Chapter 10

1465 Words
Biglang bumilis ang t***k ng aking puso. Nakatingin lang ako sa kaniya na puno ng pagtatanong ang aking mukha. May kung ano sa aking pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Pinipigilan ko ang aking sariling mapangiti sa harapan niya. Ramdam na ramdam ko rin ang pamumula ng aking pisngi. "Ba...bakit?" utal kong tanong. Hindi ko alam kung paano ba ako magsasalita nang hindi niya nahahalata na kinikilig ako gusto ko lang ipamukha sa kaniya na parang nagulat ako sa sinabi niya. Ayaw ko rin kasing masabihan niya na easy to get ako. "Gusto ko lang malaman kung mag-wo-work ba ang relasyon natin kung saka-sakali," sagot naman ni Luigi. "I'm also single for the long time and I'm trying to open my door to another girl. Since I married you, maybe we can try." Napatango na lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ba ako mag-re-react pinipigilan ko rin kasi ang sarili kongsumagot kaagad ng oo dahil baka sabihin niya ay guston-gusto ko naman. Sa totoo lang wala talaga akong balak na humindi sa ofeer niya. "Wala ka namang boyfriend, hindi ba?" tanong pa ni Luigi at tumango naman ako. "So what do you think?" "Pu...pwede naman," utal kong sabi. "Pero paano?" Ngumiti ito at tumayo mula sa pagkakaupo niya at lumapit sa akin. "We'll try giving our self a chance to fall inlove with each other. We'll treat each other like what boyfriend and girlfriend do or if you want we can M.U for now." "Gano'n ba? Sige payag ako," sabi ko. "Okay, then. See ypou later, my lovely wife," sabi niya at kinindatan pa ako. Nakangiti ako na parang tanga habang palabas ng opisina niya. Grabe hindi ako makapaniwala na may lalaki na ngayong nagkakainteres na maging opisyal akong kasintahan na pagmamahal pa ang kadahilanan. Parang kahapon lang bigla akong gumanda tapos may isang sikat na designer na gusto akong kuhanin bilang model niya tapos ngayon naman si Luigi ay inaaya ako kung pwede ba daw kaming mag-try na i-work ang relasyon namin na para bang isang tunay na magkasintahan. "Hoy, anong ganap mo?" tanong ni Leanne na nakasulong ko pakyat. "Bakit ngiting-ngiti ka naman yata?" "Wala lang," ngiting-ngiti ko pang sagot. "Mamayang 1:00 pm pa naman ang picture taking, hindi ba?" "Yes, but we have to be at the venue 1 hour before it starts," sabi naman ni Leanne. Kumunot ang noo ko. "Natural lang naman ang mukha kapag magpi-picture mamaya hindi ba, Lae?" Ngumisi ito sa akin. "Oh, no no no, you have a make up artist later! Kaya mag beauty rest kana kasi ako magbu-beauty frest na rin. I'll see you later, Matty." Hindi na ito naghintay pa ng sasabihin ko at dumiretso kaagad sa kwarto niya. Wala naman din akong nagawa kung hindi ang dumiretso sa garden ng bahay nitong si Luigi. Nakita ko don ang isang kasambahay na nagtatanim. "Manang Ising," pagkuha ko ng atensyon niya. Nilingon naman niya ako. "Ay, Ma'am, bakit nandito ka po? May kailangan ka po ba?" "Wala naman po, Manang, gusto ko lang po sanang tumulong," sagot ko naman saka umupo sa tabi niya. "Ano po ba ang ginagawa niyo, Ate?" "Nagtatanim ng mga rosas, Ma'am, kahit po kasi ganiyan 'yang si Sir Luigi na masungit ay mahilig 'yan sa mga rosas," nakangiting pagkwento naman ni Aling Ising. Nakakatuwang isipin na ang masungit at mukhang tigasing si Luigi ay mahilig pala sa rosas. Minsan masarap din siyang sorpresahin ng rosas, gagawin ko ito kapag tumubo na ang rosas na itinanim namin ni Aling Ising. Nakakapanibago na sa isang lalaking kagaya niyang masungit, seryoso, at anak ng may-ari ng malaking kompanya sa buong bayan ay mahilig pala sa rosas. Habang nagtatanim ay napapangiti na lang din ako sa isiping may lalaki rin palang mahilig sa rosas at masungit pa. Pinagpatuloy ko na lang ang pagtatannim hanggang sa after ninety-oone days at natapos rin namin. Medyo marami din pala ang naitanim namin. Panigurado sobrang maganda ang kakalabasan nitong garden kapag namulaklak na ang mga rosas. Tumayo na ko at dumiretso sa kwarto ko. Medyo sumakit din ang likod ko sa kakaupo at pagtanim kaya napagdesisyonan ko munang mahiga. Hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako kanina nang ginising ako ni Leanne dahil baka ma-late na raw kami kaya dali-dali na kaming nag-ayos na dalawa. Kaagad din kaming dumiretso sa venue. Nang makarating kami doon ay may mga tao nang naghihintay sa amin ni Leanne. "Okay, so this is our glam team, Matty," sabi ni Leanne at itinuro ang mga kasamahan namin. Nasa isang malapit kaming kwarto na parang may dalawang magkaibang design sa harapan, may maraming mga bilog-bilog na ilaw saka ang ginagamit na pailaw tuwing may photoshoot na nagaganap. Marami ring mga gamit at mayroong mga upuan. May nakita rin akong malalaking salamin na may pailaw sa gilid. "Grabe, hello sainyo," bati ko sa kanila. "Hi, ikaw na ba si Mateesha?" tanong ng isang parang bakla. "Ay, opo," nahihiya-hiya ko pang sagot. "You are indeed so beautiful, you're a big catch," nakangiting sabi niya. "By the way, I'm Ariel the make-up artist here and he s***h she's Arnold one of the make up artist here also and he will be your godmother for today." Tumango naman ako sa kanila at nakipag-kamayan na. Iginaya nila ako sa upuan para raw ay maauan na nila ako na kaagad ko namang sinunod. Habang nakaupo ay may kung ano-anong ginagawa sila sa mukha ko. Ang iba ay masakit ang iba naman ay nakakakiliti. Tahimik lang kami habang inaayusan ni Arnold. Si Leanne naman ay inaayusan din ni Ariel dahil may photoshoot din siya sa isang shampoo commercial. Mabuti naman ay isinabay na lang nila ang photoshoot namin ni Leanne. Ang sabi nila sa akin ay wala pa raw si Michael Yuzon na mayari ng mga gown na imomodel ko. "Hello, my dearest!" hiyaw ng isang pormadong-pormadong lalaki. Lumapit siya sa amin saka siya nagbeso kay Leanne at kumaway naman sa iba pa naming mga kasamahan. "So, where's my model, Lae?" tanong nito kay Leanne. Itinuro ako ni Leanne at napatingin naman saakin si Michael. "There she is!" "Oh my God! You are indeed a beautiful lady," bulalas ni Michael. "I really made the right decision to take you as my model. You are so fit to my masterpieces." "Nako, salamat po," nakangiting sabi ko. "Dati nakikita lang kita sa mga magazine at naririnig sa mga balita ngayon grabe model na ako ng mga gawa mo." "For a beautiful woman like you, you deserve it," sabi naman niya. Nagkwentuhan pa kami hanggang sa nagsimula na ang photoshoot. Grabe sobrang napaka-gaganda ng mga gown na pinagsusuot ko. Mabibigat ang iba at nakakamangha dahil sobrang mahal nitong mga pinagsusuot ko. Saktong natapos ako at ganoon din si Leanne kaya nagpaalam na rin kami doon sa glam team daw namin at saka kami umuwi. "Grabe naman pala ang ginagawa ng mga nagmomodelo sa magazine, Lae," nasabi ko na lang kay Leanne habang nasa sasakyan kami. "Yes, but its so worth it," sabi niya sa akin. "Aren't you hungry/" "Hindi pa naman," sagot ko. "Ikaw ba?" Grabe sobrang nakakapagod ng ginawa namin. Para akong gulay na nalanta sa dami ng gnawa ko kanina. Ilang beses akong nagpalit ng damit kaya sobrang nawala talaga ang energy ko pero hindi naman ako nakaramdam ng gutom. "I'm kinda hungry mag drive thru na lang tayo ng dinner," sabi naman niya sa akin. Kumunot ang noo ko. Mukha simula kahapon puro na lang kami fast food at hindi din naman maganda 'yon. "Huwag na pero kung nagugutom kana pwede namang bumili ka," sabi ko. "Ipagluluto ko kayo sa bahay, Lae." "Oh, really?" masayang tanong niya. "I'm so excited" Napangiti na lang din ako sa naging reaksyon niya. Nang makarating na kami sa bahay ay kaagad na akong nagpalit ng damit at naghugas ng mukha. Makati at malagkit kasi sa mukha ang make-up na nilagay nila sa akin kanina. Nang matapos na sa pag-aayos ay bumaba ako at dumiretso sa kusina. Niluto ko ang aking specialty na sotanghon guisado. Madali lang naman lutuin ang sotanghon at mabilis kaya nang matapos ako ay tinawag ko na si Leanne para kumain. Napag-alaman ko na nandito din pala ang kaibigan ni Luigi na si Timothy. Hinanda o na ang pagkain sa lamesa at tinawag na sila para kumain. "Oh, hey, Tim," bati ni Leanne kay Timothy. "Hello, Beautiful," sabi naman ni Timothy kay Leanne. "What's the aroma?" "Ay niluto ko 'yan. Sotanghon guisado sana masarapan kayo," sabi ko. "Sana magustuhan ninyo at masarapan kayo." Habang kumukuha sila ng sotanghon ay nakamasid lang ako sa kanila. Medyo kinakabahan ako sa magiging reaksyon nila ngunit mas kinakabahan ako kung masasarapan ba si Luigi o hindi. "You really deserve to be my wife not juts by law."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD