CHAPTER 6

1759 Words
Tumugtog ang classic jazz sa background habang pa-sosyal ang dating ng ambiance sa garden ng bahay na pinapagawa ni Von. Isang gabi bago ang kasal namin, at narito ang halos lahat ng bisita—mga kaibigan, kamag-anak, business partners ng Montrose family, at siyempre, mga empleyado ng MCC. Ako? Nakasuot ng cream-colored silk dress, simple pero elegante. Makeup by a professional artist, smile na pilit, at hawak kamay si Von habang iniikot niya ako sa mga guests. “Tomorrow, magiging Montrose ka na,” bulong niya, nakangiti. Ngumiti ako pabalik. “Excited na nga ako,” sagot ko, kahit ‘di ko alam kung excitement ba talaga ‘yon o kaba na parang sasabog ang dibdib ko. Carla, you’re marrying the man of your dreams. You should be happy. Bakit ba hindi mo maramdaman ‘yon? Hanggang ngayon, bitbit ko pa rin ang bigat ng kasalanan ko. Isang gabing pagkakamali, pero paulit-ulit na binabalik ng konsensya ko. At parang pinaparusahan ako ng langit sa pag-ikot ko—kasi paglingon ko sa may bar area, nakita ko siya. Si Digby. Walang kahirap-hirap sa black long-sleeve shirt na naka-roll up hanggang siko, black slacks, at ang signature cold stare na laging nakatutok. Kasama niya ang ilang investors, but his eyes—nakatuon sa akin. Hindi ako makagalaw. Napansin yata ni Von na natigilan ako kaya sumunod ang tingin niya. “Oh, kuya,” bati ni Von, sabay hila sa ‘kin. “Let’s say hi.” No. Please, no. Pero hindi ako makatanggi. Paglapit namin, lumingon si Digby. Hindi siya ngumiti. Walang “Hi, soon-to-be sister-in-law.” Wala. Nanatili lang siyang nakatitig, para bang may gustong sabihin pero pinipigilan. “Kuya,” bati ni Von, “ayos ba ‘yung lights sa pool area? Si Carla ang nag-coordinate niyan, baka gusto mong makita.” Hindi sumagot si Digby. Imbes, nilingon niya ako. “Hindi mo pa ba nasasabi sa kanya?” tanong niya. Tahimik. Diretso. Matapang. Napakurap si Von. “Sabihin alin?” Pumikit ako. Please, Digby. Don’t. Ngumiti si Digby, pero malamig. “Na may kailangan tayong pag-usapan—privately.” “Now’s not the time,” sabi ko agad, pilit na kontrolado ang boses. Von looked confused. “Is everything okay?” “Everything’s perfect,” sabat ni Digby. “For now.” Sabay talikod at iniwan kaming nakatayo ro’n. Napasandal ako sa garden pillar at huminga ng malalim. “Carla?” tanong ni Von, hinawakan ang kamay ko. “What’s going on? You’re acting weird since yesterday. Something bothering you?” “Von…” Napapikit ako. Tell him now. Bago pa mahuli ang lahat. Tell him what you did. Pero... nang makita ko ang mga mata niya—punong-puno ng pagmamahal, tiwala, at excitement sa wedding namin—parang sinakal ako ng sarili kong guilt. “Nothing. I'm just overwhelmed,” sagot ko. “Lahat kasi nangyayari ng sabay-sabay.” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. “You don’t have to do everything alone. I’m here, Carla. Okay?” Tumango ako, at pinilit ngumiti. Pagkatapos ng main toast ng gabing ‘yon, nawala si Digby sa crowd. At alam ko na agad kung saan siya nagpunta—‘yung maliit na patio sa likod ng site, kung saan madalas siya mag-yosi kapag stressed. Hindi ko dapat siyang sundan. Pero ayoko rin ng gulo bukas. Ayoko ng something na pwedeng sumabog sa mismong araw ng kasal ko. Kaya eto ako ngayon, lumalapit sa kanya, habang naka-sandal siya sa railing, may hawak na basong may whiskey. Pagkarinig ng takong ko sa tiles, nagsalita siya. “Kala ko hindi ka pupunta.” “Hindi dapat,” sagot ko. “Pero ikaw ‘tong may pagka-pasabog. Ayoko ng scene bukas.” Bumaling siya sa’kin. “Then don’t marry him.” Nanlambot ang tuhod ko. “Wag mo ‘kong gawing masama, Digby. Ako na nga ‘tong may kasalanan—ikaw pa ‘tong may ganang maging victim.” “Hindi ako victim, Carla. Pero hindi rin ako manhid. That night—hindi lang ‘yun basta pagkakamali. That was real.” “Hindi pwede,” sagot ko, paos. “Hindi ikaw ang pipiliin ko. Hindi ikaw ang mahal ko.” “Huwag mong sabihin ‘yan kung di mo kayang panindigan,” aniya, lumapit sa’kin, hawak ang baso, tiklop ang kilay. “Kasi ‘pag nagpakasal ka bukas, I’ll back off. Pero habang hindi pa ‘yan nangyayari, I’m still fighting for what I felt.” “Digby—” “Huwag kang magkunwaring walang naramdaman. I kissed you and you kissed me back. You moaned my name. You wanted me.” “STOP!” Umiyak ako. “Tumigil ka na. Please. Kasalanan na nga ang lahat. Gusto mo pa akong hilahin pababa. Ayoko nang masaktan pa si Von.” “Then walk away. Leave. Don’t marry someone you’ll eventually lie to every night.” Sa pagkakataong ‘yon, pakiramdam ko para akong hiniwa ng mga salita niya. Pero imbes na sagutin siya, tinalikuran ko siya at lumakad pabalik sa loob. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong naka-freeze bago ko naituloy ang hakbang ko. Kailangan ko na lang magpakatatag. Mag-focus sa kasal. At pagdasal na hindi na siya muling sumira sa buhay ko. Pero sa puso ko—alam kong ang totoo... …hindi pa tapos si Digby. At baka ako rin. Tumitindi na ang tugtog mula sa speakers habang isa-isang pumupuno ang garden. Sa paligid ay may mga fairy lights na kumikislap na parang mga bituin. Eleganteng set-up, perfect weather, magandang mood. Lahat ay masaya. Lahat… maliban sa’kin. Kahit anong ngiti ang ipilit ko, kahit ilang beses kong sabihing okay lang ako—nararamdaman ko pa rin ang paninikip sa dibdib. Lalo na kapag nararamdaman kong naglalakad si Digby sa paligid. Hindi ko siya hinahanap pero parang naaamoy ko ang presence niya. May magneto siya na ayaw kong lapitan, pero hindi ko rin kayang iwasan. “Love,” tawag ni Von sa likod ko habang magaan na kinakalabit ang baywang ko. “Come with me?” Napalingon ako sa kanya. Ang gwapo niya sa semi-formal na polo, sleeves rolled up, hair slightly tousled, and that warm smile—na ako lang ang tanging dahilan. “Where are we going?” tanong ko habang tumatawa. “To the second floor,” aniya. “Just for a minute. Gusto lang kita makasama. Lahat ng tao nandito sa baba, tayo naman doon saglit.” Tumango ako. “Okay, sige. Kailangan ko rin ng pahinga.” Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinila paakyat sa second floor ng bahay na siya mismo ang nagdesinyo. Bukas pa lang ang formal turnover nito, pero inayos na nila para sa engagement party namin. Isang malaking balcony ang nakadugtong sa living room sa taas—may night breeze, may view ng pool, at may kaunting ilaw na mas romantiko pa kaysa sa buong garden. Pagdating namin doon, agad niya akong niyakap mula sa likod habang sabay kaming nakatanaw sa mga ilaw sa ibaba. “You okay?” bulong niya. “Yeah…” Mahina kong sagot, sabay yakap sa kamay niya. “Carla, I’m really happy,” bulong niya. “I know the wedding is overwhelming, but I just want you to know—I’m sure. Ikaw ang gusto ko. Ikaw lang.” Ouch. Ngumiti ako. Pinilit ko. Pero sa loob-loob ko, gusto kong umiyak. Kasi deserve niya ang buong puso ko… pero hindi ko na ito mabuo. Bumaling siya sa’kin, hinarap ako, at hinalikan ang noo ko. “I love you,” sabi niya. “I love you too…” bulong ko. At least, that part was true. Mahal ko siya. Pero hindi ko alam kung sapat na ‘yon. Nagtagpo ang labi namin. Mabagal. Mahinahon. Punong-puno ng damdamin. Hinila niya ako palapit sa dibdib niya habang yakap-yakap. Para kaming nasa sariling mundo sa gitna ng ingay sa ibaba. Then— BLAG! “Yooooooo!” sabay sigaw ng boses na parang hindi ko inaasahan sa oras na ‘yon. Napalingon kaming pareho sa hagdan. Nandoon si Digby. May hawak na bote ng whiskey. Nakatagilid ang polo, unbuttoned hanggang dibdib. Namumula ang mukha. Malagkit ang tingin. Lasing na lasing. “Whaaat a loooovely couple!” sigaw niya. “Tooo my dear little brother and his one and only fiancée…” “Oh God…” bulong ko. Napakapit si Von sa kamay ko. “Kuya? Lasing ka na naman?” “I’m not lasiiing, Von. I’m celebrating!” sabay lagok pa ng whiskey mula sa bote. Lumingon siya sa’kin. “And to you, future Mrs. Montrose—ay mali, Montrose ka na pala ngayon.” Napakagat ako sa labi at pinilit tumahan sa kinatatayuan. “Kuya, baka puwedeng bumaba ka muna? We’re just talking here—” “Come oooon,” sabat ni Digby. “It’s your night. Sayaw tayo, Von! Just like when we were kids.” Lumapit siya sa amin at hinila si Von sa gitna ng balcony. Walang musikang tumutugtog sa itaas pero sumayaw si Digby ng parang lasing na prinsipe—marahas pero may ritmo. Si Von, natawa pa. Parang binigyan na lang niya ng allowance ang kapatid niya. I tried to smile. Kahit awkward, may charm pa rin ‘yung moment. Pero habang lumalakas ang tawa ni Digby, lalo rin siyang nawawala sa sarili. Sa isang iglap, nadulas siya sa tiles. “Kuya—!” Hinablot siya ni Von, pero sa pagkabig niya— NAWALA ANG BALANSE. At sa isang iglap lang— “AAAAAHHHHH!!!” Bumagsak si Von mula sa second floor. Dumulas ang paa. Natamaan ng katawan ni Digby habang binabalanse siya. CRASH! Sumigaw ang mga tao sa ibaba. Ang ingay ng basag na mesa. Ang lagapak ng katawan. Ang sigaw ng mga bisita. Lahat iyon sabay-sabay na naganap. Nanigas ako. Hindi ako makagalaw. “VON!!!” sigaw ko habang tumakbo ako pababa, halos madapa sa hagdan. Pagkarating ko sa ibaba, nakahandusay si Von. May dugo sa gilid ng ulo niya. May mga tao nang nagtatawag ng ambulansya. Si Tita Loraine ay umiiyak habang tinatakpan ang bibig niya. May mga bisitang natulala. Ang ilang staff ay nanginginig. At ako—napaluhod sa tabi ni Von. “Von… Von… please… please gumising ka… please lang…” Wala siyang imik. Wala siyang galaw. Pumikit ako sa takot. Hindi ko na maalala kung paano ako humagulgol. Naramdaman ko lang ang presensya ni Digby sa likod ko. Kasabay ng tunog ng basag na bote ng whiskey. At ang malalim, matinis, at puno ng konsensyang tinig niya— “…It was my fault.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD