Chapter 12

1366 Words
"Bakit mo naman ginawa 'yon?" tanong ko. "Of course I want your first cinema eperience to be perfect and peaceful," sagot naman niya. "Although cinema is quit if hindi naman horror ang palabas ay minsan talaga hindi maiiwasang may mga batang nanonood kaya maingay." "Eh, paano na ang mga nagbayad?" tanong ko. Nakakaawa naman kasi na icancel ang panonood nila para lang sa akin. "Nakakaawa naman sila saka siguro umaasa na sila na makakapanood tapos pinaalis mo pa pwede naman tayong makipagsabayan sa kanila, eh." Napabuntong hininga naman siya sa speech ko. "Okay, fine sasabihin ko na lang na ilagay tayo sa VIP para at least hindi masyadong marami ang tao. Wait for me, here, okay?" Tumango naman ako sa kaniya saka siya nginitian. Grabe rin naman pala itong sinehan na ito maraming stages. Grabe sa tanda kong ito ngayon ko lang mararanasang makapanood sa cine. Dati pangarap ko lang ito eh kaso lang hanggang pangarap lang siya kasi ang pambayad namin sa cinema ay pambili na namin ng dalawang linggong ulam. Grabe pagkapasok namin nakaramdam kaagad ako ng pnlalamig hindi ko inaakala na sobrang lamig pala sa loob ng sinehan. Sobrang nakakamangha sa loob ng silid ng sinehan. Madilim siya mahilig pa naman ako sa dilim! Char! Nang makaupo na kami ay kaagad akong namangha dahil sobrang komportable ng inuupuan ko parang kama ng sa bahay nila Luigi grabe ang hirap dito. "How are you feeling, My Wife?" tanong niya sa akin. "Medyo nilalamig ako kasi sobrang lakas ng aircon," sagot ko naman. Napataas ang kilay niya. "Do you want me to ask the staffs to turn off the AC?" Nanlaki ang mga mata ko. "Nako, pwede ba 'yon?" "Of course besides I'm the boss," sagot niya sa akin. Napangiti na lang ako sa kaniya saka hindi na pinansin ang sinabi niya. Masaya naman ako sa mga pinapakita niya sa akin at mga gusto niyang maramdaman ko ang pagiging importate ngunit hindi lang talaga ako sanay saka naiilang ako. "I'm sorry if I made you eel awkward you're free to say no if you're not convinced with my decisions, okay?" sabi niya. "Sige, salamat, ha," nakangiti ko pang sabi. "Pasensya ka na rin alam ko naman na gusto mo lang iparamdam sa akin ang buhay mayaman pero hindi talaga ako sanay." "I understand, My love." ACK! Grabe naman nakakakilig naman siya. Hindi siya ignorante katulad ng iba pang mga mayayaman. Marunong na marunong talaga maglambing at magconsider itong si Luigi. Isa na naaman sa magandang personality niya ang nakita ko. Nagulat na lang din ako ng biglang kinumutan niya ako ng jacket niya. Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yon saka bigla niya akong inabutan ng mga fries at burgers. "Saan mo nakuha ito?" natatawang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ako natawa sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay ang cute-cute lang niya sa ganoong aksyon niya. "Inutos ko sa guard kanina, sorry, alam kong sasabihin mo na naman na ginagamit ko ang pagiging mayaman kahit na lang sa pagbili ng jacket at makakain natin," sabi naman niya. "Okay lang ang cute mo nga, eh," natatawang sabi ko naman. Nagpatuloy na kami sa panonood at sobrang nag-enjoy talaga ako. Sobrang laki kasi ng screen at tamang-tama na maririnig ang mga sinasabi ng pinapanood ko. Nang matapos naman kami sa pinapanood ay dumiretso na kami sa baba dahil nandoon daw ang mga pagkain. "Ano ba ang gusto mong gawin ngayon?" tanong niya. Inisip ko ang mga gusto kong gawin hanggang sa maalala ko ang mga gusto kong gawin noong bata pa ako na hindi ko nagawa dahil hindi naman ako sinasama ng mga magulang ko sa mall dati. "Sa mga palaruan!" hiyaw ko. Para akong bata nang sinabi ko 'yon. Iba talaga ang pagkasabik ko sa mga gano'n. Kahit kasi sa plaza tuwing fiesta ay hindi ko man lang din naranasan kaya iyon ang gustong-gusto kong gawin. "Okay, we'll go there," nakangiting sabi niya. Iginaya niya ako papunta sa palaruan. Biglang nagsiakyatan ang mga dugo ko sa aking ulo nang bigla niyang hinapit ang aking bewang habang naglalakad kami. Ito na ang sinasabi nilang waist grab na noon ay naririnig ko lang ngayon nararanasan ko na. "Bakit mukhang sobrang sabik ka sa arcade?" tanong niya. "Pangarap ko na kasing maglaro sa mga ganoon noong bata pa lang kaso hindi ko na naranasan dahil hindi ako sinasama ng mga magulang ko," sagot ko. "Oh, and why is that?" "Bata pa lang ramdam ko na na hindi talaga nila ako gusto bilang anak kaya hindi talaga maganda ang chilhood ko kasi hndi ko naranasan ang naranasan ng ibang mga bata noon," pagkukwento ko. "Pero masaya naman kasi lumaki naman akong nariyan ang lola ko. Pinuno nioya ng pagmamahal ang puwang ng mga magulang ko." "Grandmothers really does their parts, They really fulfill the love that our parents can't give," sabi ni Luigi. "Ako rin naman lumaki sa piling ng lola ko kaya naiintindihan kita. Let's focus on what we have now, Babe, I will let you experience what you want to experience." Na-touch naman ako sa sinabi niyang iyon, Talaga ngang ito na ang pagbabago ng buhay ko kung magiging mabuti lang ang kalalabasan nito. Nang makarating naman kami sa sinasabi niyang arcade ay kaagad akong dumiretso sa parang carousel. "Hey, hey, it doesn't fit you, Lady, that's for kids," natatawang sabi ni Luigi. "Please gusto ko talagang ma experience ang mga ganitong sinasakyan," pagmamakaawa ko. Masaya kasi ito mula sa mga napapanuod ko kaya gusto ko ring malaman kung ano sa pakiramdam ang makasakay sa mga ganito. Pagkatapos ko doon ay sinunod ko naman ang basketball inaya ko pa at hnamon si Luigi at sa huli natalo lang din ako. Marami pa kaming mga ginawa halos lahat yata ng laro nagawa na namin doon. "Where do you want to eat?" tanong ni Luigi nang makababa na kami. Bigla akong napaisip, sa dalawang araw kasi ay noong hapunan lang kami nakakain ng lutong bahay puro kami fast food. Naisipan kong dalhin si Luigi sa isang karenderya. Inaya ko na lang siya nang basta-basta at nagtanong-tanong sa mga tao dito kung saan mayroong karenderya. Nang makakita na ako ay doon ko siya dinala. Kitang-kita ang malaking tanong sa mukha niya. "Why are we here?" "Gusto ko rin na itry mo ang kinakain naming mga mahihirap," sagot ko naman. Hindi na rin naman siya umangal pa at sumunod na rin. Nang dumating na ang order naming mga pagkain ay walang arte naman niya itong kinain. Nakakatuwa na hindi man lang siya nagpakita ng pandidiri o pag-aayaw sa kung saan kami kumain. Ang rason niya lang sa akin ay ako nga raw sinusubukang gumalaw sa mundo niya bakit siya hindi niya subulang gumalaw sa mundo ko. Natapos ang araw ko nang napakasaya dahil sa pinaranas ni Luigi ang lahat nang gusto kong maranasan noong bata pa lang ako. "Are you happy?" Tanong nito sa akin habang nagmamaneho. "Sobra," nakangiting sagot ko. "Sobrang saya ko na naranasan ko ang ganoong klase ng mga karanasan ng kabataan kaya salamat, Luigi, hindi mo lang ako tinulungan binago mo pa ang buhay ko." "I'm so glad that you love our date. Thank you, My Wife, for giving me a chance and our relationship to work." "Kahit ako din naman masaya na may posibilidad na maging totoo ang namamagitan sa atin kasi ito rin ang unang beses na nakaramdam ako ng ganitong pakiramdam," sabi ko naman. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. "I won't promise but as long as I can, I will love you do everything for you and try not to hurt you." Buong byahe ay nakangiti lang ako. Nakakapagod ang mga ginawa namin pero syempre sobrang enjoy na enjoy ako dahil sa mga naranasan ko. Para akong naging bata ulit dahil doon. Sobrang dami din naming at sabi ni Luigi ay pwede raw 'yon maipagpapalit sa mga laruan doon sa palaruan. Hay! Ang saya sa pakiramdam ng ganito ang buhay. Sabi nila money can't buy happiness daw pero para sa akin kung may pera ka minsan ay mapapasaya ka rin lalo na kapag maluho ka. Pero hindi ka naman siguro sasaya kung wala kang pera at wala ka na ring makain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD