Isang babaeng hindi masyadong matangkad, maputi, at kikay ang lumapt sa amin at kaagad na yinakap si Luigi.
My love? Akala ko ba single siya?
Kung may jowa itong si Luigi bakit pa siya naghanap ng mga babaeng pwede niyang mapangasawa. Nakatayo lang ako sa gilid habang nakikinig sa usapan nilang dalawa. Hinihintay ko lang na banggitin ni Luigi ang pangalan ko at ipakilala sa kasama niya na sinundo namin dito sa airport.
Jusko ang babaeng mukhang malandi kung makakapit kay Luigi akala mo naman linta.Nababagot na ako dahil sa tagal nilang mag-usap na parang wala nang bukas nakakainis. Bakit pa ako sinama-sama nitong si Luigi dito kung may kikitain lang din naman pala siya. Para akong tangang nakatunganga sa kawalan dito sa kagagawan niya.
"Maid mo, Luigi ?" tanong ng babae nang mapansin ako.
Finally after 10 years napansin din nila ako at napagkamalan pa talagang maid. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapagtaasan siya ng kilay. Tanggap ko naman na mukha akong katulong pero hello pagkatapos nila akong paghintayin ganito lang ang igagante nila sa akin hindi naman yata pwede 'yon.
"No, she's something more than a maid but you will know her later at home," sagot naman ni Luigi.
Anong at home?
Ramdam ko na ang pagsalubong ng mga kilay ko sa kanila. Nagulat pa ako nang ibinigay ng babae ang lahat ng mga bagahe niya sa akin saka hinila si Luigi papunta sa sasakyan. Hindi man lang ako tinulungan o nilingon ng amo kong may sa demonyo.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga ginawa nila at wala na rin akong nagawa kung hindi bitbitin ang isang bahay yata na mga damit ng babaeng kasama ni Luigi. Nakapasok na sila sa loob ng sasakyan nang madatnan ko mabuti na lang at nang makita ako ni Kuya, ang driver nitong si Luigi ay tinulungan kaagad niya ako.
"Ako na po ang maglalagay sa likuran, Ma'am," saad nito habang kinukuha ang mga gamit sa akin. "Maupo na po kayo ro;n sa harapan."
"Salamat, kuya, ha," sabi ko naman saka pinanood siyang isa-isang ilagay ang gamit ng babaeng kasama ni Luigi sa likuran ng sasakyan. "Huwag niyo na po akong tawaging ma'am, Mateesha na lang po. Huwag na kayong mag-alala kay Luigi ako na ang bahalang magsabi sa kaniya."
"Ay, sge po. Ako nga po pala sa Pido," nakangiting sabi naman niya, "Pasensya kana kanina, Mateesha, ha, sinusubukan lang naman kita saka binibiro."
Natawa na lang din ako sa sinabi niya. "Sino nga po pala ang kasama ni Luigi?"
Sigurado akong alam niya at kilala niya ang babaeng 'yon kasi matagal na din naman siguro itpng si Kuya Pido dito kay Luigi.
"No comment, Mateesha," nakangiting sagot niya.
Kumunot naman ang noo ko. Bakit kaya no comment ang sinagot niya siguro malalim ang ugnayan no'ng babae at ni Luigi. Sino kaya siya sa buhay ng mapapangasawa ko. Siguro naman ay mabait siya pero paano naman kaya kung mataray base kasi sa pinakita niya kanina sa akin ay may pagkamaldita rin siyang taglay.
Buong byahe pauwi ang tanging tumatakbo lang sa isip ko ay kung sino ang babaeng sinundo namin sa airport at kung ano ang parte niya sa buhay ni Luigi. Nakarating kami sa bahay ni Luigi at nagulat ako nang pagbuksan niya ako ng pinto.
"Come on," saad niya.
Bumaba na lang din ako saka hinintay ang sunod niyang sasabihin ngunit wala akong narinig na salita mula sa kaniya kaya sinundan ko na lang siya. Ilang beses akong nagta-try na magtanong sa kaniya pero wala akong lakas ng loob hanggang sa nakarating na lang kami sa sala.
"Hey, Luigi, you still haven't answered my question yet," mataray na saad ng babae. "Who is this girl?"
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa, hinihintay ang magiging reaksyon at ang isasagot ni Luigi sa babae.
"Okay, so! Mateesha, this is Leanne," pagpapakilala niya nakaturo pa ang kamay sa babaeng si Leanne. "And, Leanne, this is Mateesha my future wife."
Pinanood ko ang reaksyon ni Leanne nang sinabi ni Luigi sa kaniya kung kaano-ano niya ako at nanlaki ang mga mata nito dahil hindi makapaniwala sa narinig. Kung sabagay sino ba naman ang maniniwalang magiging asawa ako ng mayaman at napaka-gwapong lalaki. Sa pangit ng itchura kong ito lahat siguro ay hindi rin maniniwala.
Pangalan lang ng babae ang sinabi ni Luigi pero ang koneksyon niya dito ay hindi ko pa rin alam kaya hindi pa rin nasasagot ang tanong sa utak ko.
"Don't over react, Leanne, you know the rules," sabi ni Luigi at ibinaling ang paningin sa akin. "She's my cousin."
Ah, cousin.
"Okay fine, enough with this drama let's move forward," hyper na sabi ni Leanne. Tumayo ito at pumunta sa direksyon ko. "Girl, don't be mad at me but have you ever gone into the salon?"
Adik ba itong babaeng 'to ang lakas ng tama niya para siyang baliw bigla-bigla na lang magbabago ang modo.
"Girl, salita-salita din baka bigla kang ma stroke d'yan wala kaming idea,"
Hindi ko siya pinansin dahil wala naman akong sasabihin saka hindi ko rin alam kung paano ba ako sisingit sa dami ng mga sinasabi niya. Saglit na katahimikan ang bumalot sa aming tatlo.
"Okay, so I'll leave the two of you here for you to get to know each other better because I still jave works to do," biglang saad naman ni Luigi.
Tumayo ito kaagad na siya namang pinanood namin hanggang sa mawala na siya sa paningin namin.
"So, Mateesha sis, paano kayo nagkakilala ng pinsan ko?" Tanong kaagad ni Leanne nang maka-akyat na si Luigi.
"Uh, nagkakilala kami dahil naghahanap siya ng babaeng pwede niyang mapangasawa. Pumunta siya doon sa bayan namin kaya nag-apply ako," sagot ko. "Hindi ko nga alam kung bakit sa dinami-dami ng mga magaganda babae ay ako pa talaga na pangit ang pinili niya."
Gumuhit ang guilt sa mukha ni Leannne. "I'm sorry I didn't mean to say such words to you. At hindi lang naman kasi pagpapakasal ang dapat na i-achieve may requirements din ang paghahanap namin ng mga babae o lalaking papakasalan namin "
"Hindi, okay lang sanay naman na ako," nakangiting saad ko. "Clode talaga kayo ni Luigi, ano?"
"Ah yeah. We are the best buddies of all our cousins," nakangiting pagkukwento niya. "Sa lahat yata ng bagay ay magkasama na kami dati palang."
Biglang pumasok sa akin ang sinabi niyang requirements. "Teka pala, ano nga ba ang requirements ng papakasalan ninyo?"
"Let's go to the mall, Mateesha, need kong mag pamper samahan mo ako," bigla ay sabi nito.
Kumunot naman ang noo ko sa naging sagot niya sa akin. Hindi na lang din ako umimik at nagtanong pa dahil baka ayaw niyang pagusapan kaya sumama na lang din ako sa kaniya. Bago kami umalis ay pinabihis pa niya ako at ang mga damit ay nakuha daw niya sa mga pinamili ni Luigi para sa akin.
Habanag nasa byahe kami nagpaalam muna si Leanne na matutulog kahit saglit dahil may meeting pa raw mamayang gabi. Pumayag naman ako at nagmasidmasid na lang din sa mga dinadaanan namin. Sobrang ibang-iba talaga ang buhay ng mayaman sa mahirap. Noong nasa bahay ako dati, parati akong umaalis para magahanap ng trabaho samantalang dito, sa isang araw dalawang beses kaming umalis sa isang araw pero papuntang mall. Namimili ng mga damit, masasarap na pagkain, at bumibili ng mga kung ano-anong mga gamit.
Nang makarating kami sa mall ay inaya kaagad ako ni Leanne sa salon. Pagkarating namin sa labas ng salon ay mukhang walang tao at ang mga empleyado nila ay parang may hinihintay lang.
"Mukhang may hinihintay yata silang espesyal na customer, Lae." saad ko kay Leanne.
Napatawa ito ng malakas. "Oh, silly! They're waiting for us, Mateesha. I really booked the salon privately for us two."
"Ano?! Bakit?"
"Kailangang payapa ang beauty rest natin," sagot niya.
Nang makapasok na kami sa loob ng salon ay kaagad akong pinaupo ni Leanne sa upuan kung saan inaayusan yata ang mga customers. Takang tumiungin ako sa kaniya, nagtatanong kung ano ang gagawin ko dito.
"You'll have a make over!" masayang saad niya.
Nanlaki anman ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. Hindi ko pa nararanasan ang mga ganitong klase ng pagpapaganda kasi wala naman akong pera para maipaganda sa mukha ko at higit sa lahatb wala naman akong pakealam sa itchura ko. Tamang insecure lang kung masasabihan ng pangit pero walang pakealam para magpaganda.
"Ayoko!" pasinghal na sabi ko. "Natatakot ako hindi ko gusto ang mga gagawin niyo masakit 'yan, eh!"
"No you can't say no, Mateesha," sabi naman ni Leanne. "You have you be beautiful at the day..."
Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin dahil biglang may tumawag sa kaniya sa telepono. Nag-excuse muna siya saka sinagot ang tawag. Takot naman na tingin ang ibinugay ko sa mga trabahador ng salon nang akma silang lalapit sa akin.
"Ayoko po ng mga make over na 'yan, huwag po," sabi ko.
Hindi sila nakinig at lumapit pa sa akin. Pilit akong tanggi nang tanggi sa kanila pero pilit din naman silang lumalapit hanggang sa narinig ko ang sigaw ni Leanne.
"Stop, let her be!" utos niya sa mga empleyado saka tumingin sa akin. "We have to go home, Mateesha, tumawag sa akin si Luigi. You have to get dressed, Luigi said today's your wedding."