Carla Elmundo's POV Tahimik ang umaga. Mas tahimik pa kaysa sa mga nakaraang araw. Habang hawak ko ang tasa ng kape at nakatingin sa salamin ng malaking bintana sa sala ng bahay naming dalawa ni Digby, ramdam kong may bumabagabag sa dibdib ko. Hindi na ito katulad ng dati—ito na ang tahanang puno ng tanong, guilt, at… isang uri ng pagkalito na hindi ko maipaliwanag. Maya-maya’y bumukas ang pinto sa likod ko. Si Digby. Tahimik lang siyang naglakad papunta sa kusina. Walang bungad na masungit. Walang pilyong biro. Walang “Morning, Mrs. Montrose” na palaging sarkastikong binabanggit niya tuwing umaga. I looked at him from the corner of my eye. May suot siyang dark blue polo na hindi niya na-button ng buo, at mukhang kagagaling lang sa labas. Gising na gising ang mata niya pero mabigat ang

