Chapter 2

1511 Words
"Ayon sa nakalap kong impormasyon, patay na ang taong pinapahanap mo." Ani ng imbestigador na kaharap ko. So he's telling me that all theses years of waiting and searching, patay na ang taong pinapahanap ko? I clenched my fist under the table. Kalma lang, Fami. I sighed. "You can go." Mukhang nagulat pa siya sa sinabi ko pero umalis din naman siya. Sa tingin ba niya ay papaniwalaan ko ang nakalap niyang impormasyon? Pwe, hindi ako ipinanganak kahapon. Sa loob ng anim na taon, yun lang ang malalaman ko? Wala akong nakuha niisang impormasyon tungkol sa kanya, tapos ngayon lang ay sasabihin ng imbestigador na iyon na patay na siya? Funny. He's not dead. Sinabi niya saking patay na siya pero wala man lang pruweba. Ni pangalan ay hindi niya ibinigay. Paano niya malalamang patay na ang taong iyon kung hindi niya ichecheck ang background nito? No one can check someone's background if you don't have a name! Sayang lang ang binayad ko sa kanya. Kinalma ko muna ang sarili ko bago umalis sa restaurant. Iniwan ko pa ang dalawa kong anak para lang sa wala. Nagsasayang lang ako ng oras. Sumakay na ako sa kotse at pinaandar ito. Isa lang ang nasa isip ko.. nasaan na siya? Bakit wala akong impormasyong makuha sa kanya? Gaano ba siya kaimpluwensyang tao? Gaano ba siya kaimportanteng tao? Na kahit isa man lang ay wala akong makuha. Is he that powerful? Is someone blocking me to get any information about him? Why would they block me? At isa pa saan nakuha ng investigator na yun ang sinabi niya sakin? Did someone give it to him? Then who? May humaharang sa pagitan naming dalawa. Someone's making up a story para hindi ko siya makilala, ganon ba? Someone's playing cards. And f**k, when did I become one of his cards? O baka naman gawa-gawa niya lang? Para matapos na ang trabaho niya? I smirked. I'm no longer the Fami you knew. Whatever it is, whoever it might be, just wait and see. ** "JANE!" Napabuntong-hininga na lamang ako. Ito na naman sina Cloud. Jane ang tawag sakin dito sa trabaho. "Good morning!" Bati pa nito. Sinulyapan ko lamang sila at hindi na pinansing muli. Simula noong magtrabaho ako dito, unang araw na unang araw, ay hindi na nila ako tinigilan. Ewan ko sa dalawang yan. Hindi ko alam kung paano ako natitiis ng dalawa gayong hindi ako palasalita. "Good morning din, Cloud." Ani Cloud sa sarili. At paniguradong umikot na naman ang mata nito. Nakarinig ako ng tawa. "Support na lang kita dyan, Cloud." Ani Andrea na natatawa. Padabog na umupo si Cloud sa upuan niya. Sumunod naman si Andrea. Katabi ko Cloud at kaharap namin si Andrea. We are in one table pero malaki siya. It's a round table then we have our own computers. Nagkalat din ang iba't ibang designs sa lamesa. We're kind of busy actually. Alemar Cos is not just designing clothes. Halos lahat siguro, mapabata o matanda, casual or formal attire ay ginagawa namin. Iba't ibang department. We're in charge of making high class gowns. We also have designers for bags and shoes. Kumpleto as in. "Hay nako, Jane. Snob pa more ang beauty ko!" Himutok ni Cloud. Hindi ko siya pinansin. Tutok lang ako sa ginagawa ko. "Sige! Snob pa talaga! Hmp!" "Ay oo nga pala. Jane, may nagpapabigay sayo nito." May inilapag na isang rosas sa tabi ng kamay ko si Andrea. May kasama itong maliit na papel. Gamit ng isang kamay, binuksan ko ang nakatuping papel. Here we go again. "Hindi mo ba siya sasagutin, Jane?" Tanong ni Andrea. Umiling ako. Hindi ko naman siya gusto, bakit ko siya sasagutin? "Pang-ilan na nga ulit si Chris, bakla?" Baling nito kay Cloud. Si Cloud naman ay kunwaring nagbibilang. "Ah! Hindi ko na mabilang sa dami, baks." Sagot naman ni Cloud. Humalumbaba si Cloud at tumingin sakin. "Jane, manhater ka ba?" Tumingin lang ako Cloud sa sinabi niya. Manhater? Hindi ako manhater. Siya lang talaga ang gusto ko. "Oo na, awat na. Wag kang tumingin sakin ng ganyan, Jane!" Winasiwas nito ang kanyang kamay. Hindi ko na lang siya pinansin. Hindi ko rin naman alam ang sinasabi niya. Ano bang meron sa tingin ko? Bumalik na lang ako sa ginagawa ko. "Ah, alam ko na! Siguro may hinihintay ka 'no?" Tanong ni Andrea. Magsasalita pa sana siya ng may umagaw ng pagkakataon sa kanya. "Everyone!" Napukaw ang aming atensyon ng dumating ang Dept. Supervisor namin. Itinigil naming lahat ang ginagawa namin at tumingin sa kanya. Ano naman kayang meron? "Alam naman nating lahat na dalawang buwan na lang ay magaganap na ang event na hinihintay natin at sobrang abala na tayo dahil two weeks after the event, all of our designs needs to be approved by our Director. Gusto ko ring ipaalam sa inyo na kanina lang, sinabi sa aming mga Dept. Supervisors na this week, may meeting na magaganap. And each department needs a representative." Nagkaroon ng bulungan dito sa sinabi ni Ms. Linbao. Marami rin kasing gusto umangat dito. Hindi lang ito basta trabaho. May kumpetisyon ding nagaganap dito. And that is not healthy for working environment. "I think Penelope will be our representative." "Duh, hindi siya magaling. Nagmamagaling lang dahil gustong sumikat." "That's true. Akala mo kung sino. Mas magaling naman sa kanya si–" "Tumigil nga kayong dalawa. Kapag narinig kayo ni Penelope, malilintikan kayo!" Yan ang mga bulungang narinig ko sa bandang likuran naming table. Medyo mahina pero sapat na sa pandinig ko. "Jane, this is your time to shine." Bulong sakin ni Cloud. Hindi ko iyon pinansin. Lagi naman niya yang sinasabi. "Ms. Lopez, I'll count on you." Narinig ko ang mahinang tili ni Cloud at Andrea. Napabuntong hininga ako saka tumango sa sinabi ni Ms. Linbao. "I knew it! Ikaw talaga ang pipiliin niya." Ani Andrea. Tumingin ako sa kanya at nahagip ng paningin ko si Penelope na masama ang tingin sakin. Binalewala ko na lang dahil wala akong pakialam sa kanya. I gestured her to be quiet. Ayaw pa naman ni Ms. Linbao ng maingay. "Ms. Lopez, go to my office now." Ani Ms. Linbao. Sumunod na lang ako sa kanya. I sighed. Workloads. "WE WILL be needing your designs, Ms. Lopez." Saad ni Ms. Linbao. Tumango ako sa kanya. Magpupuyat na naman ako nito. "Kailangang ma-finalize mo na yan before the meeting at ma-submit na rin sakin. I'll be checking your designs before we present it. Are we clear, Ms. Lopez?" Dagdag pa niya. Matapos ng pag-uusap namin ay bumalik na rin ako. Sinalubong ako ng malaking ngiti ni Cloud at Andrea. "Congrats, baks!" Ani Cloud at niyakap pa ako. I wonder why he became gay. Lumapit sakin si Andrea at bumulong. "Kanina pa nagpupuyos sa galit si Penelope. Serves her right. Hindi naman kasi siya magaling. Bida-bidahan lang." Parehas kong tinapik ang mga balikat nila at saka umupo. I have no time to gossip about others, that's not my forte though. The hell I care about them? "Deadma na naman ang beauty ko." Cloud murmured. "Hindi ba napapanis yang laway mo, Jane?" I'm not really like this before. But people change. I was been bullied when I was in elementary and high school. I got pregnant when I was 18. My adoptive father kept molesting me and my adoptive mother knew it all along but doesn't even give a damn about me. What's worst? I've got a friend when I was in America. I treated her like a sister. We became best of friends. But.. life is really cruel to me. I had a boyfriend. His name is Xyrus. We've been together for three years. Until I found out that he's having an affair with my bestfriend, Coleen. Funny. Ako pala ang hadlang sa pagmamahalan nilang dalawa, hindi ko man lang alam. They should have told me. Xyrus should have told me that he doesn't love me. Bakit kailangan pa niyang magsinungaling? Bakit kailangan ko pang magmukhang tanga? Bakit pinagmukha pa nilang akong tanga? They said sorry. They are sorry for what they did. Yes, I can forgive. But I can't forget that easily. But it doesn't hurt that much. Tinanong ko ang sarili ko kung bakit. Do I really love Xyrus? Honestly, hindi ako umiyak dahil niloko ako ni Xyrus. Umiyak ako dahil tinraydor ako ng matalik kong kaibigan. I treasured friendship the most. Dahil kahit minsan, walang nakipagkaibigan sakin. Walang may gusto. Hanggang sa nakilala ko si Amara, and yeah, si Coleen. Pero sinira ni Coleen ang tiwala ko. And I'm so done. Ayoko ng maulit muli 'yon. Simula noon, I distanced myself to everyone. Ayoko na ng kaibigan. I only have Amara as a friend and she's enough. I don't care what other people might say about me. I don't f*****g care. "Alam mo, Cloud? Masanay ka na." Saad ni Andrea. Cloud snorted. "Yeah, whatever." Habang ako, patuloy pa rin sa ginagawa ko. I need to finish this as soon as possible. Kung bakit ba naman kasi ako pa ang napili? Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD