Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Walang hiyang ito hindi ko naman kasalanan na maging parte ng pamilya nila pasalamat pa nga siya at pumayag akong magpakasal sa kaniya.
"Ang kapal din naman ng mukha mo, ano?" mataray kong saad. "Kaninong buhay ba ang mawawala kung saka-sakaling hindi ako papayag sa kasal na gusto mo, ha?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Whatever. Its a win-win situation."
"Do you still have anymore questions?" tanong niya.
Parang wala naman na akong mga tanong pa sa kaniya. "Ay, teka, magkano nga pala ang sahod ko?"
Alam kong medyo nakakahiya siya pero mas mabuti na ring malaman ko kaagad kesa naman hindi na ako iimik tapos maliit lang naman pala ang matatanggap ko at ng pamilya ko. Para sa lahat ng tao wala naman talagang halaga ang pagpapakasal kasi pagmamahalan iyan na nabuo sa isang relasyon pero para naman sa akin na mahirap lang at hindi pa katanggap-tanggap sa trabaho ay kahit ang pagpapakasal ko kung mayroon mang offer na katulad nito ngayon ay papatusin ko.
"Your monthly salary is 350,000," saad niya. "If your performance is good in all aspects you know what I mean, Mateesha, I might give you another 1 million as a thank you gift for your service."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabiniya. Sobrang yaman nga talaga nila para paglaruan lang niya ang pera. Hindi na ako luge kung saka-sakali malaki na ang 350,000para sa amin. Parang sobrang yaman na naminkapag ganoon ang mangyayari.
"Okay," nasagot ko na lang.
"Is that all?"
"Pwede pa namang magtanong sa'yo tungkol sa contrata natin kahit sa susunod, ano?" tanong ko.
Tumango lang siya sa akin at tinanong ako kung may mga gusto pa raw ba akong malaman at nang sinabi ko naman na wala ay inutusan na niya akong lumabas ng opisina niya. Hinihintay raw ako ng maid sa labas para iguide ako papunta sa magiging kwarto ko.
Pagkalabas ko nga ay naroon talaga ang maid may kasama pa itong isang lalaki na siya namang kumuha sa natitira ko pang gamit na dala. Sinundan ko lang ang kasambahay sa magiging kwarto ko at grabe namangha ako sa lawak ng silid. Para siyang bahay sa loob din ng bahay. Iniwan na ako ng dalawang katulong buong galak naman akong dumiretso sa bintana dahil sliding window iyon at sobrang ganda ng view. Kitang-kita kasi ang magandang garden na puno ng makukulay na mga bulaklak.
Bigla kong naisip na boring pala ang magiging buhay ko dito dahil syempre wala akong makakausap saka ang cellphone ko hindi rin naman katulad sa iba na pwedeng mapanoodan ng social media. Kahit siguro meron ako no'n ay wala naman akong matatawagan o matitingan kasi wala rin naman akong mga kaibigan.
"Are you worried that you'll get bored here?" tanong ni Luigi.
Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita kasi wala naman akong narinig na nagbukas ng pintuan. Sobrang kabisado nga niya ang bahay niya kasi kahit siguro gabi at nakapikit ay hindi mo siya mararamdamang pumasok. Kailangan sa susunod magla-lock ako ng pintuan dahil baka mamaya nakahubad ako nako makikita niya ang katawan ko.
Hindi pwede!!! Walang ibang dapat na makakita sa katawan ko kundi ang lalaking mamahalin ko lang.
Ang katawan at ugali ko na lang ang antitirang maganda sa akin bilang tao kaya dapat i-treasure ko ito.
"Kabute ka ba noong nakaraang buhay, ha?" mataray kong tanong. "Bakit bigla-bigla ka na lang pumapasok? Paano kung nakahubad ako nong pagpasok mo edi nakita mo ang katawan ko!? Demonyong ito!"
Pinantaasan niya lang ako ng kilay at dumiretso sa sofa at prenteng umupo.
"Hello, wala ba akong safe place dito?" mataray kong tanong. "May privacy dapat ako ano at 'yon ay ang kwarto ko kaya dapat wala ka rito!"
Marami pa akong mga salitang kung ano-anong binanggit sa kaniya habang siya ay nagce-cellphone lang at walang pakealam sa akin na nagsalita. Uminit naman kaagad ang ulo ko sa ipinakita niya sa akin pakiramdam ko kasi ay binabastos niya ako.
"Are you done nagging out?"
Kumunot ang noo ko. "Sa dinami ng mga sinabi ko sa'yo 'yan lang ang isasagot mo?"
Ngumisi ito sa akin at umiling-iling na parang tatay na disappointed sa anak niya.
"Oh, ano?" matapang ko pang tanong.
"Stop complaining. Get dress we're going to the mall," sabi niya at kaagad na tumayo para lumabas nang hindi man lang ako binibigyan ng tingin.
Nang makalabas siya ay parang hindi pa pumasok sa utak ko ang kaniyang mga sinabi. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya o hindi. Pakiramdam ko ngayon ay lumulutang ako na parang tangang hindi maintindihan ang mga nasa paligid ko at ang sarili ko mismo.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Luigi ang dumiretso sa kama. Humiga ako at hindi ko inaasahang magiging sobrang lambot no'n. Grabe pakiramdam ko ay sobrang yaman ko na rin. sa mga nararanasan ko ngayon. Sobrang sarap palang mahiga sa sobrang malambot na kama tapos may mga katulong ka lang, sobrang lapad ng kwartong tinutulogan mo. Mabango, malamig, masarap sa pakiramdam.
Sobrang linis din ng paligid ang inaapakan ko namang sahig ay may malambot ding carpet. Noon pangarap ko lang ang tumira sa ganitong klase ng bahay ngayon ay nararanasan ko na kahit sa maikling panahon lang. Alam ko rin naman kasi na pagkatapos nito ay babalik na ulit sa normal ang buhay ko kaya lang may pera din akong malaki-laking maiuuwe.
Habang ninanamnam ang lambot ng kama na hinihigaan ko ay bigla kong narinig na may kumakatok sa pinto. Tatayo pa sana ako upang pagbuksan ito nang bigla itong bumukas saka ko nakitaang isang katulong na naghatid sa akin dito sa kwarto ko kanina. Napa upo naman ako ng maayos nang wala sa oras dahil sa hiya na makita niya akong parang isang amo na humihiga sa kama.
"Ay, ate," gulat kong saad.
Ngumiti siya sa akin ngunit hindi siya lumapit doon lang siya sa pintuan. "Ay, nako, Ma'am, huwag po kayong mahiya sa akin. Siya nga po pala pinapatanong ni Sir kung ready na raw po ba kayong umalis?"
"Hala, seryoso pala siya sa sinabi niya, ate?" nanlaki ang mga mata sa gulat kong tanong.
Nginitian lang ako ng maid at tinanguan. Agad naman akong nagbihis minadali ko na lang din ang aking sarili baka kasi mamaya ay sungitan pa niya ako at mag-away na naman kaming dalawa. Nagsuot lang ako ng mahabang palda abot hanggang talampakan ko habang ang suot ko namang blouse ay polo shirt floral sa ibaba floral din sa itaas ito kasi ang gusto kong mga tela at disenyo.
Bumaba na kaagad ako nang matapos. Nadatnan ko sa baba si Luigi na nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkairita. Dinahan-dahan ko ang paglapit sa kaniya ngunit hindi pa nga ako nakakalapit ay matalas na ang paninging ibinigay niya sa akin.
"Kanina pa ako naghihintay at nakuha mo pa talagang magdahan-dahan d'yan?!" sigaw niya.
Para namang namuhay ang mga dugo ko sa gulat. Kanina pa ako nagugulat simula nang dumating ako sa bahay na ito.
"Pasensya ka na, hindi ko naman alam na seryoso ka pala kanina, eh," mahinang saad ko.
"Well, I don't care. Bilisan mo na baka ma late pa tayo sa gagawin ko," masungit na saad niya.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.
Nahihirapan akong habulin siya dahil mukhang chill lang naman siya sa paglalakad pero sobrang bilis ng mga biyas niya para tuloy akong nagma-marathon pero naglalakad sa ginagawa kong paghahabol sa kaniya. Nahinto na lang ko nang huminto rin siya saka ako nilingin.
"Mall, we'll try if they can transform you into a human," sagot niya saka pumasok sa sasakyan at isinara ang pinto.