Chapter 11

1461 Words
Biglang uminit ang aking pisngi nang marinig ang kaniyang sinabi ramdam na ramdam kong namumula ito. Tahimik lang ang buong kainan nang matapos niyang sabihin ang mga tinagang iyon. Hindi ko na alam kung ano ba ang galaw nila sa ngayon dahil bakayuko na lang ako uoang itago ang aking mukha. Aminado akong kinikilig ako pero baka sabihin nilang gustong-gusto ko naman ang mga banat ni Luigi sa akin. "Tha...thank you," nasabi ko na lang nang hindi inaangat ang mukha. Narinig ko ang mahinang pagtawag ni Timothy na sinundan naman ng tili at palakpak ni Leanne. "Is Mateesha going to rock your world, Bro?" Natatawang tanong ni Timothy. "Hay! Naiinlove ka na ba sa kaniya, Couz?" tanong naman ni Leanne. "Sabagay, her beauty is Luigi's standard anyway." Hindi ako nagsalita o gumawa man lang ng kahit na anong aksyon na makakapag-agaw sa kanilang atensyon. Tahimik lang akong kumakain at pasimpleng napapangiti sa mga naririnig ko mula sa kanila. "And so what?" Sagot naman ni Luigi sa dalawa. "Perhaps we already talked about it earlier, we'll try to work things out, right babe?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang biglang hinawakan niya ang aking kamay. Ang kaninang mga pisngi lang ang namumula ngayon ay pati mga tenga ko na. Parang nagsibuhayan ang mga dugo ko sa buong katawan nang sabihan niya akong 'babe' at hawakan ang aking mga kamay. "Share your thoughts naman, Mateehsa," sabi ni Leanne sabay ngisi. "Mahirap kiligin kapag tinatago ilabas mo na 'yan." Parang gusto ko na lang matunaw sa labis na hiyang pinaparanas nila sa akin. Hindi maipaliwanag na hiya ang nararamdaman ko kasi hindi ko pa nararanasan ang mga ganito doon sa amin noon. Sino ba naman ang magkakagusto sa dating ako na sobrang pangit at hindi mukhang tao. Nairaos namin ang hapunan nang tahimik lang ako at halos hinihintay na lang na matapos silang kumain. Nasa kwarto ako ngayon nagpapahinga, iniisip ko pa rin ang mga nangyari. Sobrang laki talaga ng pinagbago ko at ng buhay ko. Parang magic lang ang lahat. Dati lang hindi ako naniniwala sa mga magic-magic na 'yan pero ngayon dahil nasaksihan ko na, maaaring totoo nga talaga. "Looks like my queen is in her deep thoughts?" narinig kong sabi ni Luigi. Nagulat ako kasi wala naman akong naramdamang may pumasok tapos bigla na lang ay may nagsalita na. Kaagad akong napatayo at inayos ang aking sarili wala pa din naman kasi akong b*a kaya tinakpan ko ito ng unan. "Bakit ka nandito?" gulat na tanong ko. "I'm sorry I sneaked out of your room I just wanna see you before you sleep," sagot niya sa akin. Kinilig naman ako sa sinabi niya. "Bakit mo naman ako gustong makita bago ka matulog?" "Why do you want to know anyway?" nakangising tanong niya. Ano ba naman itong si Luigi pinapakilig naman niya ako eh. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ang mga ganitong pakiramdam sa kung paano niya ako tinatrato. Hindi ko alam kung bakit my ganitong pakiramdam akong naraanasan ngayon. "Kasi syempre nakakapagtaka lang," sagot ko. Sa totoo lang ay gusto ko talagang malaman at sabihin niya mismo galing sa bibig niya na gusto niya ako. Siguro kaya ko naisip ang gan'on ay dahil sinabi niya kahapon na gusto daw niyang subukang mag-work kaming dalawa. "There's nothing to be curious of, Matt," nakangiting sabi pa niya. Anyway, kamusta ang photoshoot mo kanina?" "Okay naman sobrang saya at nakaka-enjoy," sagot ko. "First time ko kasing maranasan iyon, eh." "I'm glad that it made you happy." Nakaupo na siya ngayon sa sofa. Hindi ko na siya inayang maupo sa kama dahil awkward sa pakiramdam na nandito siya sa kwarto ko habang ako naman ay walang b*a. Nakakatuwa lang isipin na hahantong ang lahat sa ganito, na magkakagusto rin siya sa akin. Alam kong naging sobrang bilis pero napaka-sarap sa pakiramdam. Kahit naman wala akong alam sa mga pag-ibig na 'yan ay kahit papano may knowledge naman ako dahil sa lola ko. "Do you have a photoshoot tomorrow?" Tanong pa niya. Napaisip naman ako pero sa natatandaan ko wala namang nabanggit si Leanne sa akin. "Wala namang nabanggit si Leanne sa akin baka wala." "Great!" Bulalas niya. "Let's go to the mall tomorrow. Let's have a date." Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon ay tumayo siya saka lumapit sa akin. Laking gulat ko nang halikan niya ako sa noo saka siya tumalikod upang lumabas na. Hindi ko na napigilan ang aking sariling magsusumigaw sa tuwa at kilig na pinaramdam ni Luigi. Grabe nag-iinit ang aking tenga at pisngi sa tuwa. Hindi pa man ako nagkakagusto sa lalaki noon pero pakiramdam ko abot langit na ang sayang nararamdaman ko sa kaniya. Bigla akong nakalma nang maisip si lola at ang mga kapatid ko. Kamusta na kaya ang pamumuhay nila ngayon sa Mehran? Alam kong sobrang mahirap pero isa rin sa kontrata namin ni Luigi na padadalhan niya ang mga naiwan ko sa Mehran ng groceries kada linggo. Bukas ko kay Luigi kung tumupad ba siya sa usapan namin alam ko naman na tinupad niya 'yon wala naman kasi sa personalidad niya na magbalewala ng pangako pero gusto ko lang makasiguro at para magkaroon na rin ako ng peace of mind. Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip ng mga bagay-bagay na sobrang bilis na nangyari sa buhay ko sa loob ng idalawang araw. Nang magising naman ako ay nilinis ko na ang kwarto at sarili ko. Pagkatapos kong gumayak ay bumaba na ako saktong nakasabay ko pababa si Leanne na bihis na bihis. "Good morning, Lae," bati ko. Ngumiti siya sa akin at huminto pa para makipagbeso. "Oh, good morning my dear cousin in law." "May lakad ka yata?" hindi mapigilan ang sariling tanong ko. Nakababa na kami habang hawak pa rin niya ang kaniyang cellphone. Pansin ko kay Leannne parati siyang busy sa cellphone at laptop niya. "I'm going to Thailand pala, Matt to meet some clients there I'll be back in 2 days," sagot naman niya. Napatango na lang din ako. Grabe busy nga talaga siya. Akala ko sa nauuso lang na social media umiikot ang buhay nitong si Leanne. Nagulat ako nang makita ang lamesa na mayroong boquet ng sunfloower at may mga platong puno ng masasarap na mga pagkain. Walang tao sa lamesa tanging ang mga masasarap na pagkain lang at isang boquet ng sunflower. "O to the M to the G," hiyaw naman ng katabi kong si Leanne. "This is really for real! Oh my God, go and check the boquet, Mateesh!" Nangunot naman ang noo ko. "Huh, eh, baka hindi naman saakin 'yan." "Just check it!" hiyaw pa nito. Wala naman akong nagawa kung hindi ang tingnan at icheck nga raw ang boquet na sinasabi niya. Napangiti ako at namula ang mukha nang makita ang letter na nakalagay sa boquet. Good morning, Babe. Eat your breakfast and then ready yourself, we'll go out on a date after you finish fixing yourself. I'll wait for you at the sala later. Note: I cooked the breakfast for you I hope you'll love it the way I love your sotanghon last night. Hindi ko na naitago ang ngiti sa aking mukha. Naramdaman ko na lang si Leane na inaya na akong maupo at kumain. "Stop feeling your kilig na, Matt, just eat and get ready para makapag-date na kayo," nakangiti pa niyang saad. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Nagsimula na nga akong kumain at nangmatapos ay dumiretso na sa kwarto para mag-ayos ng sarili habang dala naman ang boquet na dala ni Luigi. Nang matapos ako sa pag-aayos ay nakita ko si Luigi na hinihintay na ako sa sala habang pababa ako. Inilahad niya ang aking kamay upang abutin ako pababa saka ako inalalayan pasakay ng kotse. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan. Grabe pa ang sasakyang dala niya parang sports car. Pumasok na rin siya sa kabila at nagsimula nang mag maneho. Tahimik lang kami sa loob hangang sa makarating na sa mall. Katulad kanina sa bahay niya ay inalalayan din niya ako pababa ng sasakyan. "Have you ever experienced watching cinema?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami papasok sa loob ng mall. "Hindi pa, eh. Alam mo naman ang sitwasyon ng buhay namin noon," sabi ko pa. "Okay then, we'll watch movie first after going to our first agenda," saad niya. Sumunod lang ako sa kaniya hangang sa makarating kami sa itaas na bahagi ng mall. Tinanong pa niya ako kung ano ang gusto kong panoorin kaya sinabi ko naman na ang sikat na cartoon movie. "Miss, we'll watch little mermaid please," sabi niya doon sa cashier. "Sir, ang 1 and 2 na lang po ang available na seat," sabi naman ng babae. "Please clear sa cinema for me and my wife, thank you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD