CHAPTER 12

1605 Words
Pagkapasok ko sa silid na inihanda para sa akin sa Montrose mansion, bigla na lang akong napaupo sa gilid ng kama. Tahimik. Sobrang tahimik—na parang ang katahimikang ‘yon ay sinisigawan ako ng lahat ng emosyong pilit kong kinukubli sa buong gabi. Pinagdikit-dikit nila ang piraso ng buhay ko nang hindi ako tinatanong. Pinili nila ang kapalit ni Von sa kasal namin, parang wala akong tinig. Para lang akong papel na pinagpapasahan, pinipirmahan, tinatanggap… basta sumunod. Basta hindi mapahiya ang pangalan ng Montrose. “Putcha naman…” bulong ko habang kinakamot ang ulo ko. Nanginginig ang kamay ko habang inaabot ang bote ng tubig sa tabi ng kama. Pero hindi tubig ang kailangan ko. Luha. Isa, dalawa… sunod-sunod na. Dumaloy na lang sila nang hindi ko na mapigilan. Napahagulgol ako, napayuko, habang tinatakpan ng mga palad ang mukha ko. “Von… Von…” halos pabulong kong tawag sa pangalan niya. “Patawarin mo ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi ko alam kung paano umabot dito. Mahal kita… hindi ko pinangarap na ibang lalaki ang makasalubong ko sa altar.” Niyakap ko ang sarili ko habang nakaluhod sa sahig. Wala akong makapitan. Wala akong masabihan. Lahat sila—Tita Loraine, Don Marcelo, Digby—lahat sila may plano, may rason, may gustong mangyari. Ako lang ang walang boses. Ako lang ang walang karapatan. Bakit ganito? Matagal kong pinangarap ang kasal. Pinangarap kong isang araw ay maglalakad ako sa aisle, na si Von ang nasa dulo, nakangiti. Pinangarap kong may mangyayaring totoo—hindi scripted, hindi minadali, hindi pinilit. Pero heto ako ngayon, sa mismong mansion kung saan ako ikakasal bukas sa lalaking… hindi ko kayang mahalin. Hindi si Von. Si Digby. Napahawak ako sa tiyan ko. Para akong masusuka. Para akong natatapakan sa bigat ng lahat ng ‘to. “Carla, kailangan mong tanggapin.” “Para sa pamilya mo ito.” “Wala ka nang choice.” Paulit-ulit ang mga boses sa isip ko. Lahat ng argumento nila, lahat ng dahilan nila—wala naman ni isa roon ang nagtatanong kung anong nararamdaman ko. At ngayon, habang papalapit ang bukang-liwayway ng pinakamasakit na araw sa buhay ko, wala akong maibulong kundi: “Ayoko. Ayoko nito.” Pero hindi na ako makaalis. Alam kong kapag tumakbo ako ngayon, hindi lang ako ang mapapahiya. Pati ang pangalan ng yumaong magulang ko—ang Elmundo—ay madudungisan. Gumuho na nga ang empire nila, ngayon pa ba’y dadagdagan ko pa? Saka ko naalala ang huling hiling ng mama ko bago sila nawala sa aksidente: “Maging matatag ka, anak. At sana, isang araw, may Montrose kang makakasama—kasi sa kanila natin inalay ang tiwala natin.” Bakit nga ba iyon ang iniwan niyang habilin? Bakit parang naka-programa na ang buhay ko sa kanila? At bakit kahit ano’ng gawin ko, nauuwi pa rin ako sa isang lalaking tulad ni Digby—ang lalaking walang konsiderasyon, walang puso para sa akin kundi pagmamay-ari? Napapikit ako. Hinagod ko ang buhok ko at tumingala. Tuyo na ang lalamunan ko, pero basa pa rin ang pisngi ko. “Paano na ako bukas, Von?” mahinang tanong ko habang nakatitig sa kisame. “Paano na ang pangarap natin? Paano na ang mga planong ginawa natin?” Walang sagot. Walang tunog. Walang kahit anong palatandaan na may makikinig. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Si Digby Montrose. Ang lalaking ilang ulit akong pinaiyak sa opisina. Ang lalaking halos hindi ko makausap nang hindi sumisigaw. Ang lalaking mayabang, kontrolado ang lahat, at minsan… minsan ay ginulo rin ang puso ko sa paraang ayokong aminin. Pero hindi siya si Von. Hindi siya ang lalaking pinili kong makasama. At kahit pa isampal pa ng buong mundo ang salitang “Montrose” sa apelyido ko bukas, hindi nito mabubura ang katotohanang isa lang akong babae na pilit isinusuot sa sapatos na hindi kasya sa kanya. Tumayo ako, binuksan ang bintana, at pinakiramdaman ang hangin ng gabi. Malapit na. Isang tulog na lang. At bukas, pagmulat ng mata ko… magiging asawa na ako ni Digby Montrose. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako handa. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang lahat ng ito. Paano ko masisikmurang makasama sa tanang buhay ko ang isang Montrose na hindi ko naman minahal ni katiting. Ngunit hindi nga ba? Aaminin ko na may nangyari sa amin ni Digby, at 'yon ang pinakamalaking kasalanan ko kay Von, but I never thought I would be doing thing thing- ang ikasal sa taong naging dahilan ng aking pagtataksil kay Von. Hindi lang ito isang kasalanan. Ito ay isang malaking pagkakamali na kailanman ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kung sana lang ay nandito si Von , I would't feel this way. Hindi sana ako mahihirapan ngayon. Hindi sana ako masasaktan ng husto. Hindi sana ako matatalian sa leeg ng isang Montrose na walang ibang ginawa kundi saktan at sirain ang buhay ko. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Ang alam ko lang ay nagising ko sa isang masalimuot na umaga ng buhay ko. Maaga pa lang ay abala na ang buong mansion. Sunod-sunod ang hakbang ng mga bisita, staff, coordinators—lahat parang may kanya-kanyang mundo. May tumatawa, may tumatawag, may nagbubunton ng bulaklak, may nag-aayos ng red carpet sa loob ng garden area kung saan gaganapin ang seremonya. Ako? Nasa harap lang ng salamin, suot ang puting gown na ilang linggo pa lang ang nakaraan ay pinasukat ko para sa kasal namin ni Von. Von. Halos hindi ko na nga masambit ang pangalan niya ngayon. Parang may kutsilyong tumatagos sa dibdib ko sa tuwing naaalala ko kung sino dapat ang groom na kasama ko sa altar mamaya. Hindi si Digby. Pero ngayon… siya ang naghihintay sa dulo ng aisle. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin. Maganda ang ayos ko—perpekto, sabi ng mga makeup artists at stylists na kinuha pa ng Montrose. Kulot ang buhok, soft ang makeup, at puting-puti ang gown ko na parang anghel na ipinipilit sa isang bangungot. Pero kahit gaano ako kaganda ngayong araw, kahit gaano ka-perfect ang pag-ayos nila sa akin, hindi nito matatakpan ang totoo: sirang-sira ako sa loob. Kumatok si Yaya May. “Iha, handa na raw po lahat. Limang minuto na lang.” Napatingin ako sa kanya. Tumango ako nang mahina. Hindi ko na kayang magsalita. Wala na akong luha, wala na ring hininga para magreklamo. Parang hinihila na lang ako ng kasal na ‘to—parang alon sa dagat na nilamon na ako. Pagkababa ko sa hagdan, sinalubong ako ng mga camera. Flash. Flash. Flash. Parang wala akong mukha. Parang wala akong pakialam. Lahat sila nakangiti, excited, masaya—dahil hindi nila alam ang totoo. Dahil sa kanila, isa akong bride na handang makasal. Pero sa sarili kong mata, isa akong bihag na pilit isinasalpak sa altar ng mga pangarap ng ibang tao. Sa malayo, natanaw ko si Digby. Nakasuot ng pormal na coat na kulay off-white, bagay sa kulay ng gown ko. Matikas. Laging kontrolado. Hindi mo mababasa ang nasa isip. Pero ako—ako ang nakakakita ng bahagyang pagbitin ng kanyang dibdib, ng bigat sa mata niya na parang kahit siya, hindi rin sigurado sa ginagawa naming dalawa. O baka naman ay guni-guni lang 'yon. Ang alam ko kasi ay gusto rin to ni Digby. He keep insisting na may meaning ang lahat ng nangyari sa amin. And now, sa kanya ang crown dahil pumabor sa kanya ang panahon. But even so, I wouldn't be able to forgive him lalo na kapag may nangyaring masama kay Von. Pero andito kami. Nakatayo sa gitna ng isang kasinungalingan. Pagdating ko sa aisle, narinig ko ang mga soft violin at ang kolektibong paghinga ng mga bisita habang nagsisimula akong maglakad. Mabagal. Parang bawat hakbang ay hinuhugot mula sa puso ko. Gusto ko sanang tumakbo. Gusto ko sanang umiyak. Pero wala nang dapat gawin. This is it. Wala nang atrasan. Nang makarating ako sa harap, tinanggap ako ni Digby. Hinawakan niya ang kamay ko. Mainit. Matatag. Parang sinasabi niyang, “Wala ka nang kawala.” Pero may bahid din ng… pag-aalala? “Handa ka na?” tanong niya, mahina lang, sa pagitan ng musika. Napatingin ako sa kanya. Hindi ako sumagot. Gusto kong sabihin na hindi. Na ayoko. Pero ni pumikit, hindi ko magawa. At dahil wala akong sinabing pagtutol, itinuring niyang oo na ‘yon. Lumapit ang pari. Nagsimula ang misa. Puro tunog. Puro boses. Puro ritwal. Pero wala akong naririnig. Hanggang sa dumating ang tanong. “Carla Elmundo, do you take this man, Digby Montrose, to be your lawfully wedded husband…?” Tumigil ang mundo. Walang tunog. Walang kilos. Lahat nakatingin sa akin. Gusto kong tumakbo. Gusto kong tumanggi. Pero ang nasa isip ko ay mukha ng mga magulang ko. Ang pangalan ng pamilya ko. Ang ICU room ni Von. At ang kapalarang nakataya. Kaya kahit basag na basag ako, kahit napipilitan, kahit hindi totoo… Tumango ako. Mahina. Pero sapat na. “Yes,” bulong ko. Narinig iyon ng lahat. Nagpalakpakan ang mga bisita. Ngumiti ang mga Montrose. At ako? Ako ang bagong kasinungalingan sa buhay ng isang pamilya na inakala kong magtataguyod sa akin. “Then by the power vested in me…” sabi ng pari, “…you may now kiss the bride.” Dahan-dahang lumapit si Digby. Hindi siya ngumiti. Hindi rin ako. Pumikit ako. At sa unang pagkakataon, hinalikan niya ako sa harap ng napakaraming tao. Mainit... katulad ng dati. Marahas... just like before. Ngunit hindi tulad ng halik ng isang bagong kasal—kundi halik ng isang lalaking nagwagi sa laban na hindi naman niya dapat sinalihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD