Simula
If you haven’t read the first book, Glimpse of Chase, I suggest you read it first. This story contains spoilers. If you want to browse more stories of mine, you can check out my profile MissAlec.
And please, for more updates, below are my accounts and groups:
F.a.c.e.b.o.o.k G.r.o.u.p: Miss Alec’s Stories (this is a private group so you have to join first).
F.a.c.e.b.o.o.k: Zelestine Wp
W.A.T.T.P.A.D: MissAlec (mas advance po ang update rito).
There you have it! Let’s stay connected there!
Another reminder: Please read peacefully. If you want to drop your insights in the comment box, kindly say it genuinely and with respect. I won't tolerate mean people in my own safe corner. Love and care lang po tayo rito! :)
Happy reading, Alezzies!
Simula
Smile Grijalba Lazcano's POV
“Ten years from now, how do you see yourself?”
Tumama ang paningin ko sa sahig. Iniwasan kong magtubig ito. I couldn’t help myself but to get emotional with that question. Hindi ko rin naman kayang kontrolin ang damdamin.
“After ten years, I see myself…” I bit my lower lip. “I see myself…”
I see myself drowning in pain and still aiming to taste what this life had brought me, maybe. Lost in the dark and in light. Sleeping in a painful daytime and awake in a miserable dawn. Na siguro ay nasa pagitan pa rin ako at hindi na nais na umusad pa. Na baka nabuhay ako sa maling pagkakaton kaya’t marahas palagi ang hampas ng buhay. Na baka itong bawat t***k ng aking puso… ay hindi na babalik sa kagustuhan nitong magmahal. Na baka ang tunay na saya ay masasaksihan ko lang kapag ako’y sumuko na.
“I’m so sorry. I can’t.” I wiped my tears as I stood up. Umalma ang mental health practitioner na nasa aking harapan at sinubukan akong pakalmahin. Iniwas ko ang aking sarili at saka ito mas inilingan. “Please, I can’t do this session.”
“Okay,” she said calmly. “If it’s too much for you, I guess, let’s call it a day for now. We can do it again next time. Just always remember that I’m here to listen, Ma’am.”
I nodded in response to my Psychologist.
“Your struggles will make you even more stronger in life. These hindrances were given because you have the potential to overcome it. Just remember to relax and free yourself from the pain.”
“I disagree,” I said. “Kung ang kapalit ng pagiging matatag sa buhay ay ganito naman kahapdi, mas gugustuhin ko na lang ang maging mahina hanggang sa huli kong hininga. Hindi ko na gugustuhin pa ang maging malakas at matibay.”
Parehong kaming natahimik habang taas-baba ang dibdib ko dahil sa naging marahas kong paghinga. I bit my lower lip before mouthing 'I'm sorry’. Umawang ang labi nito para sa panibagong pangungusap kaya lang ay hindi ko na siya hinayaan pa. I immediately excused myself and went outside.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan kong humantong sa ganito. Na kung bakit kailangan kong patunayang hindi ako mahina. At kung makitaan man ako ng kahinaan, bakit may pagsubok muli? Rage and pain is overflowing in me. It conquers each corner of my heart right now and I’m so lost. I don’t want to hear any word from anyone, even their comfort.
Gusto ko ng tahimik na paligid – ito ang huling kahilingan ng isip ko at ang kagustuhan ng sistema ko sa mga oras na ito. Pero nang buksan ko ang pinto ng aming tahanan, isang malamig na boses ang sumalubong sa akin.
“Where have you been?” Punong-puno ng pag-aalala niyang tanong. Pinatay nito ang distansya hanggang sa mayakap niya ako nang mahigpit. “I’ve been calling you since–”
Inipon ko ang buong lakas upang tuluyang kumawala sa yakap niya. Iyon ang naging dahilan kung bakit ito nahinto. Mabilis niyang hinanap ang mga mata ko habang may panghihina at takot.
“What’s wrong, baby?” he said hoarsely, handa ng makinig sa akin na tila ang kwento ko lang ang nais niyang mapakinggan sa oras na ito.
Naka-corporate attire pa rin ito, at hula ko’y galing siyang Regional Trial Court. Ang magulong ayos ng kanyang buhok ay hindi nakaapekto sa pisikal, mamahalin na pustura, at mataas na dignidad na mayroon siya.
“Ace, ayoko munang makipag-usap. Pagod ako…” Sinubukan kong hawiin ang marahan na hawak nito sa akin.
“Smile,” tawag nito. Hindi niya ako hinayaang makatakas sa kanya.
“Aciel, please.”
“No, let’s talk. Come on, love. What’s wrong? Tell me…” he said gently.
“Ace, gusto ko na ngang magpanhinga!” Itinulak ko ito ng buong lakas dahil nawawalan na ako ng gana. “Gaano ba kahirap ibigay sa akin ang sarili kong oras, ha? Pagmamalabis na ba kung hihilingin kong mapag-isa muna? Iyong malayo sa kahit na sino?”
I want peace for now, and I don’t want to speak at the same time.
Gumalaw ang panga nito sa marahas na paraan. Pero nang makabawi, muli niyang pinatay ang aming distansiya, “Love, baby, you don’t have to shout… Okay, I’ll let you–”
“Pagod na na nga ako! Ayoko na!” He tried to catch and calm me but my emotions and thoughts remained uncontrollable. “Gusto kong magpahinga! Sobrang hirap bang unawain no’n, ha? Hindi ba pwedeng ako na lang muna sa gabing ‘to? Pwede bang huwag na muna tayong mag-usap? This life makes me tired! You make me tired!”
Hindi ko napigilan ang sariling magmura dahil sa magulong emosyon ko. Nagtagumpay ang pangungusap kong daplisan ng sakit ang kaniyang mukha. Mas lalo itong nanghina at nangulila.
“Calm down, please… Baby,” he said as if calling out for his life.
“Calm down? Hah!” Hindi ko siya makapaniwalang inilingan. “Naririnig mo ba ang sarili mo? We just… we just…” halos manghina ako habang sinasalakay na ako ng aking mga luha. “We just lost our baby, and yet, you’re asking me to calm down!?”
Dinaanan ng sakit ang malalim nitong mga mata. Kitang-kita ko rin ang pagod sa kanya pero mas nananaig pa rin ang ayos ng kanyang pustura. Samantalang ako… wala na. Tuluyan na akong inabuso ng mapanakit kong emosyon.
“I’m in pain too…” mahina nitong bulong. Sumaklolo ang mga mata niya sa akin. “Losing our child is incredibly painful and devastating for me, Smile. But I wanted to be strong for us… I don’t want to be defeated by this pain because I don’t want you to get affected. Ayokong nakikita kang ganito, at ayokong gan'to tayo.”
“Ang dali lang sa ‘yo dahil hindi naman ikaw ang nagdala! Ako… Ako ang nakaramdam sa kanya at naging konektado ako sa sa kanya. Kaya walang karapatan ang kahit sino na sabihin kung ano ang dapat kong maramdaman! I still mourn, Aciel. Pero ikaw, kung ayaw mo na, hayaan mo ako. Kahit ito na lang ang ibigay mo sa akin, please.”
Tuluyan ko na siyang tinalikuran. Isa lang ang gusto ng sistema ko ngayon – ang maging malayo sa kahit na sino.
“Smile,” tawag nito.
Pinaunlakan ko ang sariling huwag ng lumingon pa, kahit na nais kong tumakbo pabalik sa kanya.
Pero kaakibat ng pagtalikod ko sa kanya, iyon na rin pala ang huli. Iyon na ang dulo, at doon na rin pala matatapos ang lahat.