CHAPTER 30

1396 Words

Pagkatapos ng buong palabas sa MCC, sabay kaming lumabas ni Digby sa elevator. Tahimik. Walang linaw kung tapos na ba ang drama o kung may susunod pang eksena. Nang makarating kami sa executive parking, kusa siyang nagbukas ng pinto ng sasakyan para sa akin. “Thanks,” mahina kong sabi habang sumasakay. Hindi siya sumagot. Sumakay lang din siya sa driver's seat, at sinimulan ang engine. Habang umaandar ang sasakyan, hindi ko maiwasang pagmasdan ang mukha niya sa gilid ng paningin ko. Relaxed. Tahimik. Pero alam kong hindi siya kampante. Kahit anong anggulo, si Digby Montrose pa rin ‘yon—bossy, matalino, matigas ang ulo. Pero ngayon, parang may kakaibang lambot sa mga mata niya. And then, bigla siyang nagsalita. "Okay ka lang?" Napatingin ako sa labas ng bintana. Hindi agad nakasagot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD