Bumuhos ang ulan habang nakasandal ako sa gilid ng bintana sa kwarto ng dati kong bahay. Dito kasama ang magulang ko. Sa labas, malakas ang hangin. Pero mas malakas ang bagyo sa loob ng dibdib ko. Ang bahay ay tila naging masyadong malaki… masyadong tahimik. Para bang kahit ilang ilaw ang buksan ko, hindi pa rin nito kayang liwanagan ang dilim na bumabalot sa loob ko. Hindi ako makauwi agad pagkatapos ko bisitahin si Von. Hindi ko alam kung paano haharapin si Digby. At hindi ko rin alam… kung paano haharapin ang sarili ko. “Mahal mo na ba talaga si Digby?” Ilang beses ko nang tinanong ‘yan sa sarili ko. At ilang beses ko na ring sinubukang itanggi. Noong una, galit ako sa kanya. Para siyang bagyong walang pasabi na sumira sa plano ng buhay ko. Hindi ko siya pinili. Hindi dapat siya

