila ng Taytay dahil sa isang rescue operation para sa mga naestranded na mga sundalo laban sa mga NPA. Limang araw na mula ng umalis sila ni Marco.Nag-alala at kinakabahan na ako. Para na akong maiihi sa panty sa sobrang pag-aalala. Pabalik balik akong palakad lakad sa may kusina. "Hija, baka gusto mo nang umupo. Kaninang umaga ka pa palakad-lakad diyan." sabi ni Manang Josie sa akin. "Okay lang po ako Manang. Dont worry po." sagot ko dito kahit na hindi parin ako mapakali sa pag-alala. Kumusta na kaya ito. Ligtas ba ito. Maytama ba ito. Oh God I can't stop worrying on him. Nagitlag ako ng biglang bumukas ang pinto

