CHAPTER 5

1706 Words
Pagkauwi ko ng bahay, pakiramdam ko para akong may dalang isang toneladang kasalanan sa balikat ko. Hindi pa man ako nakakapasok ng pinto, nanginginig na ang mga kamay ko habang sinusubukang ilapat ang susi sa lock. Pagkasara ko ng pinto, parang kusa nang bumagsak ang katawan ko sa malamig na sahig. Hindi ko na kinaya. Tumulo ang mga luha ko na parang gripo. Walang preno. Walang ingat. “H-hindi na tama ‘to…” Paulit-ulit kong bulong habang yakap ang sarili ko. Para akong baliw. Para akong hindi na si Carla. Ako si Carla—fiancée ni Von. Carla na palaging kalmado, organisado, matino. Pero ngayon? Isa akong babae na nawawala sa sarili. Naiiyak ako sa sobrang guilt. Paano mo nagawa ‘yon, Carla? Paano mo natiis si Von na tingnan sa mata habang may tinatago ka? Bakit hindi mo siya pinili sa isip mo—gaya ng pinili ka niya buong puso? Pinilit kong bumangon at maghugas ng mukha. Pagtingin ko sa salamin, hindi ko na halos makilala ang sarili ko. Namamaga ang mata, maputla ang labi, at ang tingin sa sarili ay puno ng pandidiri. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Pero ang katawan ko—parang wala nang lakas. Hinubad ko ang blouse ko, isinampay sa upuan, at naupo sa gilid ng kama. Nakatulala lang ako, blanko ang isipan. Hanggang biglang tumunog ang phone ko. Von Calling... Napapitlag ako. Sandaling nagdalawang-isip kung sasagutin ba. Pero alam kong hindi ko siya puwedeng iwasan. Sinagot ko. “Hey, love,” bati niya, masaya ang boses. “You okay?” “Yeah…” sagot ko, paos. “Pagod lang.” “Okay. I just wanted to say good night. I had a great time with you today. Lalo na nung sa site. Parang lahat gumagaan kapag kasama kita.” Mas kumirot sa dibdib ko ang bawat salitang binibitawan niya. “Same here,” pilit kong sagot. “I love you.” “I love you more.” Pagkababa ng tawag, tuluyan na akong napasigaw ng mahina habang nakatakip ang bibig. “T*ng ina mo, Carla…” Kinabukasan, nag-leave ako sa MCC. Sinabi kong masama ang pakiramdam ko. Ayoko munang harapin si Digby. Ayoko munang makita ang kapilyuhan sa mga mata niya, ‘yung tipong alam niyang kahit anong pigil ko sa sarili ko—nagkakamali pa rin ako para sa kanya. Buong araw, nasa kama lang ako. Walang gana. Walang direksyon. Naalala ko pa nung bata ako, madalas akong mangarap ng fairytale. Na isang araw, may lalaki akong mamahalin na hindi ko ikakahiya. Isang lalaki na pagmamahal lang ang laman ng mundo. And I found that. In Von. Pero ako? Ako ang may bitbit na kabaliwan. Ako ang may dalang panira. Ako ang may problema. Kinagabihan, umulan. Malakas. Kasabay ng bagyo sa labas ang bagyong nararamdaman ko sa loob. Tumunog ang doorbell. Hindi ko na tiningnan sa peephole. Pagbukas ko ng pinto—si Von. Basang-basa ng ulan pero may dalang soup at bagong damit. “Carla, sabi mo may sakit ka…” agad siyang pumasok, hawak ang mukha ko, “Ang init mo! May lagnat ka nga!” Hindi ko alam kung lagnat ba talaga ‘to, o guilt lang. Pinunasan niya ako, ipinainom ng gamot, at pinakain. Wala siyang reklamo. Wala siyang tanong. Buong puso niya akong inalagaan. Sa kama, habang nakahiga kami, siya ang yumakap sa’kin. “Alam mo, minsan naiisip ko… ang swerte ko sa’yo,” bulong niya. Agad akong napaluha. “Huy, bakit?” tanong niya, pinunasan ang luha ko. “Von…” “Hm?” “Kung sakaling… may nagawa akong mali, ‘yung talagang… hindi mo inaasahan. Magagalit ka ba?” Napakunot ang noo niya. “Anong klaseng tanong ‘yan?” “Wala lang… curious lang ako.” “Mali is mali. Pero depende. Lahat naman tayo nagkakamali, Carla. Pero kung mahal mo ‘yung tao, dapat handa kang unawain. Forgive. Fight for it.” Tumulo ang luha ko sa pisngi ko. Di ko na napigilan. “Hey…” hinawakan niya ang pisngi ko. “You okay?” “Hindi ko alam,” sagot ko, mahina. Hindi ko na kayang magsinungaling. Pero hindi ko rin kayang sirain siya. Hindi ko kayang tingnan siya habang sinasabi ko na ako mismo ang dahilan kung bakit masisira ang lahat. That night, I cried silently habang yakap niya ako. Tulog na siya, pero ako—gising pa rin. Gising sa konsensya. Gising sa takot. Gising sa katotohanang baka isang araw, malaman niya ang lahat. At mawala siya sa buhay ko. At ang mas masakit sa lahat? Hindi ko alam kung mas takot akong mawala siya... …o mas takot akong harapin si Digby ulit—dahil baka sa isang tingin lang niya, mawala na naman lahat ng prinsipyo ko. Kinabukasan ay balik reality show na naman ako. Hindi ako pwedeng tumakas sa mga responsibilidad ko, lalo na bilang fiance at secretary pa ng MCC. “Carla, ‘yung wine shipment daw delayed. Baka hindi umabot bago mag-setup.” “Okay, call the vineyard directly. Iwan mo muna ‘yung caterer kay Ruth. Make sure makausap ko ‘yung manager ng delivery.” “Copy, Ma’am.” I gave a quick nod before turning toward the coordinator on my right. Tama, preparation kami ngayon ng a day before the wedding party dito mismo sa bahay na pinagawa ni Von for us. “‘Yung string lights sa pool area, hindi pa rin nakabit. Sabihin mo kay Leo na kapag hindi ‘yan umilaw before 6 PM, hindi tayo magpapa-party sa garden. Hindi ako magpapakasal na walang ilaw ‘yung photos.” “Yes, Ma’am Carla!” Tumango na lang ako. Sa totoo lang, ubos na ubos na ako. Ito na dapat ‘yung pinaka-exciting na parte ng isang bride-to-be—yung pre-wedding celebration. A night with friends and family before the biggest day of your life. Pero sa kaso ko? Para akong general sa gyera. All eyes on me. Lahat ng desisyon dumadaan sa akin. Kasi si Von, abala pa sa final inspection ng bahay. Gusto raw niyang siguraduhin na perfect ang party venue, pati na rin ang bagong bahay na balak naming tirhan pagkatapos ng kasal. At ako? Nagpapaka-busy para lang hindi ako balutin ng guilt. Kasi kapag tumigil ako—kahit isang minuto—bumabalik ang imahe ni Digby. ‘Yung lalim ng titig niya. ‘Yung init ng huling gabi namin. ‘Yung galit, at kasabay no’n, ‘yung hindi ko maipaliwanag na sakit sa dibdib. Mali. Mali. Mali. At mas lalo pang gumugulo ang lahat kasi kahit anong pilit kong iwasan, nandiyan pa rin siya. Si Digby. Sa MCC meetings. Sa site visits. Sa meetings tungkol sa bahay ni Von—na ironically siya rin ang nagdesinyo. Ang kapal talaga ng tadhana. “Ma’am Carla, excuse me po,” putol ng isang staff. “Si Sir Von po nasa driveway na raw. Kasama ang kuya niya.” Ptang—ano raw?!* “Anong kuya niya?” tanong ko agad, kahit alam ko na ang sagot. “Si Sir Digby po.” Of course. Because why not. Sa gilid ng bahay, may maliit na tent setup kung saan pinaplano ang final touches ng party—from table settings, guest placements, hanggang sa menu cards. Habang nasa gilid ako ng tent, lumabas mula sa SUV si Von, fresh from the construction site. Pawis, sun-kissed, pero guwapo pa rin sa suot niyang plain white tee at jeans. Kasunod niya? Siyempre, ang hilatsa ng mukha ng lalaking pinakahirap iwasan: Digby Montrose. Black shirt, sunglasses, and that permanent “I own the world” aura. “Carla!” tawag ni Von, agad akong sinalubong ng yakap at halik sa pisngi. “Sorry, natagalan. Traffic galing site.” “It’s okay,” sagot ko, pilit ang ngiti. “I handled everything here.” Alam kong napansin ni Digby ang shift ng ngiti ko. ‘Yung pilit. ‘Yung may kabang itinatago. “Kumusta na ang preparations?” tanong ni Von habang nililingon ang paligid. “Almost done. Waiting na lang sa wine at ‘yung sound check sa band. Pero bukas, we’ll be ready.” Tumango siya. “Good. Thank you, love. As always, you make everything perfect.” “Trying my best,” sagot ko habang bahagyang napapatingin kay Digby. At ang hinayupak—nakangisi. “Efficient as usual,” biglang sabat niya. “Swerte mo, Von.” “Always,” sabay halik ulit ni Von sa noo ko. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto kong lumubog sa lupa. Parang may camera na naka-focus sa’kin, waiting for me to crack. Pagpasok namin sa loob para i-finalize ang guest room assignments, naiwan saglit si Von para kausapin ang electrician. At ako, bad timing as always, naiwan kasama si Digby sa hallway. Tahimik. Walang imikan. Pero ang tensyon—nakakabingi. “Napapansin ko…” simula niya, walang pakundangan, “magaling kang magkunwaring okay.” “Tumigil ka na,” sagot ko agad, halos pabulong. “Bakit? Totoo naman, diba? You smile, you kiss him, you act like the perfect bride-to-be. Pero ‘pag tayo lang... you avoid me like I’m a disease.” “Digby, please…” “Sabihin mo lang. Sasabihin ko kay Von. Ngayon din.” Hinawakan niya ang braso ko, at para bang automatic—may kilabot pa rin. “Bitawan mo ako,” mariin kong bulong. “Kung ayaw mong umamin, fine. Pero ‘wag mong gawing kasalanan ko na hindi ka makalimot,” malamig niyang sabi. Napalunok ako. Lumingon agad sa paligid para siguraduhing walang nakarinig. But God, if walls could talk… Naglakad ako palayo sa kanya. Hindi ko kayang harapin pa. Hindi ko kayang hayaang bumigay ulit ako. Kasi ang totoo? Hindi ako galit kay Digby dahil masama siyang tao. Galit ako kasi alam kong kahit isang sulyap lang niya—bumabalik lahat. At ayoko nang bumalik. Sa gabi bago ang kasal, may final meeting kami ni Von sa mga planner. Napagod ako sa kakacheck, pero sa dulo, we sat by the bonfire na pinapatayo pa lang. “Carla,” sabi ni Von habang nakatitig sa bituin, “Do you think... we’re ready?” Tumango ako. “Yes. I think so.” At sana, paniwalaan ko rin ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD