Chapter 7

1084 Words
Lucy Pagdating namin ng Camp ay bumaba ako ng kotse. Sa subrang excitement madilim palang nasa bahay na ako ni Maika. Ang aga ko kasi binulabog ang driver ni dafdy. Dahil madilim pa kami umalis ng Manila ni Maika. Maaga kaming dumating ng Camp. Nagpahatid lang kami sa driver ng papa dito. Umuwi rin kaagad ito. Hindi na si Sgt. Lito ang nagbabantay. Nagpakilala kami ni Maika na mga bagong hire na kitchen staff ng cafeteria. Cafeteria na iyon pinalitan ko kasi ang pangalan nito. Naging MC Cafeteria. Pinapasok na man kami ng bagong bantay. Pagpasok namin. Abala ang lahat sa paglilinis ang mga tauhan ng Cafeteria sa Training Camp ng maabotan namin ni Maika. "Good morning po, welcome to MC Cafeteria." bati ng isang staff. Natawa na man ako. Ang Galang kasi. Napalingon si Maika sa akin. "Bakit?" kunot noo Kong tanong. "Wala." tugon nito. Nagkibit balikat na lang ako. Wala pa namang katao tao sa loob maliban sa amin ni Maika at mga staff na naglilinis. "Paki sarado muna." utos ng kaibigan ko sa bumati sa amin. "Everyone pumasok muna tayong lahat sa kitchen." tawag na man nito sa atensyon ng iba. At pumasok na ito sa loob ng kitchen sumunod ako at ang iba pang staff. Dalawang cook at talong server lang Naman ang mga tauhan nito. Pag pasok namin ay na patingin sa amin ang isa sa mga cook. May katandaan na ang mga ito. "Mga hija, bawal kayo rito." sabi pa nito. Na patingin Naman ang iba na bagong pasok. "Ah.. Manang magpapakilala po kami sa inyo." umpisa ng kaibigan ko. "Ako po si Maika at ito po si Lucy siya po ang bagong may-ari ng Cafeteria." pagpapakilala nito sa akin. "Ay, naku pasensya na mga hija. Hindi ko kasi alam. Ikaw Pala ang bagong may-ari, ngayon ka lang kasi nag pakita hija. Akala ko kasi iyong babaeng pumunta rito ang may ari." paliwanag nito. "Okay lang po." pagpapanatag ko sa kanya. "Tita ko po iyong pumunta rito. Pinakiusapan ko po sa utos ng kamahalan na nasa tabi ko." patuyang sabi nito sa akin. Tango tango na man ang matanda. "Ako nga Pala si Manang Josie. Manang na lang ang itawag ninyo sa akin Ma'am Lucy. Ito nga po Pala si Kanor asawa ko po. Ito Naman si Lisa, Ton-ton at Alis" pakilala nito. "Kinagagalak ko po kayong makilala." Masaya Kong sabi rito. "Pakiusap lang po sana. Huwag niyo po akong tawaging Ma'am dito at huwag ninyo po sana akong ituring na may ari ng Cafe. Lucy na lang po ang Itawag ninyo sa akin. " " Po? Bakit po.? " tanong ni Alis. Tingin ko magkasing edad lang kami nito. "Ayaw niyang malaman sa isang nagtatrabaho rito." sagot ni Maika sabay kindat pa kay Alis."Ipagpalagay nalang natin na ma Hirap din siya katulad natin.Okay." dugtong niya pa. "Mahirap po, Malabo po yan Ma'am. Ang ganda niya po at ang puti. Hindi kayo paghihinalaang Mahirap." sabat naman ni Lisa. Natawa lang ako. Nalilito man ang mga ito pero sumang ayon narin. "Anong oras po ba kayo nagbubukas?" tanong ko. "Eight po Ma'am, ay Lucy Pala." magiliw na sagot ni Ton-ton. "Ah okay po." sagot ko. Na patingin ako sa wristwatch ko. "Malapit na Pala, bumalik na po kayo sa trabaho ninyo, mamaya na lang po tayo uli mag usap." "Sige, hija ikaw ang bahala." sagot ni Mang Kanor. "Saan po bah ang kwarto namin?" tanong ko kay Manang Josie. "Ay.. Oo nga Pala. Sa likod hija. Sandali ihahatid ko kayo ni Maika." sagot nito. "Kanor ikaw na muna ang bahala rito ihahatid ko lang sila sa magiging kwarto nila." baling nito sa asawa. Tumango lang ang asawa nito. At nagpaalam sa amin ni Maika. Dinala kami ni Manang Josie sa isang kwarto sa likod ng Cafeteria. Ito lang ata ang kwarto ng may air-conditioned. May dalawang bed iyon at May isang closet sa tabi ng pinto. Maiit lang pero okay na man kami doon ni Maika. "Manang saan po ang banyo." tanong ni Maika. "Nandoon sa labas, hija malapit sa laundry area. Nag-iisang pinto lang yun doon kaya madali niyong makita." pagbibigay impormasyon nito. "Okay po salamat, magpapahinga lang ho kami ng kaunti." si Maika. "Sige, bagbalik na ako ng kusina, ipagluluto ko pa kasi ng almusal at baon si Sir Marco. Pihikan pa Naman iyon sa pagkain." sabi nito. Pagkarinig ng pangalan ni Marco ang bilis ng t***k ng Puso ko. Lalabas na ata ang Puso ko sa balat sa subrang lakas ng kabog. Napalingon ako rito. Nanunuyang tikhim na man si Maika at alam ko ang ibig nitong sabihin. Pinanliitan ko ito ng mata. " Sige na pag may kailangan kayo nasa kusina lang ako." bilin nito bago lumabas. Ng kwarto at sinatra ang pinto. "Hoy.! Tulala? Narinig lang ang pangalan ni Marco niya e nawala na sa sarili. Sasabog na bah?" Napakunot ang noo ko rito. "Sasabog? Anong Sasabog?" tanong ko. "Yang Puso mo." sagot nito sabay turo sa dibdib ko. "Kilig much?" Pinaikutan ko ito ng mata. "Wala kang paki. '' paiwas Kong sabi sabay labas ng kwarto. Napahagalpak ito ng tawa. " Hoy saan ka pupunta? "habol na tanong nito sa akin. " Sa kusina tutulong magluto. Magpahinga ka na lang muna, itiloy mo yung naputol Mong tulog. Sige bye Gurl. " tinaas ko pa ang kamay at ginalaw ang mga daliri. Wala na itong na gawa ng sinarado ko na ang pinto. Pumasok ako ng kusina naabotan ko si Manang na Abala sa paghahanda ng pack lunch. " Manang kanino po iyan? "tanong ko. Nagtatanong pa sinabi na nga nito kanina na para kay Marco nga diba. " Baon nila Sir Marco. IPinahanda niya pupunta kasi sila ng Taytay." Abala parin ito sa ginagawa. " Tulungan ko na po kayo. " boluntaryo ko. " Ikaw ang bahala, hindi ka ba na pagod sa byahe? "Okay lang po." sagot ko habang sinasarado ang isang Styrofoam na lalagyan ng mga pagkain. Nang matapos Kong isarado lahat ng pack lunch. Pumunta ako sa tapat ng pinto sa pagitan ng kusina at counter. Salamin ang kalahati niyon Naisipan kong silipin sai Marco. Gumilid ako para hindi niya ako makita. Kinakabahan ako sa ginagawa para akong tanga. Nakita ko itong nakaupo sa isang mesa ma lapit sa may pinto. Mag-isa lang itong kumakain. Napaluha ang mga mata Kong nakatingin rito. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Miss na miss ko na kaya ito. I hope you won't be angry with me Marco for doing this.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD