Nagulat ako nang makita ko sina mama at papa sa bahay ng mga Vaughn. Nagtatakang tingin naman ang binigay sa akin nina mama at papa na parang nagtatanong kung sino ako.
"Do you know them?" tanong ni Luigi na kakalapit lang sa akin.
Naalala ko bigla ang sinabi niya sa akin kanina na magka-away daw ang bayan kaya hindi ko alam kung paano ako magsasabi ng totoo kay Luigi saka hindi ko rin naman alam kung alam ba nina nanay ang tungkol doon o hindi.
"Uhm, hindi bakit?" tanong ko, "Nilapitan ko lang sila kanina kasi kamukha nila ang nanay at tatay ko."
Napatango naman ito at inaya na ako papasok sa loob ngunit sabi ko sa kaniya ay mauna na siya dahil nais ko pang makausap ang katulong ng mommy at daddy niya. Sinabi ko na lang sa kaniya na magaan ang loob ko sa dalawa kaya gusto ko muna silang makausap at sa kabutihang palad naamn ay pumayag siya.
"Sino ka ba, Hija?" tanong ni papa.
"Kilala ka ba namin?" tanong naman ni mama.
Napabuntong hininga na lang ako. Iniisip ko kung maniniwala kaya sila na ako si Mateesha at gumanda lang kaya naging ganito ako na sa tingin ko naman ay hindi talaga. Hindi ko din naman sasayangin ang pagkakataon na sabihin sa kanila o ipakilala sa kanila ang sarili ko.
"Ako po si Mateesha, ma, pa," sagot ko naman.
Dahil nga sa pagbabago ng aking hitchura ay kaagad na hindi sila naniwala tinanong pa nila ako kung totoo raw ba ang sinasabi ko o baka naman ay nagbibiro lang ako sa kanila.
"Nakakatuwa ka naman, Hija, ang ganda-ganda mo saka kapangalan mo pa ang anak namin," sabi naman ni mama. "Kung sana lang ay kasing ganda mo siya siguro ay maipagmamalak ko pa 'yon."
Napangiti na lang ako ng mapait. Masakit sa pakiramdam na ang sarili mo pang ina at ama ang magpapaka-down sa'yo. Parang kinurot bigla ang dibdib ko dahil sa mga narinig kong masakit na salita mula sa kanila. Dati pa lang alam ko na na hindi talaga nila ako gusto kahit pa anak nila ako dahil sa pisikal na anyo ko.
"Bakit, Hija, kakilala mo ba siya?" tanong naman ni papa.
"Ah, hindi po. Naalala ko lang din po ang nanay at tatay ko sainyo," sagot ko. "Mauna na po ako."
Tumalikod na ako sa kanila at naglakad papunta sa dining hall. Naramdaman ko na ang biglang pagtulo ng aking luha na kagad ko namang pinunasan dahil baka magtanong pa ang pamilya ni Luigi sa akin kung bakit ako umiyak kapag nakita nila ako.
"Are you okay?" tanong kaagad ni Luigi nang makita ako.
Nginitian ko lng siya saka tinanguan. "Oo, okay lang ako."
Hindi na lang din ako nagsalita pa naiiyak na kasi ako kaya baka mamaya kapag tinanong pa niya ako ay tuluyan na akong ngumawa dito. Naabutan ko ang parents ni Luigi at si Leanne na may pinag-uusapan. Nang makita nila kami ay umayos naman kaagad sila saka kami inayang maupo na.
"Ano po ang pinag-uusapan ninyo?" tanong ni Luigi.
"Leanne recieved a message from the Michael Alozo, Anak, he wants your wife to be the model of his designs," sagot ng mama ni Luigi. "I hope its fine with you."
"Malaking opportunity din ito para kay Mateesha, Hijo," sabi naman ng daddy niya.
Nakikinig lang ako sa kanila pero ako pakiramdam ko ang sakit na nararamdaman ko kanina dahil sa mga magulang ko ay napalitan ng kilig at saya. Grabe sa 24 years kong nabuhay sa mundong ito ngayon ko lang naranasang makita ng mga tao dahil sa hindi inaasahang kagadahang ibinigay sa akin ng pagpapakasal ko.
"But of course hindi lang opinyon ni Luigi ang kukunin natin at wala ka rin namang magagawa kung gusto ni Mateesha, Lui," sabi naman ni Leanne saka binaling ang paningin sa akin. "So, what do you think, Mat?"
Tiningnan ko muna si Luigi para malaman ko kung okay ba sa kaniya o hindi. Kung ako lang ang magdedesisyon ay gugustuhin kong maging model. Pinangarap ko na rin kasi ito dati kaya lang sagabal itong pisikal kong anyo kaya hindi talaga ako nakapag-model.
"Its fine with me," sagot ni Luigi.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Tiningnan ko si Leanne at ang parents ni Luigi. "Okay din po sa akin."
"Perfect!" hiyaw ni Leane.
Nagsimula na kaming kumain ulit at nagkwentuhan. Grabe hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyari. Sobrang naging mahaba ang araw ko mula sa paglipat ko dito sa bahay ni Luigi ay kaagad akong ikinasal nagbago ang anyo ko at gumanda ako sa loob lamang ng isang araw.
Nang matapos na kami ay dumiretso kaagad ako sa kwarto ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod kanina kasi ay sobran g masaya ako at ang tanging naisip ko lang ay sawakas nagbago rin ang itchura ko.
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ngayon masasabi kong gumanda ako hindi kagaya noon na sobrang pangit ko talaga. Hindi ko alam na ang pagpapakasal lang pala ang magiging daan upang mawala ang napaka-laking insecurities ko sa buhay. Hindi maipaliwanag na saya ang nararamdaman ko ngayon.
Halos trenta minutos yata akong nakatingin lang sa kisame habang iniisip ang mga masasayang nangyari sa akin bago ko napagdesisyonang bumaba para uminom ng tubig at kumuha ng makakain kung meron man. Hindi kasi ako makatulog kaya baka sa ibaba ay may tao pa at may maka-usap ako.
Nakita kong may bukas na ilaw sa kitchen sakto at may makakausap ako o matanungan man lang kung may makakain ba ako. Nadatnan ko si Luigi na malalim ang iniisip habang may tubig sa kaniyang harapan.
"Bakit gising ka pa?" tanong ko.
Umayos naman siya ng upo saka tumingin sa akin. "Hindi ako makatulog may iniisip lang. Ikaw bakit gising ka pa?"
"Hindi rin ako makatulog , eh. Iinom sana ako ng tubig," sagot ko.
Tumayo naman siya saka kumuha ng baso at nilagyan ito ng tubig. Pinasalamatan ko siya sa ginawa para sa akin saka na rin ako umupo sa tabi niya. Mukhang malalim yata ang iniisip niya.
"Pwede kang magsabi sa akin ng problema mo," sabi ko.
Hindi naman sa chismosa ako medyo lang pero kung nais niya kasi ng may makakausap ay willing talaga akong makinig sa problema niya. Kahit sa ganitong paraan lang ay makatulong din ako sa kaniya ngayon kasi pakiramdam ko ay sobrang laki ng naitulong niya sa akin kahit pa may kapalit na pera ang pagpapakasal ko sa kaniya. Dahil din naman kasi sa kasal ay gumanda ako. Lumabas ang anyo ko na hindi ko inaakalang mayroon pala ako.
"No this is nothing," sabi naman niya. "This is just some of office problems. Ikaw yata ang may problema."
"Hindi lang ako makatulog dahil sobrang saya sa pakiramdam na buong buhay ko pangit ako tapos sa isang iglap lang ay gumanda ako," nakangiti sabi ko. " Salamat sa'yo kaya naging ganito ako."
"You know what you're beautiful but then you just don't know how to take a good care of yourself," sabi naman niya.
Nanunuyang tingin ang ibinigay ko sa kaniya. "Maganda eh nong unang pina-salon mo ako ay hindi naman ako gumanda."
"Yes, because marriage is the the key to your real identity," sabi naman nito. "Huwag kang masyadong maging mabigat sa sarili mo dahil kung may mga taong nagda-down sa'yo mayroon ding humahanga at nag-va-value."
"Kaya nga kahit mga magulang ko ay tinatakwil ako, eh," sabi ko. "Kahit noon grabe ang ginagawa ko para lang mapansin at pahalagahan nila ako kaya lang wala, eh. Parati lang din kasi akong natatanggal sa trabaho."
"You know what sometimes there are people who makes us feel insecure but there are this people who comforts us," payo naman niya. "Kahit magulang mo pa ang nagda-down sa'yo, pero mayroon pa ring taong handang magsugal para sa'yo."
Pinasalamatan ko siya at nagpaalam na rin sa kaniya upang umakyat at matulog nakaramdam na rin kasi ako ng antok. Gumaan kahit kaunti ang pakiramdam ko dahil may napagsabihan ako ng problema ko. Nakangiti akong humiga sa kama habang naiisip ang mga magagandang mga bagay na nangyari sa akin sa loob ng isang araw lang.
Nagising na lang ako nang tumama ang sikat ng araw sa mukha ko. Noon sa amin kung sobrang pagod ko sa init ng pakiramdam ako nagigising ngayon naman sa sikat na ng araw kasi may aircon na itong kwarto ko, eh. Kaagad akong nag-ayos ng sarili saka ako bumaba dahil tanghali na rin.
Naabutan ko ang mga katulong na nagsisimula nang maglinis nag-offer naman ako na tumulong ngunit hindi sila pumayag kaya naman ay hindi na lang din ako namilit. Naabutan ko naman si Leane na nagla-laptop din sa lamesa.
"Oh my God! Good morning, Matt, I just want to inform you that today is your photoshoot," sabi ni Leanne.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Seryoso ka ba? Bakit ang bilis naman yata?"
"Oh, no, no, no! Sakto lang ito dahil matagal na silang naghahanap ng magiging model na fit sa kanilang gowns and magazine," sabi naman niya.
Nakipagkwentuhan lang ako sa kaniya habang kumakain. Nalaman ko rin pala na hindi pa lumakain si Luigi ng breakfast kaya pumunta ako ng kitchen para mag-ayos ng dadalhin ko sa kaniya dahil nasa office daw niya siya sa taas ng bahay. Magpapaalam din kasi ako na may photoshoot mamayang 1:00 pm.
Nang matapos ako sa ginagawa ay dumiretso na kaagad ako sa taas. Nabutan kong bukas ang pintuan ng kaniyang opisina. Nakita ko siyang busy din kaka-laptop nakakunot pa ang noo habang naka tingin sa screen. Ang pogi niyang tingnan dahil seryosong-seryoso ang kaniyang mukha at nakkunot pa ang noo. Kumatok ako ng dalawang beses upang makuha ang atensyon niya at hindi naman ako nabigo.
"Mag breakfast ka muna," sabi ko saka lumapit sa kaniya at inilagay ang pagkain sa mesa niya.
Nginitian niya ako. "Thank you."
Nagpaalam na rin ako sa kaniya tungkol sa photoshot at pumayag naman siya kaya nagpaalam na rin ako ngunit natigilan ako nang marinig ang sinabi niya.
"Can we be act and try to be a real couple?"