Chapter 6

1437 Words
Nakaupo ako ngayon sa harapan nng kotse sa gilid ng driver habang ang walang hiyang si Luigi naman ay sarap na sarap ang buhay doon sa likuran. Parang van pala itong sinasakyan namin kaya sa likod ko mayroong dalawang upuan pero sa ikatlong row siya umupo, medyo malayo sa amin ng driver. Nang tiningnan ko siya ay naka-headset pa siya at nakapikit ang mga mata. Pogi ka sana kaso suplado ka. Napatingin ako sa driver pakiramdam ko kasi ay nakatingin siya sa akin at hindi nga talaga ako nagkamali dahil nakatingin nga talaga siya sa akin. Ang tingin niya ay parang nanunuya na para bang hindi siya makapaniwala kung bakit tinatawag ako ni Luigi ng future wife kanina kasi ay narinig ng driver ni Luigi na tinawag ako ng amo niyang my future wife. "Bakit, Kuya?" tanong ko. Hindi ko na napigilan ang taray sa boses ko habang sinasabi iyon. Para kasi siyang judge sa korte na sinesentensyahan ang katauhan ko. Pero sabagay dapat sigurong masanay na lang din ako sa ganito dahil dati pa rin naman ay ganito na ang mga reaction na natatanggap ko mula sa mga tao. "Wala naman, Ma'am, nagtataka lang ako kung bakit ikaw pa talaga sa dinami-dami ng mga magagandang dalaga sa buong bayan ng Meheka ang napili ni Sir Luigi na pakasalan," walang prenong sagot nio sa akin. Ang harsh naman ng mamang ito. "Hoy, kuya, ha, magiingat ka sa mga sinasabi mo akala mo naman pogi ka." "Nagsasabi lang naman ako ng totoo, Ma'am," sagot pa nito. Nako! Inirapan ko na lang siya at ibinaling na ang paningin sa daan. Nako kung hindi lang ako nagpipigil baka siguro nasapak ko na itong si kuya. Pero kailangan ko rin munang makisama sa kanila kasi bago pa lang naman ako saka kahit labag sa loob ko may point nga naman talaga siya bakit ako at hindi na lang ang mga magagandang babae dyan. Maitanong ko nga iyan mamaya kay Luihi. Sa sobrang haba ng byahe hindi ko na alam kung saan ba kaming mall pupunta. Siguro mga tatlong malls na rin ang nadaanan namin pero wala pa rin hindi pa rin humihinto itong si kuyang driver na ubod ng harsh kung makasalita. Nagmasid-masid na lang din muna ako sa mga daanan. Hindi kagaya doon sa Mehran, ang lugar nila dito ay puno ng mga buildings at establishments habang doon naman sa bayang pinanggalingan ko ay mostly mga puno. Maraming mga kotse dito halos mga magagara pa doon naman sa amin mga pampasaherong jeep ang makikita mo. Ibang-iba talaga ang pamumuhay ng mga mahihirap sa mga taong mayayaman at nakaka-angat sa buhay. Kung sa amin kuntento na kami sa tinapay lang sila kailangan talaga may kanin may ulam pa. Ang boring ng byahe walang kausap gusto ko mang kausapin ang kuyang driver na mayabang pero ayokong mapahiya pride ko na lang ang natitira sa akin kahit hindi napiprito. "Ma'am, pakisabi kay sir nandito na tayo," utos ng driver sa akin. Aba matindi rin itong si kuya... "Saglit lang po, sir, ha," pamimilosopo ko at bumaba na. Nang makababa ako sa kotse ay dumiretso na ako sa pwesto ni Luigi. Tulog na tulog pa ang damuho at parang nag-enjoy lang sa roadtrip na ginawa namin. Bigla kong naalala na hindi ko pala alam kung paano buksan itong parang van pero magarang kotse na sinakyan ko. Akma akong kakatok nang bumukas naman ang pinto saka bumungad sa akin ang supladong mukha ni Luigi. "What?" seryosong tanong nito. Hindi na ako nakaimik at umiling na lang sa kaniya saka ko pinanood ang galaw niya. Hindi na niya sinara ang kotse dahil narito naman ang driver sinabihan lang niya ako na sumunod sa kaniya na ginawa ko naman kaagad. Hindi pa naman ako pamilyar sa lugar baka mamaya ay maligaw ako dito mamulubi pa akong ng wala sa oras. "Ano ba kasi ang gagawin natin dito?" tanong ko nang makapasok kami sa loob ng mall. Hindi ko naman first time pero ito na yata ang magandang mall na nakita ko. Iisa lang kasi ang mall na napuntahan ko doon sa bayan ng Mehran at 7 years ago pa 'yon. Namangha ako sa lawak ng mall pagkapasok pa lang sa entrance may mga kainan na kaagad na hindi ako pamilyar. Maraming mga tao na kahit wala namang araw ay nakasuot pa rinng shades sa loob. Sinundan ko lang ng sinundan si Luigi at grabe parang ilang minuto na kaming umiikot ay wala pa rin akong ideya kung saan kami pupunta. "Hoy, Luigi, saan ba talaga tayo pupunta kanina pa tayo paikot-ikot, ah?" iritadong patanong na saad ko. "We'll buy a new phone, eat at the fast food, and buy clothes for," sagot niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Para naman hindi ka nagmumukhang galing sa bukid. You look like a mother with twenty five children." "Sa dinami-dami ng number bakit twenty five pa?" tanong ko. "Kasi sa edad na 'yon ka mamamatay kapag hindi kita pinakasalan?" Matalim na tingin ang ibinigay niya sa akin. "Sa dinami-dami ng mga sinabi ko bakit ang number pa ang na notice mo?" Pilosopo talaga itong si Luigi kahit saan mo siya dalhin maiinis at maiinis ka talaga sa kaniya. "Ay speaking of kasal, bakit pala ako ang pinakasalan mo?" tanong ko. Isa rin pala 'yan sa mga dapat kong itanong noong nagusap kami kanina sa opisina niya pero nakalimutan ko na. Pumasok kami sa isang bilihan ng mga cellphone. Maraming mga mamahaling mga bagay dito na sa chismis ko lang naririnig noon doon sa amin katulad ng cellphone, laptop, ipad. "Ikaw ang napili ko kasi pangit ka," sagot naman niya. "Seryoso ka ba?" pagalit kong tanong. Lahat ba talaga ng mga taong nasa paligid niya ay kapareho ng ugali niyang ubod ng yabang? Hindi na niya ako sinagot pa kasi kinakausap niya ang salesman. Namili siya ng magandang cellphone at nang makapili na siya ay tinanong niya kung anong kainan ba daw ang gusto kong puntahan o tikman sabi ko naman sa kaniya ay Jollibee. Sa totoo lang kasi ay hindi ko pa talaga nararanasan ang kumain sa Jollibee naiinggit lang ako sa mga kapatid at kakilala ko doon sa amin dahil nakakakain sila ng gano'n habang ako kailangan ko munang pagtrabahuhan kahit pa nga ay hindi talaga ako nakakabili no'n. Halos binili niya yata lahat ng sinabi kong gusto kong tikman sa Jollibee grabe sobrang bait rin naman talaga niya sa ibang bagay. Pagkatapos namin sa Jollibee ay dumiretso na kami sa bilihan ng mga damit. May sinabi siya sa babae at hinawak-hawakan naman ng babae ang katawan ko na para bang manyak at parang isang oras yata kaming naghintay sa loob ng tindahan hanggang sa inabutan ng babae si Luigi ng dalawang malalaking paper bags. Hindi na lang din ako kumontra dahil ini-enjoy ko ang pagkain ng Jollibee. Natapos na kami kaya naman lumabas na kami ng mall saka bumalik sa sasakyan niya. Ganoon pa rin ang set up namin nasa harapan pa rin ako umupo habang siya naman ay nasa likuran komportableng humihiga-higa. Tumingin ako sa driver na seryoso lang ang paningin sa daan. "Manong, oh," saad ko Inabot ko sa kaniya ang binili namin ni Luigi na Jollibee kanina na para sa kaniya. May burger doon coke na may ice cream, spaghetti at kanin na may manok. May cook din kaming binili para sa kaniya. "Nako, Ma'am, baka may lason ito at pumangit din ako, ha," saad niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw, kuya, bastos 'yang bibig mo, ha. Ikaw na nga itong binibigyan manglalait ka pa." Malakas na tumawa si kuya ngunit sinamaan ko lang siya ng tingin. "Biro lang, Ma'am, medyo totoo din parang half-half lang," pang-aasar pa niya. "Salamat, Ma'am, ha." Sinabi ko sa kaniya na huwag na niya akong tawaging ma'am pero ang sabi raw niya ay hindi iyon pwede dahil ganoon ang rules ni Luigi sa kanila. Tinanong ko siya kung uuwi na ba kami pero ang sabi niya ay hindi pa raw dahil may pupuntahan pa kami na hindi niya naman sinabi kung saan. Pagkatapos ng mahabang byahe nagulat ako nang makitang nasa airport kami. Lumingon ako kay Luigi at ang tanging sinabi niya lang sa akin ay sumunod daw ako sa kaniya. "Ano ba ang ginagawa natin dito?" tanong ko. "Sino ba ang hihintayin mo?" "Just shut your mouth up and wait," sagot niya. Nagulat ako nang may isang babaeng nakasuot ng sexy na damit at ang buhok ay hanggang tenga lang at may mga mahahabang hikaw na kumakaway-kaway sa direksyon ko. Nang tingnan ko si Luigi ay siya pala ang kinakawayan ng babae. "Luigi my love!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD