Chapter 1

1845 Words
"Amara.. nawala ka na.. hindi ka na bumalik.. Amara, mahal kita.. pero bakit nga ba minahal kita?" Joseph murmured. Kasalukuyan siyang nasa BeriBar, kasama ang babaeng mahal niya–si Amara. Pero bigla na lamang itong nawala. Nagpaalam itong magbabanyo lamang pero hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik. Muli niyang tinungga ang isang baso ng alak na hawak niya. He's broken hearted. Ang magmahal ng taong may mahal na ay hindi madali. Masakit makitang napapasaya siya ng iba, saya na hindi mo maibibigay at tanging mahal niya lang ang makakapagbigay sa kanya. Every time he looks in her eyes, her eyes that only sees the man of her life, he can see how happy she is. Tanggap niya. Tanggap niyang hindi siya mahal ng taong mahal niya at sumusuko na siya kahit hindi pa nag-uumpisa ang laban. Dahil alam niyang talo na siya simula't sapul pa lang. Pero masakit pa rin. Masakit pa rin kahit tanggap mo nang hindi ka mamahalin ng taong mahal mo gaano mo man ito kamahal. Masakit pa rin ang magmahal. Bakit kapag nagmamahal, kailan pang masaktan? We do need to feel pain? Why do we need to learn from those pain? "Isa pa," he ordered the bartender. Tumalima ang bartender at binigyan pa siya ng isa pang bote ng alak. Gusto niyang magpakalasing.. just for this once. Naramdaman niyang may umupo sa tabi niya kaya napatingin siya dito. Maganda ito ngunit mukhang bata pa. Bente dos anyos na siya at sa tingin niya ay nasa senior high school lamang ang babaeng tumabi sa kanya. "Isang tequila," wika ng babae. Tumingin ito sa kanya pabalik. The moment their eyes met, he felt something inside his chest. Binalewala niya iyon. Binawi niya ang tingin niya at muling itinuon sa basong hawak niya. Bakit hindi na lang tayo mahal ng taong mahal natin? Yan ang tanong niya sa kanyang isip. Bakit nagmamahal tayo ng maling tao? Is it to feel pain? To feel every negative emotions? To fill your mind with negative thoughts? Or to learn? To learn how to stand up when you've stumbled? To learn how to accept things? To learn what? Muli niyang ininom ang alak sa basong hawak niya at nagsalin ng panibago. "I'm Marah," Napatingin siya sa katabi niya ng ito ay magsalita. Hindi niya alam kung bakit pero ng matingnan ang mata nito ay muling nakaramdam ng kakaiba ang katawan niya. While Marah, on the other hand, introduced herself to Joseph because he seems broken and needs someone he can lean on. May problema rin siya kaya baka matutulungan nila ang isa't isa kahit sa simpleng pakikinig lang. Hindi siya pinansin ni Joseph kaya ininom na lang niya ang alak na in-order niya. First time niya itong gagawin. Gusto lamang niyang makalimot kahit isang gabi lang. Lahat ng sakit, ayaw muna niyang maranasan. Sobrang sakit na ng nararamdaman niya at gusto niyang ilabas lahat ng sama ng loob. Baka sakaling alak ang sagot. Uminom lang sila ng uminom hanggang tamaan na ng alak si Marah, gano'n din si Joseph. Napatingin si Joseph sa katabi niya at laking gulat ng makita si Amara doon. Hinawakan niya ang braso nito. "Amara.." he whispered. Marah thought Joseph is calling her name.. 'Marah' Hindi na siya nakapalag ng bigla siyang hinapit ni Joseph at hagkan ang labi nito. Ang mainit nitong labi ay nakakalunod at nakakawala ng sarili. Hanggang sa nagising na lamang silang dalawa na magkatabi sa kama at wala ng saplot. Joseph was shocked. Marah did run away without because of embarrassment for herself. And Joseph did nothing but let Marah go.. At iyon ang pinakamalaking kasalanan ng dalawa. Ang pagtakbo ni Marah at ang hayaan ni Joseph na makalayo ito.. *** (6 years later...) "Alistair! Aladin!" Tawag ko sa mga anak ko ng makapasok ako sa condo. Sa condo kami nakatira. Why? It's a very looooooooooong story to tell. "Mommy!" Aladin greeted me with a hug. Gano'n din si Alistair. Aladin and Alistair are twins but they are far far far different from each other. Si Aladin, madaldal at sasabihin ang gustong sabihin habang si Alistair naman ay tahimik. But his actions speak what he wants to say. Aladin is through words, Alistair is through actions. They are five years old already. "How are you guys?" I spread my arms as if telling them I want to carry them. Yumakap sakin si Aladin pero umiling si Alistair at itinaas ang bag ko na hawak niya saka naunang maglakad. He wants to carry my bag. Nakangiti akong sumunod sa anak ko papunta sa salas. "Mommy! I want to watch SpongeBob!" Ani Aladin. "Why SpongeBob, baby?" I curiously asked. Si Yaya Feli ang kasama nila dito. Hindi pa naman ito ganon katanda. Siguro mga nasa late 30s na siya. Siya ang napagbantay ko sa mga anak ko at kasambahay na rin namin. "Because SpongeBob is cute and I am cute too!" Inosente niyang sagot habang nakangiti. I smiled and pinched his cheeks lightly. "Alright. We'll watch SpongeBob then, since you are cute like him." Natatawa kong saad. "Yehey!" Itinaas pa niya ang kanyang dalawang kamay. Why my Aladin is so cute? Pinaupo ko siya sa sofa katabi ni Alistair na katabi ang bag ko. Napangiti ako. My kids are adorable as ever. "What do you want to eat guys?" I asked. Umupo ako sa harap nila sa lapag dahil nakaupo sila sa sofa. Kung nagtataka kayo kung bakit English ang salita ng dalawa kong anak, simula kasi noong namatay si Mommy, tumira kami ng America. Doon ko sila pinanganak at doon na rin ako nag-aral ng apat na taon pa. Kaka-graduate ko lang last year at kakauwi lang din namin dito noong nakaraang taon din. Nakakaintindi naman sila ng Tagalog dahil tinuruan ko rin naman sila pero mas fluent sila sa English. "Mommy, I want macaroons," Ani Aladin. Macaroons? "Japanese cake," ani Alistair. Japanese cake?! Ako ba niloloko ng dalawa kong anak? "Ali and Al," I both called their names in a warning tone. Alam nilang kapag hapon na ay wala ng sweet treats. They both kissed my cheeks. "Sorry, Mom." They said in unison. "Mommy, I want bread!" Tumango na lang din si Alistair sa sinabi ng kapatid. Okay. Anak ko nga sila. Mahilig din ako sa tinapay kaya walang duda. "Stay here. I'll be back." Binuksan ko muna ang tv para makapanood sila ng SpongeBob SquarePants bago nagtungo sa kusina. Doon ko naabutan si Yaya Feli. "Oh, hija, sabi na at ikaw iyong dumating. Naku, kaya pala nagtatakbo palabas ng kusina ang kambal." Ani Yaya Feli ng makita ako. "Kumusta naman po ang kambal?" Tanong ko. Naglilinis si Nanay ngayon ng isda na marahil ay siyang lulutuin niya mamaya para sa hapunan. Ako naman ay kumuha ng tinapay pati ng peanut butter. Iyon ang gusto nilang palaman. "Ayos naman ang mga anak mo. Mababait na bata," napangiti ako. I want them to grow kind and humble. I also discipline them in my own way. Gusto kong magkaro'n sila ng disiplina sa sarili. "Ikaw ba, Famarah, ayos naman ang trabaho mo?" Yaya Feli really wants to call me Famarah. Sabi ko kanya Fami na lang pero ayaw niya o hindi kaya ay Jane pero ayaw. Gusto buong Famarah. "Ayos naman po. Ilang buwan na rin naman po akong nagtatrabaho doon kaya nakakaya ko na po." After ko kasi makatapos ng pag-aaral sa America, we still have to stay there for months bago makauwi sa Pilipinas. Kuya Harold still need to handle things to his company first. And then when it was already settled, we came back here and I started to apply to Alemar Cos. It's one of the famous clothing line locally and internationally. "Hindi mo pa rin ba nahahanap ang ama ng mga anak mo?" Natigil ang pagsasalin ko ng gatas sa baso dahil sa tanong ni Yaya Feli. Tumingin ako sa kanya na nakatingin rin sakin. Malungkot akong ngumiti saka umiling. "Hindi ko po alam kung paano ko siya hahanapin. Yung private investigator naman po ay wala pa ring nahahanap na information tungkol sa kanya." I hired private investigator. Pina-scketch ko ang mukha niya dahil wala akong nakuhang kahit anong impormasyon sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari. Anim na taon na pero wala pa rin. Hindi ko pa rin siya nakikita. Hindi naman sa gusto ko siyang panagutan ako. I just want to know his name and his whereabouts. Kahit pangalan lang niya ay okay na ako. "Mahahanap mo rin siya, Famarah." Ani Yaya Feli ng may ngiti sa labi. Sana nga. Lumabas na rin ako doon bitbit tray. Enjoy na enjoy manood ng SpongeBob ang dalawa. Ang cute. "Here's your food," pang-iistorbo ko. Alistair stood up. Tinulungan ako nitong ibaba ang mga plato sa lamesa. "Thank you, Ali." Ginulo ko ang buhok niya. Umupo na rin ito katabi ni Aladin. Ibinaba ko ang tray na hawak ko ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko para makita na rin kung sino ang tumatawag. "Ali and Al, I have to answer this call. Stay here, okay? And behave." "Yes Mom," sabay na sagot ng dalawa. Umalis na rin ako doon at sinagot ang tawag. "Hello, Fami!" Bati nito. "Hi, Amara." Bati ko pabalik. Amara is my bestfriend. I met her when I was so depressed and down. Sa park ko siya nakita. Siya ang unang taong nagtanong sakin kung okay lang ako, siya rin ang unang taong pinakinggan ako, hindi ako hinusgahan at tinanggap ako. Higit sa lahat, siya rin ang unang kinaibigan ako. "Malapit na ang birthday ni Nigel. At invited kayo." Anito. Ah, oo, malapit na nga pala ang birthday noong batang iyon. Sa isang linggo na. "Talaga? Matutuwa ang kambal. Sasabihin ko sa kanila." Magkaklase sa kindergarten ang anak niya at mga anak ko. Matanda lang ng isang buwan ang kambal kay Nigel. "Oo naman! Wag kayong mawawala don ah? Aasahan ko kayo." Napangiti ako. Hindi pa rin nagbabago si Amara sa loob ng anim na taon. She's still kind and a humble woman. And I admire her so much for being herself. Malaki ang naitulong niya sakin noon. Sobra. Pinatira pa niya ako sa condo niya para lang hindi ako makauwi sa mga umampon sa akin na walang ginawa kung hindi ang bigyan ako ng sakit. I clenched my fist. Those days. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Lahat ng paghihirap na dinanas ko sa mga kamay nila. "Syempre naman. Alright, I'll see you soon, Amara!" "See you, Fami! Bye," at binaba na niya ang tawag. Paalis na sana ako ng muling mag-ring ang cellphone ko. Dali-dali ko itong sinagot ng makita na ito ay ang private investigator. "Hello?" "Ma'am, may nakuha po akong impormasyon at kailangan nyo itong makita." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Wag naman sanang masamang balita. "Sige, magkita tayo." Saka ko binaba ang tawag. Hindi ko ito pwedeng palampasin. Sa tagal na panahon ko ring pinahanap ang taong iyon, ngayon lang ako nakakuha ng impormasyon mula sa kanya. Sana.. sana magkita na kaming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD