Tumigil muna ang mundo. Walang press con. Walang media scandal. Walang galit mula sa board. Wala si Mr. Darious. Wala si Tita Loraine na may checklist ng dapat kong gawin bilang Montrose wife. Wala… kundi kami. At sa wakas, hindi ko na kailangang i-rehearse ang bawat kilos. Hindi ko na kailangang isipin kung paano ba dapat magpanggap bilang babaeng in love. Because I was already in love. It’s not loud, grand, or like the ones in books na puno ng fireworks. It’s quiet. It’s slow. And somehow, mas totoo dahil doon. “Masarap ba?” tanong ni Digby habang nakatitig sa akin, pinagmamasdan akong kumain ng adobo na siya mismo ang nagluto. “Teka lang, ‘wag kang tumingin nang ganyan,” sabi ko, medyo naiilang habang ngumunguya. “Bakit? Asawa naman kita.” Ngumiti siya at kumindat. Napailing

