Chapter 8

1731 Words
"Ano?!" hindi makapaniwalang tanong ko. "Eh, bakit naman biglaan? Ang sabi niya sa akin sa susunod na linggo pa daw bakit ngayon na kaagad?" Habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan ni Leanne ay daldal lang ako ng daldal. Wala akong tigil sapagsasalita at pagtatanong sa kaniya sa mga bagay-bagay tungkol sa pagpapadali ng kasal ko. "Hindi ako ready ano ba naman 'yan, Leanne," sbi ko pa habang naglalakad kami. "Pumasok ka na lang sa kotse para makarating na tayo sa simbahan na papakasalan mo," utos niya sa akin. Pumasok naman ako kaagad sa sasakyan nang hindi na nakapagsalita pa. Inutosan ni Leanne ang driver na bilisan ang pagmamaneho dahil may dadaanan pa daw kami. Maraming mga tinatawagan si Leanne sa kotse habang papunta kami sa kung saan man kami pupunta. Tumigil ang sasakyan sa parking lot ng isang building. Mayroong mga taong naghihintay sa malaking van saka naman ako hinila ni Leanne palabas ng kotse. Hindi ko na alam ang sumunod na mga nangyari dahil sobrang bilis ng galaw ng mga tao sa paligid ko. Nakita ko na lang si Luigi na nakatayo sa labas ng simbahan at mukhang hinihintay ako. Kaagad siyang lumapit sa akin nang huminto na ang kotseng sinasakyan namin. "Akala ko ba next week pa ang kasal?" natanong ko na lang kaagad pagkababa ng kotse. "My parents called and told me to rush the wedding because they'll fly to Poland next week to process my grandmother's paper," sagot niya naman. "I'm also shocked that they already arrange everything and called me to prepare you for the wedding, I'm sorry, Mateesha." Ngayon naintindihan ko na kung bakit napaaga ang kasal. Dahil contract marriage lang naman ito kung tawagin nila ay sabay na kami ni Luigi na naglakad sa aisle. Medyo marami-rami din ang mga bisitang inimbitahan ng pamilya ni Luigi. Nakakalungkot lang na sana sa araw na ito ay dapat kasama ko ang pamilya ko. Para kasi sa mga kababaihan espesyal ito at kailangang kasama mo ang pamilya mo pero ako lang yata ang bride na hindi kasama ang pamilya sa sarili ong kasal at ang bride na walang kilala sa mismong kasal niya kung hindi ang mapapangasawa nito at ang isa nitong pinsan. Habang naglalakad kami sa loob ng simbahan papunta sa altar ay nakatingin lang ang mga tao sa amin. KItang-kita sa mukha ng mga bisita na nagulat sila sa magiging asawa ni Luigi at lam ko na ang rason no'n at naiintindihan ko 'yon. "This is the worst wedding!" "I didn't know that the Vaughns really lowered their standard." "I do understand that Luigi needs to have a wife before he turns 25 but is that really necessary to marry a monster?" Ilan lang 'yan sa mga komentong narinig ko sa mga tao habang naglalakad kami sa altar. Wala naman talaga akong pakealam sa kung ano man ang paningin nila sa panlabas na anyo ko pero hindi naman yata makatarungan na masasabihan nila ako g apngit. Sa ganda lang siguro nakabase ang lahat ng mga kaya sa kahit na anong bagay. Siguro kagandahan lang ang basehan ng mga tao para makipagkaibigan o tanggapin ang iba kaya ganito na lang ang mundo sa akin. Hanngang sa nakarating kami ni Luiigi sa altar ay paulit-ulit na panghuhusga lang ang narinig ko sa kanila. "I'm sorry, don't mind them," saad sa akin ni Luigi. "Hindi sanay naman na ako," sabi ko. Nagsimula na ang seremonya ng pari. Mabuti na lang at wala akong narinig na kutya galing kay father. Hindi naman mabilis ang kasal dahil wala namang espesyal dito para lang naman ito sa buhay ni Luigi at sa magiging sahod ko. Patapos na ang seremonya at ang hinihintay ko na lang ay ang sabihin ni father na opisyal na kaming mag-asawa. "I now announce you husband and wife," sabi nito. "You may now kiss the bride." Akmang hahalikan na ako ni Luigi nang biglang lumiwanag ang buong paligid. Hindi ko alam pero napapikit na lang ako sa sobrang liwanag. Pakiramdam ko bigla ay lumulutang ako sa ere na pinapalibutan ng kung anong mga alikabok. Nakaramdam ako ng ginhawa dahil sa nangyari na para bang sobrang naging magaan ang pakiramdam ko. Siguro tumagal ng mga dalawang minuto ang ganoong pakiramdam ko hanggang sa unti-unti ko nang nararamdaman ang sahig sa aking paa. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata hanggang sa nakita ko na lang ang mga tao na hindi makapaniwala ang tingin sa akin. Kumunot naman ang noo ko dahil sa reaksyon nila saka ko tiningnan si Luigi. Tulala lang ito habang nakatingin sa akin. "Hoy ano ba ang nangyayari?" tanong ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang ang reaksyon nila. habang nakatingin sa akin. Ano kaya ang nagawa ng liwanag at naging ganito na ang reaksyon nila habang tinitingnan ako. "Wow," tanging sabi nito. Lumingon ako sa pari at ganoon na ang din ang reaksyon niya. "May himala nga talaga." Kumunot ang noo ko at naiinis na rin ako dahil wala man lang may nagsabi sa akin kung ano ba ang nangyayari. Para akong tanging lingon nang lingon at nangangapa sa taong sasagot sa akin. "Hija, do you have any blood related to the Alfords?" tanong ng babaeng hindi naman masyadong matanda ngunit hindi rin masyadong bata. Kamukha ni Luigi ang babae siguro ay nanay niya iyon. Kumunot ang noo ko at inisip kung narinig ko na ba ang sinasabi nila Alford kaya lang ay wala talaga akong maalala. "Pasensya na po pero wala po, eh." "Oh, its fine," sagot niya sa akin nang nakangiti. Bumaling naman ang paningin niya kay Luigi. "Go on with your wedding, Hijo, but we need to talk about something at the reception." Tuamngo naman si Luigi at bumaling sa akin. "Ano ba ang nangyayari?" tanong ko. "Bakit ganoon na lang ang tingin niyo sa akin? Saka bakit nagkaroon ng liwanag kanina?" "I don't know either, Mateesha, let's take a photo first and go to the reception," sagot lang niya sa akin. "Malalaman din natin mamaya kung bakit nagkagano'n dahil pag-uusapan natin 'yon kasama ang pamilya ko." Napatango na lang din ako. Nagsimula na silang mag-utos na magpapa-picture na raw hanggang sa matapos ay dumiretso na kami sa reception. Habang nasa sasakyan ay halos walang nagkikibuan. Hindi rin kasi ito ang parang karaniwang kasalan dahil wala siyang bridal car katulad ng iban basta mairaos lang ang kasal ay sakto na dahil hindi nga naman ito importante. Nang marating namin ang reception ay kaagad na pinadiretso kami ng pamilya ni Luigi sa parang isang sekretong kwarto. Apat kami ngayon dito ako si Luigi at ang mga magulang niya. Pinaupo nila ako sa isang upuan katabi ni Luigi at inabutan ng salamin. Nagulat ako nang makita ang itchura ko. Makinis na ito, maputi, at hindi naman sa nagmamayabang pero masasabi kong gumanda talaga ko. "Wow," nasabi ko na lang. "Ako ba tlaga 'to?" Hindi ko maipaliwanag ang saya at gulat na nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwala kung paano ako narating sa puntong gaganda talaga ako. Parang imposibleng dahil ikinasal ako ay bigla na lang din akong gumanda. Parang panaginip lang ang lahat sa akin. "yes, Hija," sagot ng mama ni Luigi. "Pero paano pong nangyari na naging ganito nag itchura ko?" tanong ko. "Paano pong nangyari na mula sa pagiging pangit ay bigla akong gumanda? Wala naman po sa mga magulang ko ang ganito kagandang mukha." "Wala ka ba talagang alam kung related ka sa mga Alford, Hija?" tanong naman ng papa ni Luigi. "Wala po talaga akong maalala, Sir, at hindi rin po ako masyadong nagtanong sa mga magulang ko kasi hindi rin naman sila close sa akin," sagot ko. "Bakit po ba, Sir?" "Call me tito, Hija," saad niya sa akin. "The family of Alford is one of the most known family here in Meheka and abroad. Mayroon silang nag-iisang anak na ang kapalaran ay magbabago sa oras na magpapakasal na ito. Hindi lang namin alam kung anong klase ng pagbabago ngunit sa pagkakaalam ko ay ang nag-iisang anak ng mga Alford kasama nila at maganda ito." "Ano po ba ang maaaring maging solusyon nito, Mom, Dad?" tanong naman ni Luigi. "What will we do to Mateesha's transformation?" Napatango naman ako sa sinabi ni Luigi. Hindi ko alam kung ikakabahala ko ba ang pagbabago ng mukha ko o ikakatakot, Wala akong ideya kung paano at kung ano na ang magiging kahihinatnan ko nito. "Ikakabahala ko ba ito, tito, tita?" tanong ko. "Hindi naman, Hija, sa rules ng bayan natin hindi talaga maipagkakailang may mga pagbabago sa'yo," sagot ng mama ni Luigi. Nakipagkilala lang ako sa mga pamilya at kakilala rin nina Luigi sa reception hanggang sa matapos na kami. Nang matapos naman ay dumiretso na kami pauwi. Kasama ko ngayon sa sasakyan si Luigi at Leanne nasa kabilang sasakyan kasi ang parents niya. Habang nasa sasakyan ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa isang iglap ay gumanda ako. Hindi lang pala ito para kay Luigi ang pagpapakasal namin kundi para rin sa akin. Doble-doble pa ang aking natanggap. Matagal kong pinangarap na maging maganda at ngayon ay hindi ko inaakalang matutupad pala. Wala namang rules sa bayan namin ang magbabago dahil nagpakasal o ano dahil hindi naman talaga kami nagkaroon ng rules kagaya dito sa Meheka. "Bakit sinabi ng mama mo kanina na bayan natin? Hindi ba niya alam na sa Mehran ako nakatira?" tanong ko kay Luigi. Tinakpan niya kaagad ang bibig ko. "Don't you ever mention Mehran again, okay? No one should know that you're from Mehran, you ge it?" Kumunot naman ang noo ko. Bakit naman yata sobrang daming bawal dito kay Luigi. "Bakit?" "Meheka and Mehran are not in good terms," sagot nito. "Walang dapat na makaalam kung saan ka talaga nagmula, naiintindihan mo?" Tumango lang ako at hindi na pinansin pa siya. Lumingon sa amin si Leanne. "What are you two doing? Bakit nagbubulungan kayo may pinabalak siguro kayong steamy night later?" "Shut it, Lae!" bulalas ni Luigi. Wala nang may nasalita pa ddahil doon at ako naman ay walang tigil sa kakatingin sa aking sarili sa salamin. Grabe ibang-iba na talaga ako. Mula sa sobrang pangit hanggang sa naging maganda ako. Nang makarating na kami sa bahay ni Luigi ay naroon na ang mga magulang nito. Dumiretso kami sa dining area nila dahil may kainan pa raw. Habang papasok ako sa loob ng dining hindi ko inaasahan ang nakita ko. "Ma? Pa?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD