Pagkatapos ng “public display of affection” sa rooftop ng MCC, akala ko makakahinga na ako. Akala ko tapos na ang palabas, na pwede ko nang kalimutan ‘yung halik sa kamay ko, ‘yung sayaw, ‘yung mga salitang binigkas niya na, sa totoo lang, hindi ko alam kung para sa kamera o para sa akin. Pero ang totoo? Hindi ko siya makalimutan. Buong gabi, hindi ako nakatulog. Tapos na ang eksena, pero ang puso ko parang hindi pa rin humihinto sa pagtibok. I kept asking myself over and over again: “Acting lang ba talaga ang lahat? O ako na lang ang nagpapanggap na wala akong nararamdaman?” So kinabukasan, maaga akong bumangon at umalis bago pa siya magising. Ayokong makasabay siya sa almusal. Ayokong marinig ulit ‘yung boses niya. Kasi baka kung anong mapaniwalaan ko ulit. At sa MCC, pinili kong h

