CHAPTER 4

1632 Words
I spent the night in Von’s arms. Walang halong guilt ang sandaling iyon. Sa bawat haplos niya, sa bawat halik sa noo ko, pilit kong iniiwan sa likod ang gabing puno ng kasalanan. I wanted to believe I was still the same woman he loved—faithful, loyal, deserving. Sa kabila ng very unsatisfied night kasama ang fiance ko, nandito pa rin ako. Still loving him the best way I could. Pero sa bawat titig ni Von, sa bawat ngiting binibigay niya habang yakap niya ako, lalo kong nararamdaman ang kirot sa dibdib ko. Hindi siya nagbago. Ako ang nagkasala. Kinabukasan, handa na kaming umalis. “Ready ka na?” tanong ni Von habang inaayos ang kwelyo ng polo niya sa harap ng salamin. Tumango ako. “Yeah. Let’s go.” Pumunta kami sa Montrose Mansion—isang mala-palasyong bahay na sobrang eleganteng tingnan sa labas at loob. Lahat ng detalye ay maingat na pinag-isipan—mula sa chandelier na tila kumikinang sa araw hanggang sa marble floor na parang salamin sa kinis. Dito kami magkikita ng pamilya ni Von para sa final preparations ng kasal namin. Next week na. Sa wakas. Matagal na naming pinaplano ‘to. Well, dito naman kasi nakatira ang family ni Von. Isa siyang Montrose– isa sa pinakamayamang pamilya sa balat ng lupa. “Carla!” masayang bati ng mommy ni Von nang dumating kami. “Good morning po, Tita Loraine,” ngiti ko, pilit na itinatago ang kaba. Agad niya akong niyakap, parang tunay na anak. “We’re so happy to finally welcome you to the family.” I don’t deserve this. Sinimulan na ang meeting sa loob ng grand dining room. Nandoon ang wedding coordinator, ang family lawyer, at ilang pinsan ni Von. Habang tinatalakay ang seating arrangements, suppliers, at vows, paulit-ulit kong pinapaalala sa sarili kong: Ito ang buhay na pinili ko. Ito ang lalaking pinili ko. Ito ang pagmamahal na totoo. Until I saw him. Dumating si Digby, late as usual. Nakasuot siya ng dark navy suit, mukhang bagong ligo at parang walang kahit anong remorse sa mukha. Nang dumaan siya sa likod ng upuan ko, halos hindi ako makahinga. “Morning,” aniya, halos bulong pero malinaw sa pandinig ko. Hindi ko siya nilingon. Ayokong makita ang mga mata niya. Ayokong maramdaman ulit ‘yon—‘yung pakiramdam na parang nahuhubaran ang kaluluwa ko kapag tumingin siya. “Kuya, salamat at dumaan ka,” bati ni Von. “Kahit busy ka.” “Of course,” malamig pero maayos ang tono ni Digby. “I wouldn’t miss my baby brother’s wedding prep.” May bahid ng pang-aasar sa boses niya pero hindi ‘yon napansin ni Von. Ako lang. Ako lang kasi ako ang may tinatago. Nakatitig lang siya sa akin habang nag-uusap sila ni Von. I wanted to scream. I wanted to walk out. Pero nagkunwari akong okay. Pagkatapos ng meeting, dumiretso kami sa bahay na pinapagawa ni Von—ang future home namin. Siya mismo ang namahala rito. Bilang assistant CEO ng MCC at engineer, sobrang hands-on siya sa bawat detalye. “Naisip ko, magpaparty tayo dito a day before the wedding,” excited niyang sabi habang pinapakita sa akin ang spacious na living room. “Konti lang. Mga closest friends and family. Gusto ko, makita nila kung saan tayo magsisimula.” Napangiti ako, kahit may bumabagabag. “That sounds lovely, Von.” “Gusto ko
 maging masaya ka. Gusto kong hindi ka na malungkot ulit,” bulong niya habang hinahawakan ang kamay ko. Bakit mo pa kailangan sabihin ‘yan, Von? Lalo mo lang akong pinarusahan ng guilt. Niyakap ko siya. “I’m happy. I really am.” Pero habang nakayakap siya sa akin, napalingon ako sa may entrance ng construction site—at nandoon si Digby. Nakapamulsa, nakasandal sa SUV niya, at nakatingin lang. Wala siyang pakialam kung sino ang kasama ko. Hindi siya umiiwas. Hindi siya natitinag. At ako? Para akong binuhusan ng yelo. Nagkatinginan kami. I hate that I felt something. I hate that kahit ilang metro ang layo niya, ramdam ko ang titig niya sa batok ko. Mabilis akong umiwas ng tingin. Baka mapansin ni Von. Pero bago kami umalis, lumapit pa rin si Digby. “Von, kailangan nating i-review yung supplier contract mamaya,” sabi niya habang nakatingin sa kapatid. “Pumunta ka sa office after lunch.” “Noted,” sagot ni Von. “Samahan mo na rin ako mag-site walk mamaya, Carla?” Ngumiti ako, pilit. “Sige.” “Actually,” singit ni Digby, “mas okay kung si Carla muna ang mag-double check ng kitchen layout. May concern si architect. She’s detail-oriented, baka mas mapansin niya.” I wanted to punch him. “Sure,” ani Von. “Sabay na tayo, kuya?” Digby looked at me. “Mauna na kami. Susunod ka, Von?” Von nodded. “Sige.” Hindi ako makagalaw habang lumalakad si Digby papalayo, kasabay ng command niya. Command na walang tunog pero naroon sa mata niya: Sumunod ka. Susunod ka. At alam ko, kahit gaano ko siya kamuhian— —susunod pa rin ako. Hindi dahil gusto ko. Kundi dahil may hawak siya sa’kin na hindi ko maipaliwanag. Guilt. Lust. Secrets. Control. At ang mas masakit—sa gitna ng lahat ng ‘to
 Napapatanong nalang ako sa sarili ko
 Am I marrying the wrong brother? Kasunod ako ni Digby papasok sa main site office ng bahay na pinapagawa ni Von. Malamig ang aircon sa loob ng trailer, pero hindi sapat para mapawi ang init na bumabalot sa leeg ko mula pa kanina. I shouldn’t be here. I shouldn’t be alone with him. Pero trabaho ko ‘to. I’m still his secretary. Technically. And worse? Ako rin ang babae na muntik nang sirain ang sariling engagement—dahil sa kanya. Nakasalubong namin ang ilang engineers at site foreman habang papasok. Binigyan ako ng kunot-noong tingin ng isa sa kanila—halatang nagtaka kung bakit ako ang secretary na kasama ng boss, hindi si Von. “Miss Carla,” bati niya, at ngumiti lang ako nang tipid. Pagkapasok sa loob ng trailer, agad sinarado ni Digby ang pinto. Walang sinayang na segundo. “Lock it,” utos niya. Napatingin ako sa kanya, kunot-noo. “Excuse me?” “I said lock the door,” he repeated, this time mas malamig ang tono. “Bakit? Baka pumasok si Von,” sabi ko, pilit na kalmado kahit kinakabahan ako. “Exactly,” he replied, leaning back against the desk, crossing his arms. “Kaya nga.” Napalunok ako. “Huwag mo akong titigan ng ganyan,” dagdag pa niya, “unless gusto mo ulit akong halikan.” “Stop it,” Ani ko, pilit pinipigilan ang tensyong namamagitan sa amin. At napayukong bumulong, “Hindi ‘yon dapat nangyari. At lalo na ngayon—after kagabi with Von—I feel even worse.” “Pero nag-enjoy ka, hindi ba?” tanong niya, walang kahirap-hirap. “You didn’t push me away. You moaned for me.” Putang ina. I turned away, but he followed. “You think you can just act like nothing happened between us? You think you can just go back to him and smile, habang ako, I’m stuck remembering every second of what we did?” “I’m marrying your brother!” sigaw ko, pabulong. “Kung may konsensya ka pa, you’ll back off!” Bigla niyang sinarado ang distansya sa pagitan namin, hinawakan ang braso ko. Hindi mariin, pero sapat para maramdaman kong wala akong takas. “Carla,” bulong niya. “I tried. I really did. Pero ang katawan mo
 sumasagot sa’kin. At alam mong hindi ako nagkakamali.” “Let go,” mariin kong sabi. He didn’t. Instead, he leaned closer, and his voice dipped into that dark, familiar timbre. “You’re marrying the wrong Montrose,” bulong niya sa tenga ko. Napapikit ako. God, Carla, what are you doing? “I hate you,” bulong ko. “You ruin everything.” “Hate me all you want,” sagot niya, “but you’ll never stop craving me.” Biglang bumukas ang pinto. “Digby—” Boses ni Von. Pero hindi siya agad pumasok. Nakaawang lang ang pinto, hindi niya kami agad nakita. Napatigil si Digby, pero hindi umalis sa posisyon. Agad akong umatras at kunwaring may tinitingnan sa desk habang si Digby naman, parang walang nangyari, lumapit sa pinto. “Oh, Von,” sabay sara ng pinto. “Busy kami. Give me ten.” “Ah, okay. Kala ko tapos na. I’ll wait sa labas.” “Sure,” casual niyang sagot. Pagkasara ng pinto, sabay kaming natahimik. Nakatayo lang ako sa gilid, habang siya ay tahimik na bumalik sa mesa at kinuha ang mga papeles na dapat naming tinitingnan. Tumingin siya sa’kin. “Nakita mo?” malamig ang boses niya. “Isang segundo lang ng pagkakamali, Carla. Isang segundo lang, at puwedeng gumuho lahat.” Tumango ako, hindi makapagsalita. “Kung gusto mong maprotektahan ang kasal mo,” dugtong niya, “better learn how to lie better.” “I’m not like you,” sagot ko. “No,” sabi niya. “You’re worse. At least ako, hindi ko tinatakasan ang totoo.” Umalis ako sa trailer na nanginginig. Paglabas ko, bumungad si Von—nakaupo sa hood ng kotse, may hawak na bottled water, nakangiti. “Hey,” aniya. “Okay na kayo ni kuya?” Tumango ako. “Oo. Just
 technical stuff.” “Good,” he said, then pulled me in for a hug. “Can’t wait to marry you.” At doon ako tuluyang nadurog sa loob. Because I didn’t deserve that hug. I didn’t deserve him. Ano ba 'tong pinasok ko. Hindi ko na alam. I'm just... I cheated on this man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD