Chapter 8

1009 Words
Lucy Nang dumating kami kahapon ni Maika. Hindi ako lumabas buong maghapon ng kitchen. Tumulong lang ako sa pagluluto kay Manang Josie. Pasilip silip lang ako sa labas tinitingnan Kong nasa labas ba si Marco. Gusto na akong batukan ng kaibigan ko. Para daw akong tanga. Maaga akong nagising ngayon. Pinagluto ko si Marco. Nag-alala si Manang Josie baka hindi magustuhan ni Marco ang pagkain na lulutuin. Kahit nag aalinlangan ito pumayag na rin. Sa kwento nito nagpapasadya talaga si Marco magpaluto ng pagkain nito. Kaya masaya akong nagluto para rito. Simple lang ang niluto ko. Sinangag na kanin, isang egg omelet at isang sweet and sour fish. Sinamahan ko pa ng plain black coffee. Iyon kasi daw ang mandalas na pinapatimpla ni Marco. "Manang Josie, nandito na si Sir Marco. Ang pagkain niya daw po." sigaw ni Ton-ton. Nilingon ko si Ton-ton. Kinakabahan ako. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Huminga ako ng malalim para mabawasan ang panginginig ko at tahip ng dibdib. Hindi na kasi ako makahinga sa lakas ng kabog niyon. " Ito na Ton, paki kuha." iaabot na sana nito kay Ton-ton ang pagkain ng hinawakan ko si Manang. Napalingon ito sa akin. I pouted my lips. "Manang 'wag n' yo pong sasabihin na ako ang nagluto." sabi ko rito. Kinakabahan kasi ako. Nagtataka man na ay napangiti ito. Napangiti na rin ako. Hinatid ni Manang ang pagkain kay Marco. Na pasilip ako sa salamin ng pinto. Palakad Lakad at pinisil pisil ang mga kamay. Namumula na nga ito sa kapipisil ko. Para akong bibitayin. "Pano pag hindi niya nagustuhan. Ano ka ba Lucy Sinangag lang yun." tanong ng utak ko. Napahinto ako sa paglalakad nang bumukas ang pinto. Patakbo akong lumapit kay Manang. Nagtatanong ang mga mata ng nakatingin dito. "Manang?" mahina Kong sa bit sa pangalan nito. Hindi na yata ako humihinga. Napangiti ito. "Nagustuhan niya. Lalo na ang kape na timpla mo." sagot nito. Kagat labi akong napangiti. Pinipigilan ko talagang mapahiyaw sa sobrang saya. "Sige, Manang salamat po." napayakap at nahalikan ko pa ang matandang babae. Naiiling at nangingiti naman na ito. Masaya akong umalis sa Kusina at bumalik sa room namin ni Maika. Palabas ako siya na mang pasok nito. Nalukot ang mukha nitong nakatingin sa akin. "Wow! Naks ah! angsaya natin!" sabi nito." May nakain?o may nangyari?" tudyo nito. "Wala,secret!" sagot ko. "Secret pala ah, sige uuwi na ako." akma itong babalik sa kwarto. "Sandali, sandali! ito naman hindi na mabiro." awat ko rito. "Kwento ko na lang sayo mamaya. Maliligo muna ako."lambing ko rito. "Okay,sige. Huwag mo kakalimutan." sabay duro nito sa akin. "Promise !" taas kamay ko pa rito. aalis na sana ito nang tawagin ko. "Maika! counter ka, huh! "Bakit?" takang tanong nito. "Para sabihin nila ikaw ang may ari." sagot ko. Sumang-ayon ito sa idea ko. Pumasok na ito sa loob ng kitchen. Masaya na man akong naliligo. after four years ngayon lang talaga gumaan ang pakiramdam ko. Tuwalya lang ang takip ko sa katawan ng lumabas ako ng banyo. Diridiritdo akong pumasok ng kwarto ng marinig ko ang pag ring ng cellphone. Dinampot ko iyon sa maliit na mesang nasa gilid ng kama. Tiningnan ko kong sino ang tumatawag. Si Daddy. "Hello dad?" bungad ko napakagat labi pa ako dahil alam kong papagalitan ako nito. Hindi kasi ako nagpaalam. "Princess where are you?" tanong nito. "Da...daddy, Ano kuwan kasi." alinlangan kong sabi."Hin..Hindi ko pwedeng sabihin." Kinagat ko pa ang ibabang labi ko. "Fine! ikaw talagang bata ka oh.Just make sure your safe.okay." "Okay, Daddy. Thank you. and Dont worry uuwi din ako promise.!" Don't worry I am really safe. Gusto ko itong sabihin dito nagpigil lang ako. "I know I can't stop you anymore your old enough to do what ever you want too." sabi pa nito." Sige Bye, mag-iingat ka palagi." "Opo,dad. Bye." paalam ko rin at pinatay na ang tawag. I smile when i saw Marco's face in my cellphone. Picture nito ang Wallpaper ko. Ito iyong picture kinuha ko four years ago. I hope he didn't notice it. Pagkatapos magbihis bumalik ako ng kusina. Busy na ang lahat. Humugot ako ng hininga malalim. Parang gusto ko nang higupin lahat ng hangin sa paligid. Lumakas lang ang loob Kong lumabas dito. Minsan naisipan akong umatras. Isang malalim pa na buntong hininga ang ginawa ko bago tinulak ang pinto papuntang dinning area. Nasa counter si Maika. " Hi, Casiopia. I miss you." bungad ni Melik. Halatang masaya ito pagkakita sa akin. Umikot pa ito sa counter para yakapin ako. Gumanti na man ako ng yakap dito. Naging call mate ko ito sa loob ng apat na taon. Naging mag kaibigan kami. Nang hindi alam ni Marco. "Well, hindi kita na miss. Biro ko rito. Napasimangot na man ito. " Hindi mo ako na miss pero si Marco na miss mo? " tumango ako rito." Ahhhh.. Ang daya.!" kunyari nagtatampo pa. Inangat ko ang dalawang kamay at kinulong ko ang mukha nito sa palad ko. "Alam mo Melik, ang cute cute mo talaga." idiniin ko ka ang mga kamay sa mukha nito na parang naggigigil. Natawa na man ito ng malakas. Nag puppy face ito na parang bata. "Ikaw din, ang Cute2x mo." sabi nito pinisil pa ang pisngi ko. Sabay kaming nagtawanan. Lumapit sa amin si Maika. Gumilid ito sa akin at siniko ako. Kunot noo akong na patingin dito. "Bakit?" tanong ko. Ngumuso ito may tinuro sa bandang pinto. Napakagat labi ako. Madilim ang mukhang nakatingin si Marco sa amin ni Melik. Biglang may nabuong plano sa utak ko. Why not Melik anyway. Tumingin ako kay Melik at matamis na ngumiti dito. Tinapik tapik ko ang pisngi nito. Nakuha na man ng luko ang ibig Kong sabihin. Nilapit nito ang mukha sa akin tainga. "It's time to pissed him off." bulong nito. Napagigil ako sa tawa sa binulong nito. Nilingon ko si Marco tiimbagang itong naniningkit ang mga mata nakatitig sa amin. "It's my turn handsome." bulong ko sa isip
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD