Chapter 4

1504 Words
Pakiramdam ko ay namumula ang aking pisngi dahil sa sinabi niya. Hindi ba naman ang hindi kikiligin kung isang gwapong lalaki ang mag-we-welcome sa'yo at tatawagin ka pang future wife niya. Hay... Parang tanga naman itong si Luigi sa ichura ko ba namang ito gugustuhin kaya niyang maging asawa ako. Oo at ito ang trabaho ko rito, maging asawa ng isang Vaughn kaya lang para lang naman maligtas ang buhay niya kaya ko ginagawa ito at syempre para na rin sa pera. "Natulala ka na, my future wife, admiring me a lot?" tanong nito. Masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya. Mayabang din naman pala itong Luigi na ito. Oo nga at pogi siya pero hindi naman ako ganooong ka easy to get ano. Saka malabong mangyarimg magustuhan niya ako. "Napakayabang mo din naman pala, ano?" mataray na saad ko. Iginaya kong muli ang aking paningin sa kastilyong bahay niya. Sobrang ganda dito sa loob sobrang napakalaki ng mga gamit na narito. Siguro ang salas nila buong bahay na namin eh mas malaki pa nga. Ang combination din ng color ng interior niya ay sobrang ganda. "May maipagmamayabang din naman kasi," sagot nito. "Don't be so amazed with our house, my future wife, you can explore this later but now lets focus on our matter first. Come with me to my office." Tinalikuran niya ako at dumiretso paakyat. Lumingon-lingon naman ako sa paligid hindi ko kasi alam kung aakyat ba ako o hindi. Sobrang linis kasi ng sahig tapos ang tsinels ko ay ipinanglakad ko pa putikan kanina. "Halika, I'll guide you upstairs," sabi naman ni Timothy. "Huwag nang maraming tanong, ha. Bring your slippers Luigi has a maid they will clean your dirt." Hindi na lang din ako nagsalita at sinundan siya paakyat sa taas habang dala-dala ko naman ang gamit ko. Grabe parang mall sa laki ang bahay nitong si Luigi. Nakakalula ang taas ng hagdan tapos kulay ginto pa. Ang hagdan naman parang sa teleserye ang kurte dahil parang paikot pero hindi naman totally. Nang marating naman namin ang taas ay bumungad kaagad sa akin ang parang malit na salas. Katulad sa baba may TV din at may sofa kaya nga lang medyo maliit siya kesa doon sa unang nakita ko. Siguro kung wala kang kasamang kabisado ang bahay niya ay maliligaw ka sobrang laki kasi. Para rin siyang maze kasi pikot-ikot at maraming mga pinto. Pagkatapos ng isang adventure ay pumasok na kami sa isang napakalapas na kwarto. Bumungad sa akin ang itim at puting kulay ng mga gamit. Sobrang dami yata ng sofa dito sa bahay ni Luigi kasi parang halos puro sofa ang nakikita ko eh. "After 1 year you finally came even though you just came from the first floor of this house," masungit na saad ng boss kong nakaupo na sa upuan niya. Pinandilatan ko siya ng mata. "OA mo sa part na 'yon, ha? Sino ba kasi ang nagsabi sa'yong magpatayo ka ng mall?" "Whatever," saad pa nito. "Let's proceed to our main topic. So, you agreed to be my wife in return of salary and groceries for your family, weekly." "Oo nga, oh ano naman ngayon?" mataray kong tanong. Hindi ko maiwasang magtaray kay Luigi sobrang hangin din kasi. "Feisty, Bro," sabat ni Timothy. "You know me, pre, I ,like feisty girls," parang manyak na sagot naman ni Luigi. Umiling-iling si Timothy kay Luigi. "Do you think she'll be a good wife for you?" Nagulat ako nang lumipat ang tingin ni Luigi sa akin. "Maybe in many aspects, yes she will." Bigla akong nakaramdam ng inis dahil sa tingin niya sa akin. Mula ulo hanggang paa kasi ang paningin niya. Para niya akong hinuhubaran sa tingin niya. "Teka nga, bakit hindi niyo na lang ako diretsuhin? Ano ba talaga ang sasabihin mo, Luigi?" sunod-sunod kong tanong. Nginisihan ako ni Luigi saka inilipat ang tingin kay Timothy. "You can go out now, Tim, thanks for bringing her to me." Pinanood kong umalis si Timothy sa kwarto at nang makaalis ito napalipat ang tingin ko kay Luigi na tumayo nang umalis ang kaibigan niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang ang kaniyang paningin ay diretso lang na nakatingin sa akin. Bigla akong kinabahan dahil sa mga tingin niya sa akin. Mapungay ang mga mata nito at nakangisi habang papalapit sa akin. Pinanood ko si Timothy habang umaalis sa kwarto at nabaling naman ang aking paningin kay Luigi nang tumayo ito nang makalabas na si Timothy. Dahan-dahan itong lumapit sa akin nakangisi at mapungay ang kaniyang mga mata. Namuo ang kaba sa aking dibib at hindi ko rin mapigilang mapalunok ng ilang beses. Nakakatakot ang mga tingin nito dumagdag pa sa kaba ko nang dumiretso ito sa pintuan at inilock iyon sa hindi ko malamang dahilan. Gusto kong magsalita upang tanungin siya kung ano ang gagawin niya at upang sana ay tarayan siya ngunit hindi ko mahanap ang aking boses. "Now we're alone together," saad nito nang makalapit sa akin. "Nga...ngayon?" utal-utal kong tanong. Nakatingin lang ako sa kaniya at pinakikiramdaman ang kilos niya. Nang makalapit na siya sa akin ay hinawakan niya ako sa balikat at dahan-dahang pinatayo. Naramdaman ko na lang ang malamig na pader sa aking likuran ang dalawang kamay niya ay itinukod niya sa pader at diretso lang ang paningin sa aking mga mata. Hindi ko magawang tingnan siya ng diretso dahil nakakaramdam ako ng awkwardness. Nahihiya ako sa kaniya dahil sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Rinig na rinig ko ang mabilis na t***k ng aking puso at pakiramdam ko ay pulang-pula na ang buong mukha ko dahil sa hiya. Grabe ngayon ko lang nakita sobrang tangos pala ng ilong nitong si Luigi, ang pilikmata niya ay sobrang kapal at wala siya kahit ni-isang tigyawat man lang sa mukha. Ang labi niya katamtaman lang din ang pagkapula habang ang bigote niya ay sobrang nipis na bagay na bagay sa mukha niya. Hay... Nakakalaglag ng panty ang beauty ni Luigi! Mas lalo pa niyang inilapit ang mukha sa akin. "A...anong ginagawa mo?" "I'm just testing your potential in s****l matter, my future wife," sagot nito. "A...ano? Wala ito sa usapan, ah?" patanong na sabi ko. Ngumisi si Luigi at bumulong sa tenga ko. "Wala sa usapan pero mararanasan mo." Tulala niya akong iniwan na nakasandal pa rin sa pader at walang ideya sa mga nangyari. Ang posisyon ko ay hindi man lang naiba hangang sa makabalik siya sa upuan niya. "Are you going to just stand there and wait for miracle?" masungit na tanong ni Luigi. Ang kapal ng mukha! After niya akong gawing tanga tapos susungitan niya ako wala talaga siyang hiya. Masamang tingin ang ibinato ko sa kaniya ngunit tinaasan lang niya ako ng isang kilay. "Seat, Miss Lauriel, you have to listen to my rules," sabi nito at umupo naman ako. Medyo nahimasmasan na rin ako sa pagkakatulala. "After kong sabihin lahat ng mga rules ko pwede kang magtanong sa akin ng mga bagay na gusto mong malaman basta tungkol lang sa deal natin." Napatango-tango naman ako dahil sa sinabi niya. Infairness medyo mabait naman pala siya. "Okay, ano ba ang mga rules mo?" tanong ko. "Its not totally a rule," sagpt niya. "Para lang itong guidlines sa mga mangyayari sa atin bilang isang ganap na mag-asawa at kung ano na ang mangyayari after nating maghiwalay. After kong sabihin sa'yo ang mga rules kung mayroon man akong mga hindi masabi to fill your curiosity feel free to ask me." Napatango naman ako sa sinabi niya. Mabuti naman at naisipan niyang mag-open ng ganitong topic kasi may mga tanong din ako sa kaniya. "Sige may mga taong din naman ako," saad ko. "Okay so our wedding will happen next week. Ngayong week na ito we'll just know each other have a conversation and everything. Alam ko na hindi enough ang isang linggo para makilala natin ang isa't-isa pero at least may idea na tayo," sabi nito. "Since it is my wedding expect my family and relatives to witness our not so special day since it is just a contractual marriage. " "Pero sandali sa point na kasal na tayo, paano natin ituturi ang isa't-isa?" tanong ko. Sa iba kasi kahit na arrange marriage or contract marriage lang ay nagpapanggap pa rin sila bilang tunay na mag-asawa. "We'll act as if we love each other, as if we're really married," sagot niya naman. Kumunot ang noo ko nang biglang maisip ang pamilya niya at ang tao sa paligid niya. "Eh, teka hindi ba sikat ang pamilya mo? Hindi ba magtataka ang parents mo at ang taong mga nakakakilala sa'yo at sa pamilya niyo na bigla-bigla ka na lang ikakasal?" "Alam naman ng pamilya ko at ng mga tao sa Meheka ang sumpa kaya it's not a problem. Pero syempre ang mga nakakakilala sa amin personally ay ayon ang mga hindi dapat maka-alam. I don't want to ruin our family's image." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Bakit? Paano naman masisira ang image ng pamilya ninyo?" "Because of you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD