Pumunta ako sa loob ng ICU dahil gusto kung yakapin si Von. Gusto kung malaman niya na nahihirapan ako sa mga nangyayari. Na ayaw kong magpakasal sa piling ng kapatid niya. Na siya lang ang gusto kong makasama habang buhay. Paano kung magising siyang hawak na ako ng ina? Ayaw kung mawala siya at ayaw kong dagdagan ko pa lalo ang nagawa kong kasalanan sa kanya.
Kung nandito lang sana si Von ngayon edi sana hindi na ako mahihirapan pa. Edi sana hindi ako nagkakaganito ngayon na hindi alam kung ano ang susundin: dapat bang sundin ko ang puso ko at piliin kung maging masaya, o sundin ang utak ko at piliin ang nararapat na gawin upang hindi masira ang pangalan ng Montrose at matupad ang matagal ng pangarap ng mga magukang ko?
Tahimik ang loob ng ICU. Ang ingay lang ay galing sa mga makinaâmonitoring lines, beeping sounds, at ang malalim na tunog ng oxygen tank na parang paalala ng mga huling hininga ni Von na hindi niya kayang iguhit sa sarili.
Dahan-dahan akong lumapit sa kama niya. Bawat hakbang, parang may hinihila sa dibdib ko. Nasa ospital pa rin ako pero parang ibang mundo ito. Lahat ay mabagal. Lahat ay mapait.
Nakita ko ang mukha ni Vonâmaputla, walang reaksyon, pero parang⊠kalmado. Parang hindi siya ang lalaking lagi kong nakikitang puno ng enerhiya, laging may bitbit na plano, laging may âfutureâ na ibinubulong sa akin.
At ngayon, heâs lying there, motionless. As if heâs already halfway gone.
Napaupo ako sa tabi ng kama. Hawak ko ang kamay niyaâmalamig. Hindi na siya nagre-react kahit gaano ko pa ito pisilin.
âVonâŠâ
Hinaplos ko ang buhok niya, pilit pinapawi ang buhol sa dibdib ko.
âVon, kung naririnig mo ako⊠please, please wake up.â
Napasinghot ako. Di ko na kaya. Di ko na mapigil. Bumigay na naman ako.
âBukas ang kasal natin, Von. Yung wedding na pinlano natin, 'di ba? Yung sinabi mong gagawin mong pinakamagandang araw sa buhay ko... Nandoon na lahat, Von. Yung venue, flowers, invitations. Na-send na lahat. Lahat excited.â
Humigpit ang hawak ko sa kamay niya.
âHindi kita pinilit sa lahat ng âyon. Alam ko ikaw âyung nag-effort. Kasi mahal mo ako, âdi ba?â
Napayuko ako. Tumulo ang mga luha sa kumot na puting-puti.
âAt alam ko, kahit âdi mo sabihin⊠kahit hindi mo ipilit⊠alam ko, gusto mong ako ang mapakasalan mo.â
Huminga ako ng malalim, pilit pinapakalma ang sarili pero nagnginginig pa rin ang tinig ko.
âVon, hindi ko kaya na ikaw ang mawala. Hindi ako handa. Hindi ako ready. Paano na ako? Paano na tayong dalawa?â
Tumigil ako sandali, tinitigan ang kanyang mukha.
âDigby wants to replace you. Gusto niyang siya ang tumayo sa kasal bukas. Tita Loraine⊠si Don Marcelo⊠pumayag sila. Para sa pangalan nâyo. Para sa negosyo. Para sa pride ng Montrose family.â
Napapikit ako. Hindi ko kayang tanggapin ang ideya.
âPero ako? Paano ako? Paano ako, Von? Wala akong boses sa mga desisyong ito. Parang wala akong saysay. Parang ako lang âyung dapat sumunod. Gagamitin na lang ba nila ako bilang tagapuno ng puwang na iniwan mo?â
Hinawakan ko ang mukha niya ng dalawang kamay. Nanginginig ang mga daliri ko.
âVon, kung naririnig mo ako, please⊠please, kahit konting galaw lang. Buksan mo lang ang mata mo. Ipitin mo lang ang kamay ko. Iparamdam mo lang na nandiyan ka. Kahit mahina⊠kahit konti lang.â
Muling tumulo ang luha ko. Umuugong ang tenga ko. Parang wala na akong naririnig kundi sarili kong tinig.
âHindi ako handang pakasalan ang kapatid mo. Hindi ko siya mahal. Hindi siya ikaw, Von. At kahit may nangyari sa aminâoo, may pagkakamali ako, may kahinaan akoâpero ikaw pa rin ang gusto ko. Ikaw ang pinili ko, Von. Ikaw ang sinagot ko. Ikaw ang lalaking pinaniwalaan ko kahit maraming hadlang.â
Humalik ako sa likod ng kanyang kamay.
âBumalik ka na, please. Para saâkin. Para sa kasal natin. Para sa lahat ng pinangarap natin. Huwag mo akong iwan sa ganito. Huwag mo akong hayaang ikasal sa taong hindi ikaw.â
Ilang sandali, hindi ako gumalaw. Tahimik lang. Nagbabakasakali. Umaasa.
Pero walang sagot. Walang galaw. Walang reaksyon.
Parang buong mundo koây biglang gumuho muli.
Napahawak ako sa gilid ng kama, yakap ang sarili.
âMahal kita, Von. Hindi mo ba ako naririnig?â
Tumayo ako, nanginginig pa rin. Pinagmasdan ko siyang muliâang lalaking mahal ko, ang lalaking pinapangarap ko, ang lalaking hindi ko kayang iwan.
Pero baka iniwan na niya ako.
Sa huling pagkakataon, lumapit ako at humalik sa kanyang noo.
âKung darating ang araw na magising ka, sana marinig mo ang mga sinabi ko ngayon. Sana malaman mong pinaglaban kita. Pinili kita. At kahit anong sabihin nila... hindi ikaw ang binitawan ko.â
Lumakad ako palabas ng ICU, marahan. Bawat hakbang, kasabay ng bigat ng loob ko. At sa likod ng pintuan, naiwan ko si Vonâat ang puso kong durog sa gitna ng dalawang pangalan: pagmamahal⊠at obligasyon.
Paglabas ko ay agad akong tinawagan ni Tita Loraine. Pumunta raw ako sa mansion ng mga Montrose dahil may press conference para sa kasal bukas. I guess they made a decision for myself then, right?
Pagkarating ko parang hindi ako humihinga.
Nakatayo ako sa gitna ng marangyang hall ng Montrose mansionâisang lugar na punĂŽ ng engrandeng chandelier, mamahaling bulaklak, at mga taong naka-amerikana at bestida, pero wala ni isang makakapuno sa lungkot na bumalot sa dibdib ko.
Sa harap ay nakahanay ang mga press. Nandiyan ang media partners ng MCC, ilang business stakeholders, at mga kaibigang matagal nang inaabangan ang âkasal ng taon.â At ako? Nakatayo lang, naka-bestidang puti, hindi pangkasal pero halos kahawig na, habang si Tita Loraine ay tahimik na nakaupo sa gilid. Don Marcelo, hawak ang tungkod, ay nakatayo sa likod ni Digbyâang bagong âgroom.â
Nakahinga ako nang malalim pero mabigat. Lumingon ako sa kanan. Wala si Von. Walang fiancé na maghahawak ng kamay ko ngayon. Wala ang lalaking pinangarap kong makasama sa altar.
Wala.
âLadies and gentlemen,â panimula ng tagapagsalita ng MCC, hawak ang mikropono habang ang mga camera ay nakatutok sa amin, âWe understand that the Montrose-Carla Elmundo wedding has been long anticipated and is of national interest, not just because of the individuals involved but also because of the historic partnership between two major families in our industry.â
Tumigil siya sandali. Muli kong naramdaman ang lakas ng t***k ng puso ko. Parang sasabog.
âDue to an unfortunate accident, Mr. Von Montrose will be unable to attend the ceremony. However, in the spirit of continuity and family honor, the wedding will proceed as planned. The groom shall now be Mr. Digby Montrose, elder brother of Von and the current CEO of MCC.â
There it is.
Ang mismong statement na iniiwasan kong marinig. Ang mga mata ng mga bisita ay nagsalita nang una pa sa kanilaâlahat gulat, lahat nagtataka. Pero kahit anong tanong nila, isa lang ang malinaw:
Ang bride⊠ay ako pa rin.
Nakatingin ako kay Digby. Nakasuot siya ng itim na suit, malinis, perpekto sa harap ng camera. Pero alam kong kahit anong kaayos niya, hindi nito mababago ang katotohananâna siya ang lalaking kinamumuhian ko, at ngayon ay siya na ring ituturing na asawa ko sa mata ng publiko.
âWe are thankful for everyoneâs understanding and support,â dagdag ng spokesperson. âLet us all continue to celebrate this unionânot just of two peopleâbut of legacy, strength, and the promise of continuity.â
Continuity?
Parang tuluyang nadurog ang puso ko. Ano ako rito? Bahagi ba ako ng pangakong âyan? O ako lang ang ginawang tulay para hindi mapahiya ang pangalan ng Montrose?
Lumapit sa akin si Digby matapos ang announcement. Hinarap niya ako at pinilit ngumitiâisang pilit na ngiti na parang laging may bahid ng kontrol, ng kapangyarihan, ng kasakiman. Bumulong siya habang abot-kamay ang mga camera sa paligid.
âNgayon, Carla⊠ikaw na ang magiging Mrs. Montrose. Just not the one you wanted.â
Napalunok ako ng sama ng loob. Napipilitang ngumiti habang pinipicturan kami ng sunod-sunod. Pinagtagpi-tagpi na ang narrative. âEmergency wedding change: Digby to marry Carla in place of comatose brother Von.â
Hindi ko kayang mag-react. Kahit anong sigaw ng puso ko, tahimik ako.
May tumapik sa balikat ko. Si Don Marcelo. âYou made the right choice, hija. After all, it doesnât matter which Montrose you end up with. A Montrose is still a Montrose.â
Lumingon ako sa kanya. Gusto kong sumigaw. Gusto kong ipaliwanag na hindi ito tungkol sa apelyido. Hindi ito tungkol sa legacy. Hindi ito simpleng pagpapalit ng groom na parang bahagi lang ng checklist.
Gusto kong sabihing ako si Carla, hindi isang pawn.
Pero wala akong nasabi. Kasi alam kong kahit magsalita ako, walang makikinig.
Tumingin ako sa mga camera. Sa mga mata ng media, investors, at pamilya. Parang isa na akong aktres sa pelikulang ako ang bida pero hindi ako ang may hawak ng script.
Ang sakit.
Mas masakit pa kaysa sa takot na baka hindi na magising si Von. Mas masakit dahil habang siyaây nakahiga sa ospital, ako naman ay pinipilit ng mga buhay na gamitin ang pangalan niya bilang puhunan sa imahe at negosyo.
Pagkatapos ng announcement, inalalayan ako ni Digby pababa ng stage. Malamig ang palad niya. Hindi tulad ng kay Von. Wala akong naramdamanâkahit anoâmaliban sa awa sa sarili ko.
âMaghanda ka,â mahinang bulong niya. âIâll make sure this marriage is one the world wonât forget.â
At sa saglit na âyon, isang bagay lang ang alam ko:
Oo, ikakasal ako bukas. Pero hindi sa lalaking mahal ko. At lalong hindi sa lalaking pinili ko.
Sa mata ng mundo, magiging Montrose ako.
Pero sa loob ko, baka hindi na ako si Carla.