Chapter 4

1845 Words
Regina POV Nagpatuloy ang ganoong trato niya sa akin, tawagin na akong martir ng lahat pero hindi ko siya kayang iwan. I keep on insisting myself so one day he will love me back the way I love him. Pero ano bang aasahan ko sa isang playboy? Wala kahit na ano. Nasasaktan ako sa tuwing nakikipaghalikan o nakikipagyakapan siya sa ibang babae ako dapat yon eh' hindi sila, ako lang dapat. "Reg, tama na ’yan marami ka ng nainom." Pinipigilan ako ni Eme hindi ko na mabilang ilang baso ng tequilla ang nainom ko hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy pa ring tinuga ang baso habang nakatingin sa asawa ko kasama ang mga kaibigan niya na nakikipag-french kiss sa babaeng katabi niya. Yeah, kasama ko ang kaibigan ko habang para akong stalker na nanonood sa asawa ko na kinakalantari na kahit sinong mga babae. Kahit saan man siya nagpunta andoon ako nakatingin lang sa malayo habang selos na selos. I envy those women that can kissed or hugged my husband. Gustong-gusto ko ng sakalikn ang mga babaeng lumalapit sa asawa ko ngunit minabuti ko na lamang na manahimik na katulad ng dati. Mabuti pa sila sabagay isang malaking kasunduan lang ang nagtali sa aming dalawa hindi ko na kaya ang nakikita ko, tumayo ako. "Reg, saan ka pupunta?" My bestfriend asked. Ang mga kaibigan lang naman niya ang palaging karamay niya kaya nagpapasalamat siya sa mga ito. “Babawiin ko lang kung ano ang akin." Bago ako naglakad ay tinungga ko ulit ang baso at pasuray-suray na naglakad papunta sa direksyon nila. Nang makarating ako doon ay nakatingin sa akin ang mga kaibigan niya habang siya ay tuloy pa rin sa ginagawa niya. Natatawa siya sa sarili dahil bakit nga ba siya nagtitiis sa buhay niya ngayon gayong kaya niya namang mabuhay ng masaya kahit papano pero dahil sa pagmamahal na bulag ako at hindi ko makita ang bagay na dapat sana ay ini-enjoy ko. "Ang ganda palang panoorin ng asawa ko habang may kahalikang ibang babae." I sarcastically said. Kulang nalang palakpakan ko sila. Nagulat naman sila sa biglaang kong pagsulpot kaya napalayo sila sa isa't-isa hindi ko napigilan ang sarili ko at agad na hinigit ang babaeng nasa kandungan ng asawa ko. Napaaray siya sa sakit pero wala akong pakialam. Nasaktan na ako, sobrang-sobra na. Bakit ba ako naging ganito? Hindi ako ang isang ito, iyong babaeng palaban at malakas. "Not now Regina." Hinigit niya pabalik sa kanya ang babae pero dahil sa galit ko itinulak ko ang kabit niya sa sahig ng Bar kung nasaan kami ngayon. I am tired, he is alwawys like this. Kung magpapatuloy ito malamang susundin ko na ang kung ano ang gusto niya-ang lumayo ako. "Kailan? Bakit ka pa pumayag sa kasalang iyon kung ganito lang ginagawa mo sa akin?" I bitterly said, he glared at me. Tumayo siya at mahigpit na hinawakan ang wrist ko. Kinaladkad niya ako papalabas ng Bar at tinulak kaya natumba ako. "Bakit ako pumayag sa kasalang iyon dahil inipit ng mga magulang ko ang magulang mo dahil sa utang namin sa inyo ngayon, tingin mo hindi ako papayag kung buong buhay ng mga magulang ko pinundar nila ang kompanyang iyon." Sigaw niya sa akin. Oo, isang pagkakautang lang nila ito sa amin pero hindi naman sila pinilit ng magulang ko na ituloy ang kasalang iyon hindi ba pwede naman siyang umayaw kung ayaw niya talaga. "Kasalanan ba ng anak ang pagkakasala ng mga magulang alam mo ba kung bakit gusto ka nilang ipakasal sa akin dahil sa tingin nila iba ka sa lahat na kaya mo akong protektahan!" Dinuro-duro ko ang dibdib niya. Yes, my parents think that he can protect me just like how my father and brother protect me pero nagkamali sila dahil ang siyang sana'y nagpoprotekta sa akin ang siyang nanakita sa akin ngayon. "Ang tanging ginawa ko lang naman ay mahalin ka pero bakit mo ako sinasaktan nang ganito? Bakit?" I sobbed. Nanatili akong tahimik sa loob nang tatlong buwan pero mas masakit pala kapag kinikimkim sa dibdib. Nakatingin lang siya sa akin, ako naman ay nag-aantay ng sagot mula sa kanya nang wala akong makuhang sagot sa kanya kaya tahimik akong naglakad papunta sa kotse ko. I don't know kung pumasok siya pabalik sa Bar basta ang alam ko lang gusto kong lumayo sa lugar na ito ni hindi ko inalala kung may kasama ba ako o wala. Binuksan ko ang pintuan ng kotse pero hindi pa man ako nakakapasok ay nawalan ako ng malay. Nagising ako sa isang mabaho at madilim na lugar. Madilim talaga ang bobo ko nakablind fold pala ako at nakagapos ang mga kamay sa silya sa pagkakaalala ko uuwi na sana ako tapos... tapos black-out! Shemay! Na-kidnap ako! "Well, well, gising na ang Prinsesa. Ang swerte naman ni Death God, his wife is beautiful and sexy. Tawagan si Death." Sabi ng naririnig kong boses ng lalaki. Pinili kong manahimik at ilang sandali pa ay nakarinig ako ng boses nanggagaling yata sa cellphone. "Ano na naman ba, Dark Reaper, natalo na kita ‘di ba?" Boses iyon ni Miguel. Teka, bakit Death God ang tawag sa kanya, lider iyon ng Hang na Death Gang! So, my husband is the leadet of Death Gang! "Sasabihin ko lang naman sa’yo na nasa amin ang asawa mo kung gusto mo siyang mabawi puntahan mo siya dito sa Rocky Road St. corner Cream Stick, Ice Cream City sa lumang building. You should go alone." Sagot ng kidnapper ko. Nanahimik ang kabilang linya, huwag ka nang umasang pupunta siya para akong may ketong sa paningin niya ni hawakan ako o makita ako sa harapan niyan siguradong mag-aalburuto iyan. "Tsk. Wala ka bang pakialam sa asawa mo, Death?" Nakakalokong tanong niya. Wala talaga ang pakialam! "Dark Reaper, gawin mo kung anong gusto mo wala akong pakialam." Sagot nito pagkatapos. See? Tama ang mga statement ko pagkatapos ay nawala ang kabilang linya. How could he? Heartless Jerk! Puro nalang sakit ang dinadala sa akin. I cried silently, that selfish jerk. Ito ang gusto niya ang mawala ako sa kanya nakarinig ako ng mga bagay na nabasag at nawasak pagkatapos ay may nagtanggal sa piring ko. At first malabo ang nakikita ko hanggang sa luminaw. Iginala ko ang aking mga mata. Nakapalibot sa akin ang mga dalawampung mga kalalakihan. Gusto ko sana silang i-describe pa kaya lang nabaling ang atensyon ko sa nagmurang lalaki. "Bullsh*t! Akala ko magiging proud na sa akin nito si Chaos. Gago kasing lalaki iyon, wala palang pakialam sa asawa niya." Umuusok sa galit ang lalaking ito. Tumalikod siya habang nagmumura, hindi nakatakas sa mga mata ko ang suot niyang leather jacket na may tatak ng isang bungong pula. Ay, gago ito ah? Underlings ko pala ito. Damn it! Unti-unti kong tinanggal ang tali ko sa kamay nang matanggal ko ito ay kinuhit ko siya. Napatanga naman ang mga kasamahan niya. "Paano mo natanggal ang tali?" Hindi ko siya sinagot dahil agad ko siyang sinuntok sa panga at inihampas ko ang silya sa kanya. Nagdugo ang mga ngipin niya I am sure magiging pustiso na itong ngipin niya, wala akong aasahang sa asawa ko. He never really cared about me. Tama na ang pagkukunwaring okay lang ang pagsasama naming tapos na ang pagiging martir ko. I am done and I am really tired of him. "Ano pang tinutunganga nyo dyan? Bakit hindi niyo ako tinutulungan?" Sapo niya ang kanyang panga. Nakabawi naman agad ang mga kasama niya kaya sabay-sabay silang sumugod. Nagwala ako, napatumba ko ang iba pero dahil sa pagod ko ay naramdaman ko ang pagod. Nakaramdam ako ng may tumusok sa likod ko. Sh*t! they injected something pero bago noon ay napindot ko ang bagay na minsan ko lang ginagamit. Alam kong mawalan na ako ng malay. "Empress, t-track m-me." NAGISING ako sa ospital nakahiga nasa gilid ko ang mga kaibigan ko. Teka, nasaan ang mga magulang ko, ang kuya ko. Bakit wala sila dito? "Where's my parents, si Kuya?" Nakalabi lang sila. Inantay kong may sumagot sa kanila pero wala ni isa kaya inulit ko ang aking tanong. "Where's my parents, si Kuya, nasaan sila?'' Iba ang pakiramdam ko sa mga kilos nila kahit hindi nila sabihin alam kong may nangyaring hindi mabuti. "Ahmm-mm Reg –si Tito –si Tita." Kinakabahang sabi ni Leslie. Naiinis ako kaya nasuntok ng isa kong kamay ang mesa na nasa tabi ng hospital bed, nasira ang lamesang nasa gilid. "Nasaan sila?!" Sigaw ko kaya napatalon sila sa gulat. Nanginginig na sinagot ako ni Eme. "W-wala n-nasi s-si T-ito a-at T-ita R-reg si Kuya R-ryder n-naman n-nasa ICU h-he's i-in C-coma.'' Parang bulkang sumabog ang sagot niya sa akin. Nabingi ako sa sinagot nila sa akin. Kinuyom ko ang aking mga kamao, nanginginig ako sa galit sa poot. "What do you mean wala na sila nag-abroad ba sila? Umalis ba sila ulit ng bansa? tell me! nasaan ang mga magulang ko?'' Nagwawala kong sigaw. Gusto kong umalis sa hospital kung nasaan ako at ako mismo ang hahanap sa mga magulang ko. "Reg, p-patay na sila, plane crash noong papauwi sila dito sa Manila nang malaman nilang na+kidnap ka.'' Hikaru stated, sadness all over her voice. Iyon din ang nakikita ko sa mga mata ng iba. When her statement ended I became deaf. Wala akong marinig biglang nalang tumulo ang mga luha ko at nagwala tinanggal ko ang dextrose at bumaba ng hospital bed. Pinipigilan nila ako. "Huwag niyo akong pigilan kailangan kong puntahan ang mga magulang ko hindi nila ako iiwan. Buhay pa sila... buhay pa sila.." Nanghihina kong sabi habang lalong lumalakas ang alingawngaw ng pag-iyak ko. Namatay ang mga magulang ko noon. Na-coma si Kuya dahil sa car accident dahil sa bilis na pagmamaneho. My friends told me na dahil iyon kay Sera. He saw it in his own eyes that Sera cheated on him with my husband. Kasalanan nila lahat ito I will never forgive them during those days my friends are always beside me dinadamayan ako at binabantayan minsan kasi ina-attempt kong magsuicide but then na-realized kong may mga bagay na dapat bigyan ng importansya gaya ng buhay pa ang kapatid ko. I decided na lumayo muna at ibalik ang dating ako. Pumunta ako ng America, iniwan ko ang lahat at ipinamahala ito sa aming Butler. Sumunod ang mga kaibigan ko sa akin, nag-aral ako doon dahil natatakot silang gawin ko ang mga bagay na ginawa ko nang malaman kong namatay na ang mga magulang ko. Nang nasa Amerika ako nag-umpisa doon ang pagbabalik ko sa sarili ko naging barumbado ako, basagulera, walang pakialam sa iba maliban sa sarili ko, kaibigan ko at Kuya ko. Ngayong sumagad na ang galit ko wala ako niisang kakaawaan. Lahat luluhod at lahat magmamakaawa gusto kong maramdaman nila ang nararamdaman ko ngayon…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD